Chapter 02

30.4K 740 24
                                    

Napatayo ako ng bigla. Inayos ko ang mga supot na may laman ng mga pinamili ko. Kahit halos manlambot ang tuhod ko sa kakaibang titig na iyon ay pinilit kong humakbang papalayo sa lugar na iyon.

Naramdaman ko na naman siya. The last time na naramdaman ko itong pakiramdam na ito ay kanina at ang pinakang una kong maramdaman ito ay three years ago. Yun yung kumukuha ako ng scholarship sa mga Chauser. Pero napakatagal na nun. At naaalala ko pang ilang araw ko ring naramdaman yun na parang palaging may nagbabantay sakin.

Hindi ko alam ang kailangan niya sa akin pero isa lang ang alam ko kahit na nakakaramdam ako ng mga ganito ay hindi ako naka ramdam ng takot sa di malamang dahil. After ng ilang araw na yun ay nawala din yun kasabay ng pagkakakuha ko ng scholar at sabay din sa pag alis ng mga Chauser.

Pero ipagsasawalang bahala ko na lang ba ulit ito tulad ng dito?Aysh. Di ko na alam ang gagawin ko. Pero hindi naman kailangang may gawin ako diba? Kasi wala pang ginagawa ang kung sino mang nagmamasid na iyon. Wala pa pero paano kung may gawin? Aysh! Gulong gulo na ako.

Nagpara ako ng Jeep na masasakyan pauwi. Hindi naman siguro ako nun susundan pa, di'ba?

Nagbayad na ako at bumaba. Inilagay ko ang mga binili ko sa kusina at inayos na rin. Kahit papaano ay nawala sa utak ko ang taong yun. Pero sino nga ba yun?Aysh. Ba't ko ba yun iniisip e wala naman atang gagawin. Bahala na nga.

Dahil kailangan naming gumawa ng group project ay naligo na ako at nagsuot ng jeans and black t-shirt. Pagkatapos mag ayos ay lumabas na ako ng bahay dala ang mga kakailanganin para sa group project namin.

Nagcommute ako papunta sa tagpuan naming magkakaklase. Sa isang coffee shop nila napiling magkita kita. Pagdating ko dun ay ako na lang hinihintay.

"Sorry late ako." Hinging paumanhin ko.

"Hindi, okay lang kararating lang din naman ni Paul at Ria e." Ani ng leader naming si Vince. Bale pito kaming magkakagrupo.

"Kompleto na tayo. Saan tayo gagawa?" Tanong ni Lora.

"Sa inyo na lang tayo Fin tutal malapit lang din naman yung bahay niyo dito." Suggestion ni Ronnie. Na sinang ayunan namin dahil mag aaksaya pa kami ng oras kung malayo pa ang byahe namin kung sa ibang bahay pa kami gagawa.

"Kayo bahala. " Sagot naman niya. Mabilisan kaming nagsitayo.

Totoo ngang malapit lang pero sa loob pa ng isang subdivision ang bahay nila kaya kahit papano ay pinagpawisan din kami sa paglalakad.

Namangha kami ng makapasok kami sa bahay nila. Ang ganda at sobrang laki. Para na nga itong tinitirhan ng mga negosyanteng may malalaking business sabagay ang balita ko pamangkin siya ng may ari ng school namin, nina Mr and Mrs Chauser.

Medyo ilang ako sa bawat galaw ko lalo na't di naman ako sanay.

"Saan tayo gagawa sa garden o dito na lang sa sala?" Tanong niya samin.

Mas pinili naming sa garden na lang para maganda ang view at ramdam ang sariwang hangin.
Pumunta na din kami dun.
Inilabas na namin ang lahat ng mga gamit namin. Ibinigay ni Vince yung mga part na gagawin namin. Isang report kasi ang gagawin namin na magsisilbing project din namin.

At dahil nakakaaliw ang paligid dahil sa naggagandahang mga bulaklak dito sa garden nila Fin ay masyado kaming na inspired ding gumawa.

Lumipas ang dalawang oras at 3:00 pm na pala. Di namin namalayan ang bilis ng oras dahil masyado kaming busy sa mga assigned na part na gagawin namin sa report namin. At dahil pito din kami ay halos patapos na ang karamihan sa amin.

Humikab muna ako at nag unat unat ng mawala kahit papano ang ngalay. Bago pa lang ako magsisimulang muli sa aking ginagawa ay nakarinig kami ng busina ng isang sasakyan at dahil nasa may parteng gilid ang garden nila kung saan kita ang pagpasok ng isang mamahaling sasakyan at papunta sa garahe kay di na din namin nakita.

Mated Alpha (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora