TOD 11

15 0 3
                                    

Scott's POV

Nandto ako ngayon sa kwarto ko,  umiinom. Nasaktan ko sya, dapat di ko sinabi sa knya yun eh. Ang tanga ko!! Sa sobrang inis ko sa sarili ko at sobrang galit sa mga lalaking nagtangka sa buhay ni angela, sa knya ko lahat naibuhos.

"EH ANO!!? NA NAGPAPABASTOS AKO SA MGA LALAKING YUN? NA HINAHAYAAN KO LANG SILA NA GAWIN SAKIN YUN? HINDI KO NAMAN GINUSTO YUN EH!?  HINDI KO NAMAN KASALANAN NA SA SOBRANG DAMING TRAHEDYA AT PROBLEMA NA DUMATING SA BUHAY KO DI NA AKO MAKAGALAW NG MAAYOS. NA HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO. KAYA NGA AKO PILIT NA BUMABANGON DIBA? PILIT KONG BINABALIK ANG LAHAT. PARA SAYO, PARA SA INYO. PERO SA BUNGANGA MO NA RIN GALING NA WLA AKONG KAKAYAHAN NA GAWIN YUN, DAHIL ISA LANG NAMAN AKONG BABAE NA MAHINA AT HINAYAAN NA BASTUSIN NG IBANG TAO"

"Aarrgghhhhhhh"~ Sa sobrang inis ko, naihagis ko yung bote ng alak na iniiom ko.

Narinig ko naman yung pag bukas ng pintuan.

"Diba sinabi ko na wlang papasok----------" Di ko na natuloy yung sasabhin ko ng makita ko syang umiiyak.

Agad naman akong lumapit sa knya kaso.............

"Arayy!!!!! Tae! Bakit mo binayagan?"~Pasigaw kong wika sa knya

Napakahawak tuloy ako sa alaga ko.

"Buti lang yan sayo!"~Pasigaw na wika ni summer.

"Pag ako nabaog, tingnan mo. Ikukulong kita sa kwarto ko at sasaktan din kita in a good way"

nakita ko naman yung pamumula nya pero naka agaw ng atensyon ko yung...........

"Bakit may sugat ka sa paa?"~Tanong ko.

Tumingin naman sya sakin ng masama.

"Aray!! Bat mo ko binatukan?"~Pasigaw kong wika sa knya.

Napaka sadista talaga! Pasalamat sya mahal ko sya.

"Bakit ka kasi nagbabasag ng bote ah!!?  Tapos tatanungin mo ko kung bakit ako nagkasugat. Eh kung bugbugin kaya kita dyan!?"~Sigaw nya rin sakin.

"Haistt!!"~Sigaw kong wika at lumakad na

"Anong hinihintay------Tangina"~Di ko na natuloy yung sasabhin ko dahil sa itsura nya.

Naka pout sya.

"Di ako makakalakad, buhatin mo ko"~ Baby voice nyang wika habang nakanguso.

Panginoon, gabayan nyo po ako. Ilayo nyo ako sa tukso.

Lumapit ako sa knya at binuhat ko sya. Nilapag ko sya sa kama ko at kinuha ko yung first aid kit.

Alam ko na nakatitig sya sakin habang ginagamot ko sya. Iba talaga ang kagwapuhan ko.

"Nakausap ko si angela"~Napatigil naman ako sa ginagawa ko.

Napatingin naman ako sa knya.

"Anong sinabi nya? Galit ba sya sakin?"~Ako.

Nakita ko ang pag buntong hininga nya.

"Alam mo naman na di basta basta nagagalit yun diba? Ang sabi nya lang, nasaktan daw sya sa sinabi mo. Isa ka daw sa kinukuhaan nya ng lakas na bumalik ulit dahil wla si Hiro sa tabi nya tapos yun pa daw yung sinabi mo"~Summer

"Nadown yung tao, scott. Lalo na't kapatid pa nya ang nag sabi ng mga ganung salita. Alam ko na di madali ang napagdaan nyo. Lalo ka na dahil nandyan ka nung panahong sumusuko na si Angela sa buhay nya. Kaya ine expect ni angela na ikaw rin ang makakaintindi sa kanya."~Summer.

Di ko na napigilan ang sarili ko at bumagsak na ang luhang kanina ko pa pinipigilan na bumagsak.

Agad naman akong niyakap ni Summer at hinagod ang likod ko.

"Ayaw ko lang naman na maulit yung dati eh. Yung di na sya kumakain, yung nasa isang sulok lang sya ng kama, na gabi-gabi syang umiiyak, na takot sya makihalubilo sa tao, na natatakot syang makakita ng tao. Na takot sya sa dugo. Sa sigawan, sa tawanan. N--na muntik na nyang patayin ang sarili nyang buhay. Ayoko"~Wika ko at mas lalong nag sibagsakan ang mga luha ko.

"Sshhhhhh. Wag kang matakot. Wag mong ikulong si Angela sa isang pangyayari. Hayaan mo sya na takasan nya yun. Bantayin mo sya, pagmasdan mo sya. Pero wag kang makikielam. Kailangan nyang labanan ang mga ganung bagay. At yung nangyari kanina? Isang pag subok lang yun. Isang pagsubok na kailangan labanan ni Angela at nagawa nya naman yun. Yun ang gustong iparating ni angela. Na gusto nyang takasan ang isang bangungot ng wlang tulong ng ibang tao. Kaya pag bigyan mo sya sa gusto nya. Gabayan mo sya, pero wag mo syang pipigilan. Yun ang isang bagay na ma ibibigay mo sa knya scott"~ Yan yung huling narinig ko kay summer bago ako tuluyang nakatulog.























"Angela? Angela?"

Nakita ko naman si manang na tumatakbo palapit sakin.

"Manang, anong problema?"~Nag aalala kong tanong.

"Sir, si akira po-----"~Di ko na pinatuloy yung sasabhin nya ng tumakbo na ako papunta sa kwarto ni angela.

"ANGELA!"~ tawag ko sa knya.

Sobrang gulo ng kwarto nya at ang daming bubog na nakakalat pero di ko na lang pinansin yun. Wla na akong pake kung masugatan man ako o hindi.

"Angela, bitawan mo yan"~kinakabahang utos ko sa knya.

"Hindi, d--dapat na akong mamatay. Dapat matagal na akong patay eh. Dapat sila yung nabubuhay di ako. D--dapat sila yung masaya at kasama ang pamilya nila di ako. K--kaya dapat mamatay na ako"~Wika nya at pinaglaruan yung kutsilyong hawak nya.

"Angela, bitawan mo sabi yan!!"~Pasigaw kong wika sa knya at pilit na inaagaw yung kutsilyo sa knya.

Nagulat naman ako ng itulak nya ako ng malakas dahilan para mabubog ako at tumama ang likod ko sa pader.

Nakita ko naman na tinutok nya yung kutsilyo sa dibdib nya at ngumiti.

"WAGGGG!!!"~ Sigaw ko at napabangon ako.

Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Summer sakin.

Agad ko naman syang niyakap ng sobrang higpit.

"Shhh. Panaginip lang yun, ok?"~ Wika nya at niyakap rin ako.

Ilang minuto lang din kaming nakaganito ng biglang lumuwag ang yakap sakin ni Summer.

Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko sya na nakatayo at para syang gulat na gulat at naiiyak.

"K--kuya"~ wika ni angela, kasabay ng pagbagsak ng mga luha nya.

"Nakita ko sya. N--nakita ko ulit sya"~ Nauutal na wika ni angela.

"Sino??"~ Tanong naming dalawa.

"S--si Hiro"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TRUTH OR DREAMWhere stories live. Discover now