CHAPTER TWENTY-FIVE

4.6K 130 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

"BAGO kami maghiwalay ng mommy mo, you knew, hindi na kami magkasundo..." panimula ng daddy ni Grendle.

"You had a mistress kaya nagulo ang pamilya natin."

Napabuntong-hininga si Rafael.

"I will not deny it, GJ. I am so sorry about it... When I finally learned my mistake and do the right thing, si Mayeth naman ang nagloko sa relasyon namin. I can't blame her. Ako naman talaga ang nauna. Pero hindi ko lang matanggap ay mas malala ang ginawa niya sa akin... You knew na madalas umalis ang mom mo sa bahay at gabi na kung umuwi. She's busy going to parties with her amigas. In one of those parties, nameet niyang muli si Chris... her first love..."

Matamang nakinig si Grendle sa sinasabi ng ama.

"H-hindi ko rin alam ang tunay na nangyari... Madalas kaming magtalo dahil nga madalas na siyang wala sa bahay and I doubt na naaasikaso ka pa niya. Hanggang sa pinasundan ko siya sa isang private investigator at napatunayan ko ang hinala ko. I confront her, ofcoarse. And she denied everything. But in the end, s-she admitted that she still loves her first love... Handa akong tanggapin pa rin siya kapalit ng paglayo sa lalaking iyon. Iniisip ko ang pamilya natin, iniisip kita. Ayokong lumaki ka sa isang broken family. Pero..." He paused. Tila nag-aalangan itong ipagpatuloy ang kwento.

Lumipas ang ilang saglit na wala pa rin itong sinasabi.

"What?" untag niya dito.

"GJ, I don't want you to hate your mom--"

"Pero ano, dad?" he asked eagerly. "Nasa sa akin na kung magagalit ako kay mommy. Just finish your story and don't you dare to lie."

Tipid na ngumiti ito at umiling.

"You better take up law in your college, son. You're good at making people tell the truth."

Magpoprotesta sana siya at igigiit na ituloy nito ang sinasabi subalit nagtaas ito ng kamay upang pigilan siyang magsalita.

"Ang huling pagtatalo namin ang pinakamalala... to the extent na napalayas ko siya sa bahay dahil sa sobrang galit ko... I... I asked her about Chris again dahil nakarating sa akin na nakikipagkita pa rin si Mayeth sa lalaking iyon. At..." Napailing ito at mapait na ngumiti. "Hindi na siya nagdeny pa. Sinabi niya sa akin na there is really going 'something' between her and Chris. That she loves Chris more than me... That she's pregnant and the father was not me."

Mahina lang nang sinabi ng dad niya ang huling sentence na iyon pero tila isang nakakatulig na bagay iyon pagdating sa kanya.

"M-mom was p-pregnant?" anas niya.

Hindi sumagot ang dad niya. He saw the pain on his eyes before he look at the glass window.

Ilang saglit silang natahimik.

Kaya pala... kaya pala nasira ang pamilya nila. Kaya pala hindi na siya tinawagan at kinamusta ng ina after she left him. May bago na pala itong pamilya na naghihintay dito.

Hindi niya alam kung ano ang iisipin. All he know is this pain in his heart.

Masakit. Masakit malaman na ipinagpalit sila ng mom niya sa Chris na 'yon. Masakit dahil buong buhay niya, naniwala siyang ang dad niya ang may kasalanan. Buong buhay niya ang daddy niya ang sinisi niya. Iyon pala...

"Why?" wala sa sariling sambit niya.

Napatingin si Rafael sa anak. Natigilan ito.

"GJ, let's just accept--"

THE REBEL SLAM 1: GRENDLEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin