1

7K 99 0
                                    

{revised}
Janna's POV
Hay nako mahirap kapag may kuya pero minsan masaya naman minsan nakakainis at minsan nakakatuwa.
Sila kuya Gerald, Dominic, JC, at kuya Dave sila ang mga heartthrob sa school.
At ako naman ang laging na papagtripan sa school. By the way let's go back to the story.
.
.
.
"kuya Dave ayoko pa nga!" Sigaw ko
Habang hatak hatak nya ang paa ko.
"Gising na tanghali na." Sigaw rin ni Kuya Dave.

"Ayoko pa kuya Dave." Pagpupumilit ko.

"JC asaan yung pamalo?!" Nagulat na lang ako ng nakarinig ako ng pamalo.

"Teka eto na kuya." At saka inabot ni kuya Jc kay kuya Dave ang pinaka makapangyarihang armas.

"Papaluin ko na to in 5-4-3-2--" Nag simula ng countdown si Kuya Dave at ako nanahimik saglit.

"Eto na nga tatayo na." At dali dali akong tumayo.

"Hay salamat JC tumayo na din ang bunso." Bigkas ni kuya Dave

"Oo na tamana nga kumain na tayo." Sabi ni kuya Jc.

Bumaba na ako papunta sa kusina at kinusot muna ang mata bago umupo sa upuan.
Nadatnan kong nakaupo ang dalawa ko pang kuya,
si kuya Dominic at Gerald.

"Kain na oh Janna." Alok ni kuya Gerald saakin habang may hawak na plato.

"Salamat kuya Gerald." Sabi ko
Biglang nabulahaw ang lahat ng--

"Hoy Dominic! Magpapasukan na. Magbago ka naman." Si kuya Dave nagsalita.

"Ano ba kailangan kong baguhin kuya Dave?" Nagtatakang tanong ni kuya Dominic.

"Pa bad boy bad boy ka sa school ah. Magbago ka naman." Singit ni kuya Jc.

"Oy mga bata! Wag kayo mag away sa harap ng pagkain!"

Sabay sabay kami.
"Opo Ma."
~~
Nakarating kami sa campus at as usual nambwisit nanaman ang aking pinaka mamahal na kapatid.
"Baba na Janna nandito na tayo."

"Eto na kuya Dave." Bwisit na sagot ko.

"Hoy Gerald! Tamana yang pakikinig ng music!" Pang iinis ni kuya Jc kay kuya Gerald.

"Oo nga pasukan na." Sabi naman ni kuya Dave.
So actually itong dalawa kong kuya na si kuya Dave at Jc, sila ang pinaka mapang inis saaming magkakapatid. Kase nga naman yung mga trip namin hindi nila gusto. Old school tong mga to.

"Oo na." Sagot ni kuya Gerald.

"Oy Dominic tumigil ka na sa pagiging bad boy ah." Pang iinis nanaman ni kuya Dave.

"Ano ba magagawa ko dito kase takot sila saakin kuya Dave." Pagmamayabang ni kuya Dominic.

"Tumahimik ka ako di ako takot sayo batukan kita dyan ay." Inis na sagot ni kuya Dave.

Nag simula na kaming maglakad papasok sa loob ng campus ng--

"Oh my god! Kaya ayaw ko mag absent dahil sa kanila!"
"Gwapo ni Gerald!"
"Oo kahit na tahimik at mahiyain sya."
This is what I hate about this campus, girls are everywhere. Tsismis dito tsismis doon. Puro naman mga kapatid ko ang pinag uusapan.. Tsss..

Hindi ako nakikisabay sakanila at baka kung ano pa ang gawin saakin ng mga babaeng ito. Gumawa pa ng storya kung kaano ano ako ng mga kapatid ko, kase nga saaming magkakapatid ako ang invisible. Wala silang pake kaya pasalamat na lang ako na isinasabay pa ako ng mga kapatid ko.

Baka ma bully pa ako ng husto kapag gumawa ako ng isang maling galaw. And speaking of bully.
Lumapit saakin ang isang mala barbie ng section namin.
Nag paiwan na ako sa mga kapatid ko at kailangan ko pang makipag ululan dito.
You wanna know her???
The name is Irish,
Irish Gwenith Alcantara.

"Janna may barya ka ba dyan??" Pag mamataas nyang tanong.
Ginagawa nya to lagi saakin, hindi naman ako nerd kung ganito sya mantrato saakin--

"Hey are you still there??" Nawala na ako sa mga pangyayari,

"Eto na." Pag aabot ko sakanya ng pera ko. Sa totoo lang hindi naman barya hinihingi nya eh. Yung buong baon ko talaga.

"All of 'em." Sabi nya.
Kita nyo?? Mayaman sya pero hindi ko alam kung bakit sya nang gaganito.

"Eto na." Pag aabot ko ng lahat lahat ng pera ko.

"Great, see ya around Invi." At umalis na sya.
Malamang nagtataka kayo kung bakit 'Invi' kase nga ako ang INVIsible saaming mag kakapatid di ba??
-------------------------------------------->

Gerald's POV
I hate this. Back to the usual.. Aish!
Naglalakad na ako papunta sa library. Actually hobby ko talagang mag basa. Kahit wala sa itsura.

"Hi Gerald. I'm Hena free ako mamaya gusto mo sabay tayo kumain at mag study?" Wtf???! A random girl came out from nowhere!
Hindi ko na lang sinasagot yang mga yan. Umalis na lang ako at nagpunta sa library.
Nakapasok na ako sa loob at isang babae ang nakatingin saakin.

Hindi nya inaalis ang tingin saakin at tumayo sya sa kinauupuan nya. Papalapit sya saakin at parang may kailangan saakin.

Maybe she thinks that I like her 'cause tumingin din ako sakanya. Can't I be just curious dahil bago lang ang mukha nya dito??

I can tell na may itsura din naman sya pero I'll tell you she's not my type.
And here she comes, act natural dude.

"Hi I'm Baile." Paninula nya.
Hindi ako sumagot at siguro sa tingin nya makikipag kilala ako sakanya.
Well, meet the ICEBERG of the Cruz Family.
Bumagsak ang mga librong hawak nya at tumayo lang ako at tinignan syang mag pulot ng mga gamit nya.

"Salamat ah libre kita sa recess." Aya nya.

I didn't even do anything???
Nag smirk ako at bigla syang nag salita.
"B-Bakit??" Sabay ngiti nya.

"Ano ako? Walang pera?? I can buy myself anything." Bigkas ko

Napahiya sya at kitang kita ko na nainis sya at umalis.

"Hoy! Gerald!" Napalingon ako at nakita ko silang apat.

Hindi ako lumapit sakanila at nag punta ako sa book shelf.
It's my time to be alone, I don't want that you guys ruin it.
~~
Ilang minuto rin ang nakalipas at lumabas na ako ng library. Then I heard some voices coming from the other side of the locker room.

"Oh my god hindi nga Baile?" Sigaw ng babae.

"Oo nga, he was really an Iceberg! I totally hate him!"

"Sinabi ko naman na kase sayo yun, wag ka nang mag tangkang mag kakagusto sayo ang isang Gerald Cruz." Sagot ng babae.

"Napahiya nga ako eh..." Palagay ko na si Baile the Newbie ang nagsabi nun.

Ugh! I gotta get outta here. At nglakad na ako paalis.

End of Gerald's POV

OPK:OVER PROTECTIVE KUYAS {Book One}Where stories live. Discover now