#MPISUntoldScene3

1.2K 83 0
                                    

Ang Untold Scene 3 ay naganap din pagkatapos ng BOOK 1 ng MPIS before the BOOK 2.

**********

DANIELLE'S POV

Nandito kami ngayon nina Mama at ang stepdad ko sa States para bisitahin ang stepsister ko.


"Excited ka na bang makilala ang stepsister mo Danielle." tanong sakin ni Mama. Tumango lang ako. Sa totoo lang, nang makita ko ang mukha ng stepsister ko sa picture ay naartehan agad ako sa kanya.


Tumigil kami sa isang malaking condominium. Sa tingin ko ay dito nakatira ang stepsister ko.


Pumasok kami sa condominium at sumakay kami sa elevator para puntahan ang room ng stepsister ko. 


Nang makarating kami sa tapat ng room ng stepsister ko ay kumatok si Dad sa pintuan.


*tok tok tok*


Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at bumungad samin ang stepsister kong bihis na bihis talaga.


"Ikaw pala Dad. Tara na at pumasok ka. Sakto at nagluto ako ng mga paborito mong pagkain." sabi ng stepsister ko kay Dad. Si Dad lang talaga. Paano naman kami ni Mama?


"Tara, pumasok na tayo." sabi ni Dad samin ni Mama. Pumasok na kami nina Mama at Dad sa loob ng room ng stepsister ko.


"By the way my daughter, siya nga pala ang magiging stepmom mo kasama niya ang anak niyang si Danielle." pagpapakilala ni Dad samin sa anak niya.


"Danielle? Mahal ko? Siya naman si Kisses, ang nag-iisa kong anak." pagpapakilala naman ni Dad sa anak niya samin.


"Hi Kisses. Nice to meet you." nakangiting bati ko kay Kisses. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Sinasabi ko na nga ba't maarte 'to.


Pero nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Kisses.


"Nice to meet you Sis and welcome to the family." bati naman ni Kisses habang nakayakap sakin. Waaaa! Mali pala ako sa pagkaka-describe sa kanya.


"Nice to meet you po Mom and welcome to the family." bati ni Kisses kay Mama sabay hug.


"Nice to meet you rin Kisses. Ang ganda mo naman iha." bati naman ni Mama kay Kisses.


"Hindi naman po ako maganda Mom. Sakto lang." humble na sabi ni Kisses kay Mama. Tama si Mama, maganda talaga si Kisses.


Nang makilala na namin si Kisses ay inimbitahan niya kaming kumain. Mas lalo pa namin nakilala si Kisses noong araw na yun.

**********

My Prince Is Masungit (Book 2): Road To Forever With My Prince SungitWhere stories live. Discover now