TOD 10

7 0 0
                                    

Nandto parin kami sa resort. Sabi nga ni kuya umuwi na lang kami. Kaso naisip ko, ito lang yung time na makakapag bonding kami tapos mawawala lang dahil sa nangyari kanina.

Sa ngayon nag uusap kami ni kuya. Paano ba naman kasi, umaatake na naman yung pagiging possessive brother nya.

"Kuya, di ko naman kailangan ng bodyguard eh"~Ako

"Kailangan mo yun. Paano pag may nangyari ulit sayong masama? Sge nga? Kakayanin mo ba?"~Kuya.

Medyo nasaktan ako sa sinabi nya pero di ko yun pinahalata.

Minamaliit nya ba ako??

"So, parang sinasabi mo na wla akong kakayahan na labanan sila. Ganun?"~Ako

"Di naman sa ganun. Ang akin lang, ayoko na mapahamak ka ulit"~Kuya

"Fine. Alam ko kung ano ang pinupunto mo. Ang akin lang naman, ayoko na may sumusunod sakin. Na sa bawat galaw ko may nanonood. Na may nag babantay. Alam mo naman yun diba?"~Ako

"Oo, alam ko yun. Pero kailangan natin maging maingat"~Kuya

"Kaya ko naman ang sarili ko eh"~Ako

"Sge nga, kung kaya mo ang sarili mo. Bakit di mo nalabanan yung mga lintik na lalaking yun 4 years ago? Bat hinayaan mo na gawin nila sayo yun? Na bakit wla ka man lang nagawa nung panahon na binabastos ka na nila nun!!??" ~Pasigaw na wika ni kuya

Nabigla naman ako sa sinabi nya.

"Angela, im sorry----"~di ko na pinatuloy yung sasabhin nya ng magsalita ako kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

Ngumiti ako ng mapait dun.

"Tama ka,Mahina ako, wala akong kakayahan na labanan sila. Babae kasi ako diba? Ang tanga ko eh. Ang dami ko ng naligtas na tao pero yung nanganib na ang sarili kong buhay wla ako nagawa" Tumawa naman ako ng mapait dun. "Ang tanga ko diba? tanga ko eh. Napaka useless ko sa pamilya natin eh. Lahat kayo kayang ipagtanggol ang sarili nyo, pero ako? Wla eh. Puro lang naman ako yabang diba? Na kala mo kung sino akong magaling makipag laban pero wla naman akong kakayahan diba?"~Ako

"Akira, di yun yung tinutukoy ko------"

"EH ANO!!? NA NAGPAPABASTOS AKO SA MGA LALAKING YUN? NA HINAHAYAAN KO LANG SILA NA GAWIN SAKIN YUN? HINDI KO NAMAN GINUSTO YUN EH!?  HINDI KO NAMAN KASALANAN NA SA SOBRANG DAMING TRAHEDYA AT PROBLEMA NA DUMATING SA BUHAY KO DI NA AKO MAKAGALAW NG MAAYOS. NA HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO. KAYA NGA AKO PILIT NA BUMABANGON DIBA? PILIT KONG BINABALIK ANG LAHAT. PARA SAYO, PARA SA INYO. PERO SA BUNGANGA MO NA RIN GALING NA WLA AKONG KAKAYAHAN NA GAWIN YUN, DAHIL ISA LANG NAMAN AKONG BABAE NA MAHINA AT HINAYAAN NA BASTUSIN NG IBANG TAO"~ wika ko at tumakbo papuntang kwarto.

Narinig ko naman yung pagtawag nila sakin pero di ko na sila pinansin.

Sa ngayon gusto ko munang mapag isa.

              ~~~~~~~~~~~~~

Short UD. Mag a update ako bukas. Mahaba na yun pramis😂

Next Chap. Scott's POV naman po tayo.

TRUTH OR DREAMWhere stories live. Discover now