16

1.3K 30 0
                                    

Janna's POV
Ano ba to??? Ugh!! Haysssst.....

Bagsak na ako nito! Buset naman oh!

Naglalakad na ako papunta sa locker ko.

Binaba ko ang bag ko sa sahig at binuksan ang locker ko.

~~
Asaan na yung math book ko?

Math. Math. Math. Math??

Tingin ako ng tingin kung nasaan.

Asaan na ba talaga yun?

"Hi Janna!"

"AY MATH!"

Muntik na mahulog ang puso ko.

"Ano ba yun?"

"Tatanungin sana kita eh.. Umm.. Pwede ka ba sumama saakin mamaya? Isaw? Gusto mo?"

"Ah eh.. Carlos pass muna ko sa isaw ah pasensya na--"

"Jollibee! Ililibre kita."

0_0

"Ililibre kita! Oo nga.. Oo.. Ano.. Umm.. Ano nga ulit?? Teka ano sagot mo? Payag ka ba?"

"Uh... Eh... S-sige."

"AYOS!!!!!"

Tumalon sya at tumakbo papunta sa canteen.

Weird na to.

Pumunta na rin ako sa canteen at hinintay sila kuya.

~~
Maya maya dumating na ang nga mokong.

Umupo sila at tinignan ako.

"Bat ganyan itsura mo?"
Sabi ni kuya Dominic

"Wala lang."

"Di nga???"
Sabay sabay sila.

"HINDI NGA!"

"Ok ok! Tama na. Ok? High blood ka ba?"
Sabi ni kuya Jc

"Hindi."

Umorder ako ng isang box ng pizza.

LARGE!

Tinignan ako ng tatlo at natigilan.

"Aba! Nanlibre ah! Bait talaga ni bunso!"
Sabi ni kuya Dominic

"Thank you ah--"
Hinampas ko ang kamay ni kuya Jc kase kukunin ang isang pizza.

"Aray! Masaket ah!"

"Oy Janna bakit ang lakas mo yata kumain?"
Sabi ni kuya Gerald

"Wala lang."

Sa totoo nyan gusto kong kumain ng madami kase nga inaaya ako ni Carlos. Nakakahiya kase nga ako pa ang ililibre.

~~
Nakatapos na akong kumain at bumalik na ako sa room.

Nakaupo na sila.

As usual masama ang tingin saakin ni Adeline.

Hindi ko na lang pinansin at umupo na.

Ngiting ngiti si Carlos dahil siguro sa sinabi kong oo??

Tumingin ako sa kabila at nakita ko ang dino- drawing ni Patrick.

Wow!

Anime!

Oh my god! Ang ganda! May kulay pa!

Sumilip pa akong konti at medyo lumapit din ang mukha ko.

Pero tinakpan nya.

"Ay bakit?"

"Wag mo nang tignan pangit to."

"Hindi ah--!"

Dumating si maam.

Binaba nya ang mga gamit nya sa table.

"Class. Nasaakin na ang mga results nyo sa recitation. Pero bakit isa lang ang nakaperfect?"

Bagsak na ako nito.

"Eto a from lowest to highest."

Malamang una ako dyan.

"Tob, Irine, Cheska, Adeline, Irish, Carlos, Ray, Josh, Hans, Riley, Gabriella, Julia,at yung mga diko na nasabi mga bagsak."

Sabi na eh.

"Pero ang nakaperfect is si....."

Sino naman eh malamang si Patrick yan.

"Janna Cruz."

HUWHAT??!!!!!!!

OPK:OVER PROTECTIVE KUYAS {Book One}Where stories live. Discover now