Eight: Ang Tao at Kalikasan

82 5 5
                                    

KAPAG ang kalikasan nagngalit wala kang magagawa, wala kang matatakbuhan. Kapag siya ay gumanti buhay ang magiging kapalit. Hindi ka na ba natuto tao? Hanggang ngayon pa rin ba ay paiiralin mo ang iyong pagiging gamahan at ambisyoso? Maraming buhay na ang nawala, maraming tahanan na ang nawasak at nasira.

"Tao, ilang bagyo pa ba ang kailangan kong ipadala upang kayo ay matuto? Ilang baha pa ba ang kailangan kong paanurin upang kayo ay magbago? Ilang pagguho pa ba ang kailangan kong gawin upang mamulat ang inyong mga mata?"

Wala tayong ibang masisisi kundi ang ating mga sarili. Hindi natin ito pwedeng isisi sa biglaang pagbabago ng panahon, sa pag-usad ng industriya o dahil sa teknolohiya dahil sino ba ang nagsimula ng mga iyan, tayo ring tao hindi ba. Sa pag-usad ng industriya ay nakalimutan nating nalalason na ang lupa, tubig at maging ang hangin na ating hinihinga na dahilan upang maging pabago-bago na ang panahon. Teknolohiya, ginawa natin ito upang mas mapadali ang ating buhay ngunit sa anong kapalit, mga putol na puno, mga bundok na naglaho, mga likas na yamang naubos, mukhang hindi natin naisip na mas marami pa itong naidulot na kasamaan dahil ginamit natin ito sa pansarili nating interes. Sa bilis ng ating pag-unlad ay nakalimutan na nating pahalagahan at alagaan ang mga maliliit at importanteng bagay.

"Tao, kailangan ko pa bang kumitil ng buhay? Kailangan ko pa bang mangwasak ng mga pamilya't tahanan? Hindi ko ito kagustuhan ngunit kayo ang nagsimula at kayo rin ang tatapos."

Walang masama sa pag-unlad ng industriya o pag-unlad ng teknolohiya, ang masama ay ang isipin nating mga tao na maaari natin itong gamitin para sa pansarili nating kapakanan. Marami ng namamatay dahil sa tayo ay makasarili, inaangkin ang hindi naman dapat sa atin at sinisira ang mga bagay na dapat nating mahalin.

"TAO! Naririnig niyo ba ang aming hinaing? Hindi namin nais na kumitil, hindi namin nais na mangwasak ngunit nauna niyo kaming sinaktan. Nagtiis kami sa inyong pang-aabuso, sa pag-ubos niyo sa aming kasaganaan, sa pagwasak niyo sa aming kagandahan ngunit ngayon kayo naman. Ipaparanas namin sa inyo ang bagsik at lupit ng aming galit. Naririto lang kami laging magpapaalala sa inyo na hanggat hundi niyo kami tatantanan, ay patuloy rin naming kayong lalabanan. Pakatandaan niyo iyan!!"

Inside The Abyss: One-shot CollectionWhere stories live. Discover now