3

7 1 0
                                    

Kiarra

Dahan dahan kong binuksan yung cr ng pinto ko at sinilip kung nasa dorm ko pa rin yung bwisit na lalakeng yun.
At syet! Andito pa rin siya! Hindi na talaga to guni guni! Aish! Bahala na nga!

Agad akong lumabas ng cr at kinuha lang yung bag at cellphone ko saka lumabas ng dorm ko. Hindi ko siya pinansin, bahala siya!

Dere deretso lang ang lakad ko hanggang sa pagsakay ko ng jeep. Tumingin tingin ako sa paligid baka sakaling wala na yung bond na yun at hindi na siya sumusunod sakin pero...

"Anong akala mo matatakasan mo ko?" nakangiting sabi neto sakin.

Bakit nasa tabi ko siya?! Mabuti na lang at kaunti lang ang pasahero argh!
Tinignan ko lang siya saglit at tumingin na ako sa ibang direksyon at hindi na siya pinansin.

Hindi ko siya nakikita! Tama! Kailan pa ako nagka 3rd eye? Gosh!

Maya maya pumara na rin ako at bumaba ng jeep. Dire diretso lang akong pumasok ng school tutal open naman sila dahil tumatanggap pa sila ng mga enrollies.

San nga ba ako pupunta? Ah! Sa office, ibibigay ko lang tong requirements ko then tapos na! Makakapag enroll na ako! First year college na ako taking up BSA. At sobra akong kinakabahan sa college life dahil dito mo raw mararanasan ang walang tulog at kain dahil kailangan mo talaga ng puspusang review! Aahhhhh!

"Pst!" ay pakening tape! Andito pa pala tong multo nato!?

Hindi ko pa rin siya pinansin at tuluyan lang naghanap sa hallway kung nasaan ba yung office nila. Shems naman.

Ah ayun! Agad akong tumakbo dun nang may makabunggo ako. Fudge? Bat nga ba kasi ako tumatakbo?

"Sorry, sorry!" sabi ko at saka paulit ulit na nagbow.

"Hey its okay, sa susunod wag ka na lang tumakbo para iwas disgrasya" sabi niya. Napatingin naman ako sa mukha niya at omgg bakit ang gwapo ni kuya? Mukhang anghel siya freeen! Enebe

"O-oo, pasensya na talaga. Shunga ko rin eh bat nga ba ako tumatakbo? Hehe"

"Btw, Im Kier. Ikaw? Bago ka lang ba dito?" bagay sa kaniya yung pangalan niya hihi.

"Ah oo kaya medyo naliligaw hehe. Kiarra nga pala, Kia na lang for short" sabi ko at saka kami nag shake hands. Omg ang lambot ng kamay niyaaa!

"Oh. Sige bye Kia, kita na lang tayo sa pasukan! Ililibot kita dito." omg ang bait niya tapos gwapo pa! Check ka sakin!

"Thankyou Kier bye!" at saka kami nag wave sa isat isa. Hihihi

Sinundan ko ng tingin si Kier noong paalis na siya at nahagip ng mata ko yung multo na yun. Nakalimutan ko, may multo palang sumusunod sakin! Waaah!

Pumasok na akong office at inabot na sa naka assign dun yung mga requirements ko at yun enroll na ako para sa 1st sem.

Lumabas na akong office at nakita dun yung multo na mukhang naghihintay sakin at bored na bored yung mukha niya. Fudge?

"Wag ka na ngang magkunwaring hindi mo ko nakikita" naiiritang sabi neto.

Pero bahala pa rin siya diyan.

"Isa Kiarra!" psh makatawag sa name ko akala mo close kami? Saka ano bang pangalan ng multong to?

"Pansinin mo na kasi ako at tulungan kung paano ako namataay!!" kalalaking tao ang ingay, mabuti na lang at ako lang ang nakakarinig sa kaniya.

"Kiarra, please. I really need your help. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung sino yung gustong pumatay sakin! Kaya say yes na kiarra" wow nagplease na siya. Hmmm

"Mapapa oo ka din sakin Kiarra"

-end of chapter-

That Ghost Is MineWhere stories live. Discover now