1

12 2 0
                                    

Kiarra

Nakahiga ako ngayon sa room ko. Bagong lipat lang kasi ako ngayon dito dahil sa mas malapit itong dorm sa pinapasukan kong school. Tumingin tingin ako sa paligid. Maayos naman etong dorm na nakuha ko. Medyo sira sira nga lang yung pintura ng ibang dingding at halatang luma na tong dormitoryong to pero ayos lang atleast may matitirhan ako hanggang sa makapagtapos ng college.

Makakaya ko kaya na magisa? Na wala sila mama at papa at ang dalawa kong kapatid? Di ko alam. Ngayon pa nga lang namimiss ko na sila. Hays, no Kiarra kaya mo to, kakayanin mo to.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko at kinuha ang bag ko. Kinuha ko yung cellphone ko at nagsalamin sa screen nun nang may naaninag ako. 

"Fuck!"

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at agad na napatayo ng may lalaking nakaupo sa sahig sa gilid ng kama ko. Put-- paano nagkaroon ng lalake dito?!

"Sino ka?!" sabi ko saka ko siya tinuro turo.

"I dont know?"

"Ano?!"

"I dont remember anything" sabi nito saka hinilot hilot yung sintido niya

"Eh bakit nandito ka sa kwarto ko? Multo ka ba?"

"Yeah, I think Im a ghost" 

"WHAAAAAT?!" halos maluwa na yung mata ko sa gulat.

"Nagjojoke ka ba? Kasi kung nagjojoke ka wag mo nang ituloy HA HA" sabi ko saka hinampas hampas yung dibdib ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko fok.

"Im not joking"

May multo bang englishero?! Fok. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya pero shit! Tumagos lang yung kamay ko!

Dahan dahan kong inangat yung ulo ko at tinignan siya at saka tumakbo at kinuha yung unan.

"Wag kang lumapit sakin! Please kung multo ka man. Umakyat ka na sa langit please! Lord huhu!"

"Shh, miss pwede manahimik ka? Ang sakit mo sa tenga" 

Umupo siya sa kama at nangalumbaba.

"Bakit kaya ako nandito?" tanong niya sa sarili niya.

"Ah! Baka ikaw! Baka ikaw yung tutulong sakin para malaman ko kung paano ako namatay" 

"Ano?! Bakit ako?!" sabi ko at tinuro turo yung sarili ko.

"Ewan ko, mukha bang alam ko? Tss" sabi nito at saka umirap.

Epal tong multong to ah! Tanggalin ko eyeballs niya eh. 

"Bakit? Hindi mo ba maalala pagkamatay mo?" 

"Nope wala akong maalala eh" 

Kawawa naman tong multong to walang kaalam alam kung paano siya namatay.

"Hays! Pero paano kita matutulungan?" 

Shit naweirduhan na ako sa sarili ko. Di ako sanay na may kinakausap akong multo ok?

"Di ko rin alam" 

"Ano ba yan! Puro ka na lang di mo alam. Hindi kita tulungan diyan eh" at this time ako naman yung umirap.

"Edi wag! Hahanap na lang ako ng ibang tutulong sakin!" sabi niya at tumayo at tumapat sa pinto

"Okay sige! Bahala ka!" sabi ko at hinayaan siyang lumayas sa room ko.

"Awts!"

"Aray!"

Sabay naming daing. Anong nangyari?!

"Bakit---"

"I dont know"

Ugh! Kagigil na multong to!

-end of this chapter-

An: Baka may mabait diyan na pwedeng gumawa ng book cover neto? Haha salamat!

That Ghost Is MineWhere stories live. Discover now