Chapter 01

46.6K 736 10
                                    

Kalimitang tulala at di mapakali ako dahil sa nangyari. It's been a week since that incident happened. Hindi ko mapigilang mapa isip kung totoo bang nangyari yun o panaginip lang. Hindi ko magawang maikwento sa dalawa kong kaibigan ang nangyari dahil sinong bang tanga ang maniniwala sakin. Baka isipin pa nila nababaliw na ako.

Pero kung panaginip yun edi sana wala akong kalmot na pahilom na ng magising ako diba? Paano maeexplain yun? Napabuntong hininga na lang ako.

"Huy!" Nagulat ako ng bigla akong sigawan ng kaibigan kong kanina lang ay lumalamon lang.

"Ano ba, Addison? Di ako bingi,o! Kung makapanigaw ka diyan." ani ng isa ko pang kaibigan.

"E kasi tapikin na lang ako e. Mabibingi akong madali sa inyo sa pinaggagagawa niyo" Reklamo ko naman.

"E ano nga yung iniisip mo? 'Kaw , huh? Naglilihim ka na." Ani Addison.

"Gaga! wala to. Naalala ko pala kumusta na si Mr. Berdugo?" Tanong ko na lang para ma-iba ang pinag uusapan namin.

"Ayun, nasa hospital pa rin. Kasamaan ng ugali e. Kinarma tuloy." Sagot ni Addison.

Si Mr. Berdugo pala yung teacher namin sa isa sa mga major subjects namin. Istrikto at masungit ang teacher na yun kaya siguro di na nakapag asawa. Isa na ako sa nasample-lan ng kasamaan ng ugali niya nung lunes. Submission nang project namin sa kanya e Wednesday biruin mo ba namang magpapasa nung lunes dahil Di na daw niya maiintay sa Wednesday kasi may iba pa pala daw siyang gagawin. E nung mga oras na yun e nasa bahay yung project ko kasi ang alam ko nga e miyerkules ang submission. Pinagalitan niya ako at senermonan dinaig pa nga niya nanay kong nasa probinsiya.  Nagtatago lang ang sungay nun kapag may mas nakakataas sa kaniyang napapadpad dito. Pero nagulat kami ng mabalitaan naming natagpuan na lang siya sa isang iskinita nung Wednesday  na puro sugat at pasa. Ang hinala ay na holdup ito kasi wala ang ibang gamit nito tulad ng wallet, cp, at iba pang mahahalagang bagay. Dalawang araw na ding nasa hospital yun at balita ko matatagalan pa yun.
At syempre nagpapasalamat kami dahil wala ang masungit na yun.

"E bakit lagi ka ngang tulala nitong mga nakaraang araw?" Bigla tanong ni Siti. Akala ko nakalimutan na nila yun di pa pala.

"Wala may nangyari lang nung last Friday na di ko inaasahan pero okay lang naman na ako."

"O ano ba yung nangyari?" Balik tanong ni Addison.

"Wag na nga nating pag usapan yan. Matatapos na ang lunch break kaya kailangan na nating bumalik sa mga klase natin." Anyaya ko para di na lalo nila ako tanongin tungkol sa nangyari.

Nagpasalamat naman ako at sinang ayunan nila ako. Di ko na alam ang sasabihin ko kapag nagtanong pa sila. Mahirap pa namang lusutan ang mga ito lalo na't parang curious na curious sila.

Nang makabalik kami sa classroom ay umupo na kami sa assigned seats namin.

Dahil wala ang teacher namin ngayon na si Mr Berdugo na akala mo ay supervisor ng paaralan kaya naman  papetiks petiks lang ang karamihan samin.

Mabilis din namang nabaling ang atensyon ko sa mga iilang notes and assignments na ni-rereview ko kung okay na para di ko na gawin this weekend kasi may group project din kaming kailangang gawin sa ibang subject nga lang.

Mabilis na lumipas ang mga oras di ko namalayan nagsisiuwian na ang iba ko pang mga kaklase. Dahil Friday kaya nakakatamad ng magklase.

Nauna nang umuwi sina Addison at Siti habang ako naman ay pupunta pa sa isang head teacher na nag iintindi sa mga scholars ng mga Chauser, ang may ari ng university na  pinapasokan ko. I'm a scholar kaya kailangan kong i-maintain ang magagandang grades ko para di matanggal ang scholarship ko. Tama lang ang kinikita ng mga magulang ko para sa pang araw araw at pang allowance ko at dahil nga scholar ako di na kailangang bayaran ang tuition fee ko ng mga magulang ko pero may ibinibigay din naming allowance para sa mga scholars ng mga Chauser pero every semester.

Pagdating ko sa quarter nang mga teacher ay nandun na din ang iba pang mga scholars. Nag intay lang kami ng ilang minute ay sinimulan na ang meeting .

"Well, you're aware that this school was owned by Mr and Mrs Chauser, right?" Lahat kami tumango. Sila nga ang may ari ng school na ito pero may iba pa silang mga business na kilala sa lipunan.

"Dahil karamihan sa inyo ay pa graduate na. They decided to visit the school para makita ang bunga ng kanilang pagtulong, and of course, we need to prepare something for them. Pagnakita nilang mas lalong gumaganda at marami pang ibang nagsusumikap na makapagtapos ay may possibility na madagdagan pa kayong mga binibigyan ng scholar." Napapalakpak ang karamihan sa amin dahil sa magandang balita. Mas marami pang matutulongan ang pamilya nila.

"Ma'am kailan po ba nila balak na bumisita?" Tanong ni Wenna. Isa sa mga scholars.

"Well, hindi pa natin alam. Siguro within this month. Pero sasabihan naman nila tayo lalo na't naka uwi na ang anak nila Last week. Any questions?" Umiling kami at wala na din namang nagtanong.

"That's all for today. Pwede na kayong umuwi at baka gabihin pa kayo." Huling ani ni Ma'am Castro.

Nang makauwi ako sa bahay na tinitirhan ko ay mabilisan akong nagbihis ng pambahay. Buong gabi lang akong nanunuod ng TV after kumain bago matulog.

Kinabukasan kailangan kong pumunta sa malapit na grocery store para bumili ng stocks kasi na ubusan kami. May kasama naman ako sa bahay ang dalawa kong pinsang parehas nagtatrabaho at may pasok sila parehas kaya ako ang kailangang mamili para na din di abala sa kanila.

Habang namimili ay di ko mapigilang mapalingon dahil sa kakaibang damdamin. Yung parang may nakatingin sayo.
Parang ramdam na ramdam ko ang mga titig niya. Pero tuwing lilingon ako sa kahit saang direksyon  ay wala akong nakikitang nakatingin sa akin.

Kahit isa walang bahala ko ito ay ramdam ko pa rin ang titig niya. Mabilis kong inalis sa utak ko na may nakatitig sa akin at baka hallucinations ko lang iyon dahil kahit anong lingon ko Sa kung saan saang direksyon ay wala talagang nakatingin. Napapraning na ata ako.

Matapos makuha ang lahat ng kailangan ko ay humanay ako sa pila para makapagbayad sa cashier. Di naman ganon kahaba ang pila. Nung turn ko na ay hinayaan ko na yung cashier ang mag asikaso nun at kumuha ng isang ice cream para ma isabay na din sa pagbabayad.

Lumabas ako ng store dalawang plastic ang bitbit ko pero kaya naman kase maliit lang yung isa.
Habang naglalakad ay kinakain ko din ang ice cream ko pero unuunti unti ko yung tipong ninanamnam ang bawat himaymay nung ice cream.

Napadaan ako sa isang park kaya pinili kong ma-upo muna dahil maagap pa naman para umuwi at wala din akong gaanong gagawin sa bahay.

Inubos ko na rin yung ice cream kasi natutunaw. Pagkaubos ay wala na akong ibang nagawa kundi titigan ang masasayang mga batang naglalaro sa palaruan sa parke, ang isang couple na naglalambingan, mga nagjojogging, namamasyal, pero ang pinaka nagustuhan kong titigan ay ang dalawang matandang magkahawak kamay habang naglalakad kita ang pagmamahalan sa mukha nila. Napangiti na lang ako. Ang Ganda ng view. Pero may isang nagpatigil sa akin at nagpawala sa mga ngiti ko.........ang pakiramdam na yun.

That feeling............

That feeling of being watched.

Mated Alpha (Completed) Where stories live. Discover now