Chapter 04

27.1K 736 47
                                    

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang pangalan na iyon. Kung hindi ako nagkakamali siya ang anak ng mag asawang Chauser at halata naman yun sa apelyido niya.

Ano ba naman yang nararamdaman ko? Marahan kong minamasahe ang bandang dibdib ko sa tapat ng puso ko. Sa pag aakalang mababawasan ang bilis ng tibok ng puso ko. Pati ata puso ko nadadamay sa ka-weirdo-han ng mga tao ngayon.

Siguro kinakabahan lang ako kasi makikita ko ang mga mahahalagang tao sa school bukas. Naglakad na ako palabas ng school. Kailangan kong makauwi bago magdilim.

Natatakot na rin akong magpalakad lakad tuwing gabi dahil sa hindi magandang karanasan nitong nakaraan.

Dun ko lang napatunayan na napakatanga ko. Biruin mo nang stalk ako at ano naman ang napala ko muntik ko nang ipahamak ang sarili ko. Mabuti na lang at may sumagip sa akin kung hindi pinaglalamayan na ako. Kaya nag papasalamat ako kasi may nagligtas sa kin ang kaso nga lang ka uri rin ng muntik ng pumatay sakin.

Akala ko ay panaginip pa rin ang nangyari. Pero ilang linggo na simula ng mangyari yun ay mas lalo kong napatunayan na hindi yun panaginip.

Yung lalaking sinusundan ko ng araw na iyon ay isang estudyante sa isang university na malapit lang dito. Nitong pasukan ko lang siya nakilala at iyon simula ng pagkaka crush ko sa kanya. Matalino ang lalaking iyon at mahilig din sa sport pero hindi ko inaasahang ganun pala siya, isang asong lobo at ako pa ang napili niyang kainin. Bagaman kung hindi dumating ang kulay abong isa pang lobo ay patay ako. Kaya nagpapasalamat ako sa kaniya. Wala akong maramdamang takot man lang ng makita siya.

Muntik na akong mapasigaw dahil sa gulat ng bumusina ang isang sasakyan sa likod ko. Handa na sana akong sigawan ang kung sino mang hinayupak ang nagdadrive ng makita ko ang nag mamay ari ng sasakyan.

Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa na lalaking to?

"I'll take you home." Fin said.

"Hindi ko kailangan ng maghahatid. Kaya ko namang bumiyahe mag isa."

"I know pero hindi kita pwedeng pabayaan na lang lalo na't utos sa kin na ihatid kita at kung mapahamak ka ako ang mayayari niya." Paliwanag niya. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking to? E kaklase ko lang naman siya.

"Nababaliw ka ba? Bigla bigla ka na lang sumusulpot. Tapos ang weird weird mo pa at ihahatid mo pa ako."

"Oo na, Oo na. So sasakay ka na?"
Tanong niya. Ano bang trip ng lalaking ito?

' Just go with him. You'll be safe with him."

Gusto kong alogin ang ulo ko. Tama ba ang narinig ko. May nagsalita sa utak ko o imahinasyon ko lang yun kaya kung ano anong boses ang pumapasok sa utak ko. Aish. Kastress.

"Sumakay ka na para maihatid na kita may kailangan pa akong gawin." Wala na akong nagawa kundi sumakay dahil alam ko namang pipilitin niya pa rin ako kapag humindi ako.

Halos 25 minutes din ang naging byahe namin. Nakapagtataka lang na hindi niya tinanong sa akin kung saan ako nakatira at halos alam na alam niya pa ang daan papunta sa bahay.

"Pinapasabi niya nga pala, lock the doors and make sure you're safe kapag wala ang mga pinsan mo." Sinasabi niya yun habang nakatingin sa cellphone niya. Nangunot ang noo ko. Ano na namang pinagsasabi nito?

"Sino namang nagsabi niyan?"

"Wala, wala. Just make sure na safe ka, okay? Malalaman mo rin." Bumaba na ako sa sasakyan.

"Salamat na lang."

Akala ko ay aalis na siya pero mukhang hihintayin niya pang makapasok muna ako sa loob ng bahay. Kahit na may pagaalangan ay pumasok na rin ako. Wala pa ang mga pinsan ko kasi kadalasang Alas diyes o alas nuebe ang out nila sa trabaho.

Mated Alpha (Completed) Where stories live. Discover now