Paper Houses

2K 108 36
                                    

***********

'Let me grow.' Naalala ko na naman nang sabihin nya sa akin 'yun habang nanonood ako ng TV ngayon.

Awards season na naman sa Hollywood. Katatapos lang ng Golden Globe. Naka Live telecast naman sa HBO ang Oscars. Nasa bahay lang ako ngayon. Si Mama, ipina-on sa akin yung TV.

'Ay ayan na si Kathryn!' Tili ni Mama nang nakita nyang naglalakad sa red carpet ang babaeng pinakamamahal ko. Ilang award giving ceremonies na ang na-attendan nya at mukhang pro na pro na sya. Alam nya kung kelan iikot para sa mga photographers. Kayang kaya na nyang makasabay sa ilaw ng mga camera na nakatutok sa kanya.

Kapag nakikita ko sya, bumabalik na naman lahat ng alaala. Walang pakundangan kung masakit o masaya. Aaminin ko naman na possessive talaga akong tao. At kung maaari, ayaw kong nahihirapan sya. Nagagalit ako sa ilang mga bagay na ginagawa nya. Halimbawa, yung Shape of You na sayaw sayaw nya. Okay lang naman sana. Kung nag-leggings sya. E kaso mo Pedro, ang iksi na nga ng shorts nya, puro giling at bukaka pa ang mga steps. Sino ba namang matinong boyfriend ang hindi maiinis non? At parang natural pa ang pang-iinis sa akin ng universe nang may nag-upload neto.

Pucha.

Nag-viral pa.

Tapos yung dalawang lalaking nadaanan ko sa isang hallway sa ABS, di magkaari sa pagtiwarik ng phone nung dumako na sa lyrics ng 'Your love was handmade.' Akala nila siguro may masisilip sila. Pero gusto ko pa rin silang kotongan.

Nag-away kami non. Yung away na umabot sa sigawan. Yung tipong kulang na lang katukin kami ni Tita Min sa kwarto nya. Pagkatapos ng away, hindi muna kami nagbati. Sabi ko sa sarili ko, mas mainam. Ang sarap siguro ng make up sex pagkatapos. Pero dumaan ang isang linggo. Tigang na tigang na ako pero di pa rin nya ako pinansin. Umabot pa sa isa't kalahati. Akala ko ikakamatay ko na. Hindi na ako nakapagpigil.

Ako na, mag-sosorry na nga.

Wala ngang hindi nadadaan sa mabuting usapan. Nailabas niya lahat ng hinaing nya sa akin at sa relasyon namin. Sinabi nyang hinay hinayan ko lang dahil masyado na syang nasasakal. At sana daw, sundin ko rin naman sya dahil sinusunod naman daw nya ako. Syempre, oo lang si ako. After non, blentungan na.

Joke.

Katulad ng una kong na-predict, masarap nga ang make up sex pagkatapos ng isang matinding away.

Pagkatapos naming gawin ang La Luna Sangre, pinag-audition sya ni Ms. Lulu para sa Darna. Audition pa lang, pero inaway ko na sya. Sabi ko: 'Nakikita mo ba ang suot ni Darna? Bra at panty tapos sisipa sipa ka.' Pero nagpumilit sya. Kahit anong tigas ng tutol ko, pumunta pa rin sya sa audition. Sabi kasi nya hindi naman daw sure na sya ang makukuha. Gusto lang nyang subukan. Ako naman ang nainis noon. Sinusunod ko naman na ang request nya na kapag ayaw nyang gawin ko ang isang bagay, hindi ko na dapat talaga gawin. Pero bakit sya naman ang nakikipagmatigasan?

Gumawa pa sya ng indie film kasama si Boss Jericho na halos pag walk out an ko na nung nag-screen sa Cinemalaya. Hindi naman kasi nya sinabing may mga eksenang mapangahas sya doon. Na-busy kasi ako dun sa ginagawa kong pelikula with Ma'am Sarah kaya hindi ako nakapagbantay sa shoot nila noon. Ang sabi lang nya, estudyante syang na-obsess sa professor nya. Wala syang sinabing may mga halikan at hawakan sa dilim pala. Nung inihatid ko sya pauwi pagkatapos nung screening, nag-away na naman kami. Dumagundong sa loob ng kotse ko lahat ng sigaw at panunumbat ko sa kanya tapos puro alingawngaw naman ng hikbi at iyak nya habang tinatanggap nya lahat ng sinasabi ko dahil aminado naman syang kasalanan din nya.

'I just wanted to prove myself.' Pahid nya sa mata nya habang nakatungo. 'Gusto ko lang patunayan sa lahat na kaya ko.'

May napatunayan naman nga sya. Maraming bansa ang napuntahan nya dahil sa mga film festival na naabot ng pelikulang 'yon. Naging headliner sya sa Cannes dahil sa ganda ng kutis at kulay nya. Bawat rampa nya sa red carpet na suot ang gawa ni Cinco, pinupuri at nalalathala sa mga fashion sites at online fashion magazines. Nanalo din yung pelikula. Ano ngang tawag dun sa award? Palm d..

Drabbles (Love. Music. KathNiel)Where stories live. Discover now