one

9K 220 30
                                    

Ayan ito na yung update na hinihiling niyo. haha. Hindi ko inaagaw ang story ni ate Denny sa kanya, natutuwa lang ako na pasayahin kayo dahil sa gawa niya. Sana magustuhan niyo. Be a fan, comment and vote! Good day! :D

-----------

Umalis na ang barkada ni Cross kaya kami na lang ang natira sa kwarto.

"May naisip ka na bang pangalan sa anak natin?"

"Wala e. Ikaw na ang bahala"

Matagal kong pinagisapan ang magiging pangalan ng anak namin. Maganda kung lahat kami konektado. Dahil iisa lang ang mga birthday namin, iisa na lang din ang pangalan nila.

"Cross, kung Crisanto na lang kaya para parehong religious ang pangalan niyo. Hahaha" Bigla na lang akong natawa sa hindi ko malamang dahilan. Baliw me?

"Wala kang idadagdag na pangalan mo?"

"Wala. Okay lang na epal ako"

"Okay lang sa akin. Ikaw ang bahala. Ge, tinatamad na akong magsalita"

Ewan ko ba dyan sa asawa ko, napakasungit parin kahit may anak na kami. Minsan hindi ko na alam kung sino ang babae sa amin. Pero, kung gaano siya kasungit ganun din siya kasweet. Bongga ang mga binibigay at ginagawa sa akin. Hay. Feeling ko ako si Katarina at siya si Nathan. Kapal!

----------------------

"the name of the Father, of the Son, of the Holy Spirit, Amen. Pwedeng humawak ang mga ninang at ninong sa katawan ng bata"

"Pogi ng inaanak ko! Trey, halika hawak ka sa kanya" - Sena

"Di naman ako ninong ah. Saglit lang pare" - Trey

"Sus, nagpaparinig lang ang girlfriend mo Trey. Magpakasal na kasi" - Seven

"Kasal nga si Seven, wala namang anak." - Sync

Nagtawanan kaming lahat. Si Seven kasi na tinaguriang playboy ay hindi pa nagkakaanak kahit ilang taon nang kasal. Karma nga naman.

Eyoss' Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon