Prologue

60.9K 1K 13
                                    

Dedicated to Lusterous_queen

A/N: You can read the complete version on Dreame. Just search Mated Alpha and my username is still msdonnamae . The book is exclusive on Dreame.

Unti unti akong napaatras nang makita ko ang pababago ng anyo ng lalaking kanina lang ay sinusundan ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya pero natatakot na ako.

"Anong nangyayari sayo!? Kung prank lang to please lang itigil mo na!!." Nanlalaki ang mata ko.

Ang balat niya ay unti unting nagiging mabalahibo. Naglabasan ang  matulis niyang kuko. Nag iiba nang lalo ang mukha niya. Hanggang sa nagbago nang tuluyan ang anyo niya. Mula sa isang matikas na lalaki ay naging isang asong lobo ito na hindi ko inaakalang makikita ko . Inaakala kong mababasa ko lang sa mga vampire and werewolf novels pero nagkakamali ako dahil isa sa kanila ang nakatayo sa harapan ko at handa na akong lapain.

Hindi ko lubusang akalain na mangyayari to. Gusto ko lang siyang maka usap at dito niya ako dinala sa gubat kahit na nagtataka ay di ko na lang pinansin. Isa lang akong humahangang babae sa kaniya dahil sa kakisigan at katalinohan niyang taglay medyo may pagka stalker lang ako ng kunting kunti minsan. Kinausap ko siya para ipagtapat ang nararamdaman ko kahit wala siyang gusto sakin basta't masabi ko ang nararamdaman ko. Pero heto't lalapain pa ata ako.

"Ano bang kalokohan to?"

Narinig kong muli ang alulong niya. Tumakbo ako hanggang sa aking makakaya upang makalayo sa kaniya. Dahil nasa loob kami ng gubat ay nahirapan akong makapunta sa labasan nitong gubat at makahingi ng tulong.

Hindi nagtagal ay nahanap ko ang labasan sa gubat pero palapit na ng palapit ang lobong humahabol sa akin. Nakalabas ako at handa ng sumigaw upang humingi ng tulong ng nakaramdam ako ng matinding sakit sa parting balikat ko. Ramdam ko ang pagdurugo niyon at napalingon na ako. Lagot.

Paglingon ko ay nakita ko ang lobong kanina pa humahabol sa akin. Tumutulo na ang laway nito at siguradong dahil yun sa uhaw at gutom para sa dugo ng isang tao. At kunti na lang ay mapapaiyak na ako.

Unti unti itong lumapit sa akin. Handa na akong lapain at kainin bilang hapunan. Fuck...

Ipinikit ko ang mga mata ko at naghanda sa susunod niyang gagawin pero ilang segundo pa ay wala akong ibang naramdaman. Pero naririnig ko ang nahihirapang pag ungol ng isang hayop..

Nang tingnan ko ito ay napanganga ako sa nakita. Ang lobong kanina lang ay kakainin na ako ay naka lupasay na sa sahig dahil sa malalim at malaking kalmot nito sa may tiyan at leeg...........

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang makita ang mas malaking lobo na kulay abo ang balahibo napatanga ako sa GANDA nito.
Lumapit siya  sakin. Imbis na kaba ang maramdaman ko ay paglakas at pagbilis ng puso ko ang naramdaman sa hindi malamang dahilan.  Dinilaan niya ang mga sugat na gawa nang isa pang lobo. Ginagawa niya yun Habang nakatingin sa kin. Sa ginagawa niyang yun ay parang ginagamot niya ako. Ramdam ko ang pagbabago ng anyo niya pero bago pa siya tuluyang mag shift into  human form ay mabilis na itong tumakbo na halos hindi ko na makita ang bawat galaw niya.

Shit. What a horrible night with those wolves.

Mated Alpha (Completed) Where stories live. Discover now