(5) #MPIS2EvilSideOfElena

1.1K 79 0
                                    

FRED'S POV

"Sorry talaga sa ginawa ko sa'yo." sabi ko sa babaeng mahal na mahal ko. Kahit break na kami ay mahal ko pa rin siya. 


Tahimik pa rin si Rissey. Kanina pa siya tahimik. Yung mga pangyayari tungkol sa mga nakakasama kong babae. Gusto ko lang namang magselos si Rissey. 


Totoong nakaka-s*x ko sila. Pero gumagamit naman ako ng proteksyon para hindi ko sila mabuntis.


"Sorry Rissey hah. Wag kang mag-alala. Aayusin natin ang relasyon natin." sabi ko sa kanya. Hindi pa rin nagsasalita si Rissey. Parang ang tamlay niya. 


Nagulat na lang ako nang mapahiga siya sa sofa at nawalan ng malay.


"Rissey! Rissey gising!" natatarantang sabi ko. Hindi pa rin siya nagigising. Niyugyog ko siya pero ayaw talaga niyang magising.


Binuhat ko siya at sinakay sa kotse para dalhin sa hospital.


📌

"Kumusta na po siya Doc?" tanong ko sa Doctor. D@mn! I hate myself. Kasalanan ko 'to kung bakit nahimatay si Rissey. Hindi ko siya naalagaan ng maayos. Hindi ko ginampanan ang pagiging boyfriend ko sa kanya. Sana nasa maayos siyang kalagayan.


"She's fine. Kaya siya nahimatay dahil sa pagod at puyat. She needs some rest now. Pwede mo na siyang puntahan." sagot sakin ng Doctor. Tumango naman ako at pinuntahan ang room ni Rissey sa hospital. 


Wala pa rin siyang malay nang mapuntahan ko siya. Wag kang mag-alala Rissey. Aayusin ko ang relasyon natin. Magiging perfect boyfriend na ako para sa'yo.


RISSEY'S POV

Pagmulat ko pa lang ng aking mga mata ay puro puti agad ang nakita ko. Teka, nasaan ba ako?


"Gising ka na pala." 


Isang pamilyar na boses ang aking narinig. 


Boses ni Fred.


"Nasaan ako?" tanong ko kay Fred.


"Nasa hospital ka ngayon Rissey. Nahimatay ka kasi." sagot niya sakin. Tumango lang ako.


"Nagugutom ka na ba?" tanong sakin ni Fred.


"Hindi pa." sagot ko sa kanya. Sa totoo lang ay nagugutom na ako.


*prruuuuutttt!*


Biglang tumunog ang tiyan ko dahil sa gutom.


"Hahahahaha! I guess you're hungry. Buti nakabili ako ng pagkain sa labas." nakangiting sabi niya. Feeling ko ay namumula na ako sa kahihiyan. Hinanda naman ni Fred yung pagkain.


"Ayan, kumain ka ng marami. Magpalakas ka." sabi niya sakin. 


Bakit ang bait niya sakin ngayon?


DANIELLE'S POV

"Ano ang panonoorin natin Bes?" tanong sakin ni Dave. Nandito kami ngayon ni Dave sa sinehan.


"Secretly Married na lang. Mukhang maganda kasi." sagot ko kay Dave.


"Sige." tipid na tugon sakin ni Dave. Bumili kami ni Dave ng dalawang tickets pati na rin popcorn at slurpee.


"Teka, si William ba yun?" tanong ni Dave at may tinuro siya. Napatingin ako sa tinuro ni Dave at nakita ko si William na kasama si Elena. Nakaakbay si William kay Elena habang may kausap silang lalake. Biglang may sinabi ang lalake at agad itong umalis. Bakit kasama ni William ang malanding yan?


"Bakit sila magkasama Danielle?" tanong sakin ni Dave.


"Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko parang may mali." sagot ko kay Dave. Pumasok sina William at Elena sa loob ng sinehan. Secretly Married din ang papanoorin nila. 


Sumunod naman kami ni Dave kina William at Elena. Ang sarap sabunutan ni Elena. Grabe siya makahawak sa braso ni William. Buti at hindi pa nila kami nakikita. 


Umupo sila sa bandang gilid. Kami naman ni Dave ay sa likod nila. Konti lang ang umuupo sa bandang gilid namin. Hindi pa rin kami nakikita nina William at Elena. Dumilim na ang paligid at nagsimula na ang palabas. Nakita kong inakbayan ni William si Elena. Nakakarami na siya hah. Sinasaktan na niya ako.


"Ayos ka lang ba Bes?" bulong na tanong sakin ni Dave. Tumango naman ako.


"Hayaan mo na sila. Manood na lang tayo." sabi sakin ni Dave. Hayaan? Ang dali namang sabihin nun. Pero sakin hindi eh. 


Sa kalagitnaan ng movie ay 'nag-aano' na sina Kent at Phoebe. Basta alam niyo na yun. Ginagawa ito ng mag-asawa para makagawa ng baby. Ansabeh! 


Nagulat ako nang biglang takpan ni Dave ang mga mata ko.


"Anong ginagawa mo Bes? Hindi ako makakita." mahinang tanong ko sabay tanggal ng kamay niya sa mga mata ko.


"Ah kasi ano. Ahm! Titig na titig ka kasi sa ginagawa nila Kent at Phoebe." mahinang sagot sakin ni Dave. Tinaasan ko naman siya ng kilay.


"Hehehe!" mahinhin na tawa ni Dave sabay peace sign. Tumingin na lang ako sa screen. Pero pagtingin ko sa screen ay may napansin ako. Teka? Nasaan na sina William at Elena?


WILLIAM'S POV

"William, wait!" sabi sakin ni Elena. Fvck! Nakakainis na siya. Hinalikan ba naman niya ako sa labi habang nanonood kami kanina.


"Leave me alone Elena." sabi ko kay Elena. Napilitan lang naman akong samahan siya dahil sa parents ko.


"Fine, pagsisisihan mo 'to William." sabi sakin ni Elena at iniwan niya ako. Nagbago na nga siya. Hindi na siya ang Elena na nakilala ko dati.

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitDonde viven las historias. Descúbrelo ahora