CHAPTER FOURTEEN

5.2K 154 2
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"ITO ang mga pinag-aaralan natin sa Physics. About solar energy..." Binuklat ni Donita ang libro at iniharap iyon kay Grendle.

Sabado noon at tulad ng usapan, ngayon niya ito itututor. Magkatabi silang nakaupo sa garden.

"... Solar energy is the energy comes from the sun..." patuloy na paliwanag ni Donita.

Kanina pa tahimik si Grendle. Natapos na niyang turuan ito sa Math at English pero himalang hindi ito nagrereklamo man lang.

Ilang saglit pa at hindi na niya natagalan ang katahimikan nito.

"Masakit ba ang tagiliran mo?"

"Huh?" Napatingin ito sa kanya. Nakakunot-noo.

"May masakit ba sa'yo?"

"Wala. Bakit mo tinatanong?"

"Kanina ka pa kasi walang imik diyan. Tinutulugan mo na naman ba ako?"

"Nakikita mo bang natutulog ako?" Inilapit pa nito ang mukha sa kanya at idinilat ng malaki ang mga mata.

Napaatras ang ulo niya. "Hindi."

'Tukso lumayo ka!' Kitang-kita na naman ni Donita ang makinis na mukha ni Grendle.

Ibinaling niya ang mukha sa librong nasa harapan.

Sa tuwing magiging ganito kalapit si Grendle sa kanya ay pumipintig na naman ng hindi normal ang puso niya.

Umisod pa siya ng kaunti palayo dito. Halos kasi magdikit na ang mga hita nila sa sobrang lapit nila sa isa't isa. Nahihirapan tuloy siyang magconcentrate.

"Bakit lumalayo ka?" Hindi pala nakaligtas sa pansin nito ang pag-isod niya.

"Bakit kasi magkatabi pa tayo dito?"

"Hindi ko maiintindihan ng mabuti ang sinasabi mo kung nandito ka at naroon naman ako sa pinto."

Pilosopo talaga! Ang pintong sinasabi nito ay limang metro yata ang layo sa garden table na iyon.

"Hindi naman sa may pinto, eh. Sa may harapan ko." Turo niya sa isang table sa harapan niya.

"Hindi ko makikita ng maayos ang libro at mahihirapan ka rin sa pagdidiscuss dahil kakailanganin mo rin ang libro na ito. It's either ikaw lang ang makakagamit ng libro or ako lang."

Sabagay may katwiran nga ito. Kung sa harapan niya ito pupwesto at iniharap niya dito ang libro, magiging baliktad iyon sa paningin niya.

Ano ba'ng umiikot sa kukote niya at hindi niya agad naisip iyon?

"Teka, naiilang ka ba sa'kin?"

Bigla siyang napatingin dito. Bakit ito, hindi ba ito nailang sa kanya?

Well, siya nga lang yata ang naiilang dito.

"Bakit naman ako maiilang sa'yo?" defensive na sabi niya.

"Weh? Di nga?" Nang-aasar na inilapit pa nito ulit ang mukha sa kanya.

Napabaling naman siyang muli sa libro.

"May natutunan ka ba sa mga pinagsasabi ko dito?" pag-iiba niya ng topic. Dapat pala hindi na niya pinansin ang pananahimik nito. Naasar lang tuloy siya.

"Bakit namumula ka?"

Bwisit talaga ang lalaking ito! Bakit pinansin pa nito iyon?

"Bibigyan kita ng test ngayon kung talagang nakikinig ka nga," deadma na lang siya sa mga pinagsasasabi nito.

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon