Too Much to Ask

1.4K 81 15
                                    



'My shadow's dancing,
Without you, for the first time.'

*********

'Sure naman akong may signal sa Kodak theater.' Paulit ulit na sabi ko sa sarili ko habang paparoo't parito sa salas ng bahay kong karatig ng ipinatayo ko para kay Mama.

Hindi pa man natatapos interviewhin si Kathryn ng host ng isang Entertainment show sa US ay agad na akong tumakbo papunta sa kwarto ko para kuhanin ang cellphone ko. Humahangos akong muling bumaba sa salas para silipin kung nasa TV pa rin ang maganda nyang mukha at ang nangingislap na dyamanteng isinuot ko sa palasingsingan nya tatlong linggo na ang nakakaraan. Habang nakababad sa mabulang bathtub ang hubad nyang katawan, nakataas ang buhok sa bumbunan at nang-iimbita ang kulay nyang kaligatan.

At sa isang iglap lang.

Sa isang iling nya.

Nabasag ang lahat ng aking pangarap para sa aming dalawa.

Pero nung nakita kong suot nya ang singsing para ipakita sa lahat ng tao sa mundo kung ano ang kanyang estado, mistulang nag-tagni tagni muli ang mga basag na piraso. Pandikit na lang ang kulang at muli ko na itong mabubuo.

'Sana naka-roaming ka na.' Dasal ko bago idikit sa tenga ko ang telepono, di mapaknit ang tingin sa telebisyon kahit na si Ryan Gosling na ang ini-interview.

Napailing na lang ako nang walang sumagot at paulit ulit na munting 'tut-tut' lang ang tumugon sa akin.

'Viber. Tanga.' Panunudyo ng utak ko dahil hindi ko agad naisip yun una pa lamang.

Wala pa rin.

Facebook messenger.

DM sa Twitter.

Private message sa IG.

Hindi pa rin nakadikit ang mga piraso.

Natapos ang araw na walang nangyari. Paulit ulit kong chine-check kung sineen-zone man lang ba nya ako pero hindi rin.

Para sa isang taong mahilig sa social media, nakakapagtaka. Tatlong araw. Sa loob ng tatlong araw ay ipinaikot ko ang sarili ko sa Facebook, Twitter, Instagram at Viber. Naghahanap ng senyales kung makakakuha na ba ako ng Super Glue.

'Waiting here, for someone.
Only yesterday, we were on the run.'

'Nag-confirm ba talaga sya na pupunta sya?' Pangungulit ko kay Joe habang nakatayo ako sa likuran nya di kalayuan sa altar.

Bargas din akong tao. Kasal na nga nitong sina Joe at Bianca, parang ako pa ang mas ninenerbyos nang nalaman kong pupunta talaga si Kathryn.

Magkatuwang sana kami sa cord. Pero hindi sya naka-attend ng dress rehearsal dahil made-delay daw ang balik nya. Iba sana ang ipapareha sa akin. Pero matindi ang pagtutol ko dito. Sabi ko kay Joe:

'Tol, di na lang ako pupunta kung iba lang ang ipapartner mo sa akin.'

Boom.

One of the groomsmen.

Makakabuo na yata ako ng bagong anyong tubig dahil sa palad kong nagpapawis. Pero natalian, nabelohan, nasingsingan at naideclare nang husband and wife sina Joe at Bianca, wala pa ring Kathryn na nagpakita.

'Kahit na lang hindi para sa akin.' Buntong hininga ko dahil alam kong malungkot si Bianca sa hindi pagdating ng kaibigan nya.

'It's all I'm asking,
Is it too much, to ask?'

Drabbles (Love. Music. KathNiel)Where stories live. Discover now