TOD 7

9 0 0
                                    

"Mag ingat ka, angela"~Wika ni Blake at inalalayan ako sa pag akyat.

"Kaya ko naman eh"~Sabi ko at nag patuloy sa paglakad.

Nag hiwa-hiwalay na kami at di ko rin alam kung nasan na sila. Mga ilang minuto na rin simula nung nag simula na kaming umakyat sa bundok at nag hiwa-hiwalay.

"Alam kong kaya mo, pero ayaw ko lang na mabugbog ako ng kuya mo"~Blake, at inalalayan ulit ako sa pag akyat.

"Wag mong pansinin yun"~Ako.

"Pst"

Napalingon naman ako kay Blake na parang tumitingin tingin sa paligid.

"Ikaw ba yung sumitsit?"~Tanong ko sa knya.

"Hindi"~Tugon nya.

Nagulat naman ako ng nakarinig ako ng kaluskos at biglang lumakas yung hangin.

Napalapit namn ako kay Blake at humawak sa laylayan ng damit nya.

"Pst"

Napalingon naman ako sa paligid ng makarinig ulit ako ng sitsit.

"Bilisan na natin"~Bulong ko kay Blake.

"Wait, tawagan natin si Scott"~Sabi nya at kinuha yung cellphone.

"Arrrggggg, Wlang signal!"~inis na sabi ni Blake.

Napansin ko na parang may lalaking naka itim na nakatago sa likod ng puno.

"San ka pupunta?"~nag alaalang tanong ko.

Di na nya ako pinakinggan at nag tuloy tuloy lang sa paglalakad.

Biglang may lumabas na mga lalaking naka itim tapos na ka mask sila.

Bigla naman akong lumapit kay Blake.

"Sino kayo? Anong kailangan nyo samin?"~Matigas na wika ni Blake.

Narinig ko naman ang pag mahinang tawa nung isang lalaki.

Mga 10 silang lalaki na di ko makilala dahil naka mask sila. Tanging mata lang ang aking nakikita.

"Mukhang mayaman to"~Wika nung isang lalaki.

"Malaki laki ang makukuha natin dito"~Sabi naman nung isa.

Bigla namang bumilis yung tibok

"Ahahaha ano boss? Mukhang Jackpot tayo dito"

"Jackpot talaga. May pera na nga tayo, makakapunta pa tayo ng langit"

"DEMONYO KAYO!! KAHIT KAILAN DI KAYO MAKAKANTUNGTONG NG LANGIT"

"Oh my angel, sayo pa lang hmmmm, nasa langit na"

"Sayo pa lang, heaven na. Ah ahahaha"

"Angela!!!!!"~Nagulat ako ng biglang sumigaw si Blake.

Napatingin naman ako sa knya at nakaluhod siya.

Hawak siya ng mga lalaking ito. Mukhang di nya kinayanan dahil malalaking rin ang katawan ng mga lalaki na to.

"Paano ba yan miss, Wla ka ng kawala"~wika nung isang lalaki

"Tumakbo ka na! Ako na bahala dito"~Blake

"P--pero di kita kayang iwan dito. "~Ako.

"Awww, yun naman pala eh. Magsama nalang kayo, para mas malaking pera"

"Kunin na yan"~Utos nung pinuno nila?

Tiningnan ko ng mabuti yung pinuno nila.

"AKIRA LUISA, alissss!!"~Pag papa alis ni Blake sakin

Hindi, hindi ako pwedeng umalis.

Marami tao ang namatay dahil sakin. Marami nag sakripisyo ng buhay para lang mabuhay ako.

Nangako ako sa kuya ko, sa Mga kaibigan ko, sa magulang ko, sa mga kapatid ko, at lalong-lalo na sa sarili ko.

Nangako na babalik ako sa dati.

Na ibabalik ko ang totoong ako.

.

Pinangako ko yan.

At sa araw na ito, tatakasan ko na lahat ng takot na bumabalot sa katauhan ko.

Ito na yung tamang oras para labanan ang takot sa puso ko at isip.

Sa apat na taon akong naghintay,

Ito na yung araw na hinihintay ko.

Ito na araw na ilalabas ko na kung sino ako.

Napapakit naman ako para damhin ang paligid.

Naramdaman ko na parang may tatama sakin kaya agad akong lumingon at na hawakan ko ang paparating na pana na tatama sana sakin.

Unti unti kong Dinilat ang mata ko at tumingin sa kanila.

Kita ko sa mukha nila ang pagkagulat at takot.

Agad naman akong ngumisi doon.

Hindi nyo gugustuhin na kalabanin ang isang tulad ko.

Blake's POV

Di ko alam anong sasabihin ko. Nakaka speechless.

Akala ko matatamaan na si Akira ng pana kasi nakapikit siya kaya tatakbo sana ako palapit sa knya ng bigla syang lumingon at na hawakan nya yung pana.

Malapit sa dibdib nya.

Partida, nakapapikt pa siya.

Tumingin naman siya sa mga buwisit na mga lalaking to at nakita ko ang pag ngisi nya.

Unang beses ko yun nakita, ang pag ngisi nya.

Nakakikilabot na nakakain love.

Ang ganda nya nung ngumisi siya, ang hot nya.

Pero, nakakatakot parang nawala yung Angela na mala anghel ang mukha, para na syang bad Girl ngayong.

Ito na ba talaga sya?

Yan ba ang Akira na nakatago sa loob ng katauhan nya.

Pero bakit kailangan nya itong itago?

May isa pa akong di pa nalalaman.

At yun ay kung ano ang nangyari sa knya noon. Yun na lang ang tanging sagot sa mga tanong sa utak ko.




TRUTH OR DREAMWo Geschichten leben. Entdecke jetzt