(24) #MPIS2TwinBrother

1.1K 79 0
                                    

DANIELLE'S POV

Nang makarating kami sa mansyon nina Lauren at Zeke ay agad kaming umupo sa sofa. Excited na kaming makita ang gift nila Lauren at Zeke para samin. 


Kinuha ni Zeke ang isang maleta na dala nila at binuksan nila yun. Wow! Ang daming gifts.


"This is for you Bes." sabi ni Lauren sabay kuha ng mga imported chocolates sa maleta at ibinigay niya ito kay Rissey.


"Waaaa! Chocolates. Thanks for this." sabi ni Rissey kina Lauren at Zeke. Sobrang natuwa si Rissey sa gift nila Lauren at Zeke sa kanya dahil naglilihi siya ngayon sa chocolates lalo na kapag imported. Wag na kayong magtaka kung wala pang isang araw ay ubos na niya yan.


"Ito naman ang para sa'yo Jameson." sabi ni Zeke sabay kuha ng isang box sa maleta at ibinigay niya ito kay Jameson. Ano kaya yan?


"Thanks. Mamaya ko na lang 'to buksan." nakangiting sabi ni Jameson.


"This is for you Fred." sabi ni Lauren sabay abot kay Fred ang isang box na may laruan o action figure.


"Woah! Thanks. May bago na naman akong idadagdag sa toy collection ko." masayang sabi ni Fred.


"Ito naman ang para sa'yo Danielle." sabi ni Zeke sabay abot sakin ang isang box na may lamang latest cellphone. 


"At ito naman ang para kay William." sabi ulit ni Zeke sabay abot sakin ang isang briefcase na may laman. Hindi ko alam kung ano ang laman ng briefcase.


"Ito naman ang para sa'yo Kisses." sabi ni Lauren sabay abot kay Kisses ang isa pang briefcase. Woah! May gift din pala si Lauren kay Kisses.


"Sa totoo lang ay sa akin talaga yan pero napag-isip-isip ko na ibigay na lang yan sa'yo." sabi ni Lauren kay Kisses. Binuksan naman ni Kisses ang briefcase.


"Wow! Complete make up set." tuwang-tuwa na sabi ni Kisses. Mahilig talaga si Kisses sa make up kaya tuwang-tuwa siya na makatanggap ng ganyang gift.


"Correction, $600 complete make up set." sabi ni Lauren kay Kisses. Wow! $600? Ang laki nun hah.


*krrrriiiiiinnnnnngg!*


Biglang tumunog ang cellphone ni Jameson.


"Sandali lang guys at sasagutin ko muna ang tawag." pagpapaalam samin ni Jameson.


"Go ahead. Take your time." sabi ni Lauren kay Jameson.


JAMESON'S POV

Lumabas ako ng mansyon nina Lauren at tinignan ko kung sino ang tumatawag.



+98*********

calling...



Unregistered number siya kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag. 


Sinagot ko ang tawag. Baka importante kasi.


"Hello? Who's this?" tanong ko sa tumatawag.


("Hello my twin brother. Did you miss me?") narinig kong sagot ng isang pamilyar na lalake. Sh!t! Si Jameshin ba 'to? Paano niya nalaman ang number ko?

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitWhere stories live. Discover now