2

6 1 0
                                    

Kiarra

Napairap na lang ako sa inis dahil sa mga nangyayari sakin ngayon! Ang gusto ko lang naman makapagaral ng mabuti para magkaroon ako ng magandang trabaho in the near future tapos ganito pa yung nangyayari? Foc.

Ano ba nangyayari? Bakit parehas kaming nasaktan noong sinubukan niyang umalis?! Alam mo yung parang kinukurot ka ng sobrang diin?!

"Fuck!" pagmumura niya, epal talaga tong multo na'to! Bakit kasi dumating pa siya sa buhay ko?!

"Alam mo kasalanan mo to eh! Bigla bigla ka na lang kasing sumusulpot! Arghh!" inis na sabi ko.

"You know what lady? Di ko rin naman alam kung bakit dito ako napadpad sa dorm mo. Bakit kasi ikaw pa?!"

Ay! Talaga nga namang! Sinasabayan niya talaga ako ah?! Hah! Hindi ako papatalo!

"Kapal mo naman! Ikaw na nga lang tong nangangailangan ng tulong ko ikaw pa ganyan!"

"Ah whatever"

Tatagos na sana ulit siya sa may pinto ng dorm ko para lumabas kaso..

"Araaaay!!"

"Shit!?"

Eto na naman yung naramdaman namin kanina! Ano ba to? Bawal ba siyang malayo sakin ganun? Fudge!

"Lady, wala ka ng magagawa. Tignan mo may bond pa sating dalawa. Mukhang hindi tayo pwedeng magkalayo" naka smirk na sabi niya.

What?! So ano yun? Araw araw siyang bubuntot sakin?! Wtf? Di ko kakayanin yun! Waaaaahh! May multong sumusunod sakin!!!!

"Hindi naman pwede yun! Ano yun pati pagligo ko, sasama ka sakin?!" omg hindi to pwedeee!

"I like that hahahahaha" bwisit na lalakeng to oh! Pigilan niyo ko, masasapak ko tong multo na'to!

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo, pwede ba?" inis na sabi ko.

Napaatras naman ako ng dahan dahan siyang lumapit sakin. Putcha naman tong multo na to! Ano bang trip neto?!

"You know what lady? Pwede ka ng maligo tapos papanoorin kita" sabi niya at kita kong naglip bite siya.

Wtf? Bakit ang sexy niya nung ginawa niya yun? Syet multo ba talaga tong nasa harapan ko? Diba dapat kapag multo nakakatakot yung hitsura pero bakit siya ang gwapo? Ni walang dugo sa mukha niya. Mukha pa rin siyang tao, malinis yung damit niya.

Napansin ko yung mata niya, may pagka dark brown pala yung mata niya? Ang ganda tignan, nakakagwapo.

"Masyado ba akong gwapo para tumulo yang laway mo?" sabi niya at saka naglakad papunta sa gilid ng kama ko.

Foc? Tinignan ko kung may laway bang tumulo pero wala naman! Bwisit!!!

"Alam mo kung hindi ka lang multo, matagal na kitang sinapak! Manahimik ka na nga lang diyan! Pupunta pa akong school para ibigay yung mga requirements ko!" kumuha na ako ng isusuot ko sa drawer ko at dumiretso ng cr.

Sasarado ko na sana yung pinto ng may maalala ako.

"Diyan ka lang! Wala naman nangyari satin so it means pwede tayo ng ganitong kalayo okay?! Wag kang sisilip!" sabi ko at saka binagsak ng mabilis yung pinto.

Mygash! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sakin ngayong araw nato!! Waaah! Sinampal sampal ko yung sarili ko, pero awts! Hindi nga ako nananaginip huhu! Sana paglabas ko ng cr wala na siya! Sana guni guni ko lang lahat to! Edi kung totoo nga to! Hindi ko na lang siya papansinin, tama! Kunwari hindi ko na siya nakikita! Nang sa ganun lubayan niya na ako! Malay mo mawala yung bond diba? Tama! Fighting Kiarra!

-end of this chapter-

An: Pwedeng gumawa ng Book cover neto? Hehe salamat.

That Ghost Is MineWhere stories live. Discover now