three

7.1K 103 25
                                    

------------------

"Deny pa kayo? alam ba ito ng mga asawa niyo?" Pakialam ba ng babaeng ito. Teka, kilala ba namin siya? Kung makaasta kala mo nanay.

"Alam ng asawa ko. Si Lory pa mismo ang nagpapunta sa akin-" Hindi niya pinatapos si Chad  at tumingin sa akin.

"Ikaw Eya? Alam ba ng asawa mo?"

"A-ano..kasi-Teka, sino ka ba? Bakit mo ako kilala?" Ang chismosa ng kaluluwa nito. Malay ba nito sa wonderful life ko here on earth.

"Matanda ka na nga. Hindi mo ba ako natatandaan ate Eya?" Ngumiting aso pa siya.

"Hindi e. Nakalimutan kong uminom ng memory plus. Sorry ha. Tara na nga Chad parang gusto kong kumain ng aso."

"Yuck! Ugaling kalye ka pa rin"

Tumingin ako kay Chad yung tingin na 'pigilan-mo-ako-Chad-matatadtad-ko-ito' tsaka ko siya nilingon.

"Ayos lang na ugaling kalye, hindi naman tulad mong palengkera." Napataas ang kilay niya sa sinabi ko. Pikon na yan.

"Ewan ko ba dyan kay Cross kung bakit ikaw pa ang pinili. Siguro ginayuma o kinulam mo siya no?! Di bale, makukuha ko siya sayo." Haba-haba pa ng intro gusto lang pala ang asawa ko. Kaya nanggagalaiti sa galit sa akin.

"Kuhanin mo. Ewan ko lang kung sasama siya sayo. Adik sa akin yun. Alam mo ba ang patay? As in dead na dead. Lakas ng tama nun sa akin. Kaya go lang"

Boom! Galit na siya. Kitang kita sa nanlilisik niyang mga mata. Hinila na ako ni Chad palayo sa babaeng aso na yun pero bago pa kami makalayo.

"Hey, ASObel Wilford. Long time no see ah." Tapos binelatan ko siya. :P

----------------

"Oo na! Oo na! Grabe, ang kulit mo Cross"

"Salamat tol. Kailangan ko lang talaga." Kahit sikat tong kaibigan kong to may panahon parin para pagbigyan ako.

-----------------------

"Cross! Cross! Yuhuuuuu...asan ka? Sorry na o. Bati na tayo Cookie Monster." Asan ba ang gunggung na yun? Takasan ba ako? Iniwan pa ang anak namin kay Manang. Malalagot sa akin yun.

Here we go, come with me

There's a world out there that we should see

Take my hand, close your eyes

With you right here, I'm a rocketeer

Nang marinig ko ang kantang yan. Sinundan ko kung saan nanggaling.

Sa may kusina habang nanunuod si Manang ng TV.

"Mam Eya! Mam Eya! Si Sir Cross po o nasa TV."

Let's fly...

Up, up here we go, go

Up, up here we go, go

Let's fly...

Up, up here we go, go

Where we stop nobody knows, knows

Kahit hindi si Cross yung mismong kumakanta at si Sync yun, kinikilig parin ako. Hay Cross kahit magasawa na tayo, inlove na inlove parin ako sayo. :D

----------------

Anyway, hows my update? haha. Sorry late ha. Nagpasukan na kasi e. Siningit ko lang to para sa inyo. Sana maging happy kayo. Smile lang po. :D

Eyoss' Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon