Chapter 37

410 9 3
                                    

Chapter 37

Heavnly

   "Heavenly stop." Hawak niya sa braso ko

   "Ano ba Seth bitawan mo ko." Saad ko palabas ng bar

   "Lets talk please.. Ashia and I were not.. I mean.." Naluluha na ko sa gusto niyang sabihin. Pero hindi ako tanga si Lily mismo ang nagsalita

Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko at huminga ng malalim dahil ilang sandali na lang mahuhulog na ang mga luhang gustong umalpas sa mga mata ko.

   "Please wag mo saktan ang kaibigan ko at please wag mo na kong kausapin." Hinawi ko ang unang luhang dumaloy sa pisngi ko

   "Heavenly.." usal niya at niyakap ako.

Alam ni Lord na gusto kong yakapin siya pabalik pero mas nanaig ang lumayo sa kaniya. Mas pipiliin kong lumayo sa kanila kesa ang makasakit ng iba.

Umalis ako sa lugar na iyon at nagtaxi pauwi sa mansyon nila Avon hindi ko nga alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko kay Lily gayong pinagtaksilan ko siya.

Huminga ako ng malalim at bumaba ng taxi. Hindi ko na pinansin ang sino mang naroon sa sala nila. Agad na kong umakyat ng hagdan.

Siguro eto ung paraan ng panginoon upang buksan ang mga mata ko at mali ang naging desisyon ko sa buhay. Naiiyak ako ng hawakan ko ang tyan ko.

   "Pasyensiya na baby ha. Hindi ko maibigay sayo ang dapat na tawaging pamilya. Ganito ata talaga ang kapalaran natin walang pamilya na matatawag." Naalala ko noon wala akong tatay na kinagisnan nanay na mapagmahal. Umiiyak akong nahiga at inalala ang nangyari kanina sana pala nagisip ako noong gabing iyon. At sana hindi ko naranasan ang ganitong sakit.

Kinabukasan ay nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto napatingin ako sa relo its 6a.m in the morning hindi ako bumangon sa pagalala ng hindi ko na man nilock ang pinto sa kwarto.

   "Morning breakfast in bed Heav." Nagulat ako at si Agot ang narito.

   "Avon was so tired at hindi na niya ako naihatid kagabi sa apartment so I decided to come here na lang besides di tayo nagabot kagabi." Saad niya habang nilapag ang pagkaing dala.

   "Pwede ka bang maglihim Agot?" Tanong ko

   "Ha? Uhmm depende hehe." Knowing Agot siya itong hindi mo pwedeng pagtaguan ng sekreto.

   "Pwede mo bang hanapin ang taong ito?" Abot ko sa kaniya ng kapirasong papel. Binasa niya ito at nagtatakang tumingin sa akin.

   "Pacontact naman siya kung available siya at pwede rin bang atin lang to? Please?" Tumango siya

   "Uhmm Heav sino to?" Ngumiti ako sa kaniya at sinabi kung sino iyon.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ni Agot ay nagpaalam na itong uuwi na raw at tatawagan na lang niya ako kung nahanap na niya ang taong iyon.

   "Hi Ate Heav okay ka lang ba?" Pagkalabas ni Agot ay pasok naman ni Andrea.

   "Ayos lang nabusog nga ako wala ka bang trabaho ngayon?" Balik kong tanong

   "Uhmm I have pero mamaya pa naman. Sooo?" Pasimpleng upo niya sa bangko na naroon at hawak ng cellphone.

   "Hindi niyo kailangan paisa isa pumasok at magtanong kung okay lang ako pwede na kayong pumasok lahat." Nakarinig kasi ako ng diskusyon sa pinto ng kwarto. Napabuga naman ng hangin si Andrea

   "Ang ingay niyo kasi hays!" Nagmamaktol na saad ni Andrea bago buksan ang pinto at lumabas. Marahil late na ito sa trabaho.

Pumasok naman silang tatlo at nangunguna na si Avon nakapadjama pa ang mga ito at naupo sa kama. Walang unang nagsalita kaya natawa na lang ako.

She's A Nun?Where stories live. Discover now