two

7.8K 150 34
                                    

Ito na po yung wish nyong update. HAHAHA. Sana magustuhan niyo! :D

---------------------

Isang linggo na ang nakalipas at naguguluhan parin si Eya. Sino ba yung nakita niya at kailangan pang magtago sa puno. Pakana parin ba ni Memo ito? Hindi parin ba siya tapos sa kanila ni Cross?

"HOY!"

"AYPUSANGKINALABAW ka naman Cross. Bakit ka ba nanggugulat ha?? Kainis to." Lumayo si Eya sa tabi ni Cross. Nagtaka naman ang lalake kung bakit mainit ang ulo ng asawa niya.

"problema mo ba? Isang linggo ka nang ganyan a. Meron ka ba ha?" Umalis si Eya nang hindi pinansin si Cross.

---

Nakita ni Chad si Eya na naglalakad palabas ng sub nito. Planong sabihin ni Chad sa Eyoss na isa sila sa ninang at ninong ng baby nila ni Lory. Sila na ang excited?

"Alam mo yung feeling--"

"Hindi pa." Nabatukan ni Eya si Chad kaya nabulunan ito ng iniinom niyang gulaman.

"Joke lang. Ano ba ulit yun?"

"Yun nga may nakita akong tao sa likod ng puno namin nung binyagan si Chris. Natakot ako bigla kasi hindi man lang siya nagpakita. Waa! Baka si--"

"Si?" Pagsusundo ni Chad

"Baka si...si Mary yun at balak niyang kunin si Chris sa amin. Aray!" Si Chad naman ang nambatok. Parang timang kasi ng kausap niya.

"Para kang timang...sa tingin mo makukuha ni Mary ang anak niyo? E ang dami niyo kayang guard. Ang taas pa ng gate niyo-Aray! Strike 2 ka na!" Hinihimas ni Chad ang ulo niya.

"Ikaw ang timang! Hindi ka ba nagiisip? Paano kung umihi muna ang mga guards o umakyat si Mary sa gate..e nakapasok siya." Nagkatinginan ang dalawa at sabay natawa sa pinagsasabi nila. Walang maayos na usapan ang mangyayari sa kanila kaya iniba ni Chad ang topic.

"Oo nga pala. HAHAHA. Ninang ka ng anak ko. Ikaw na ang magsabi sa asawa mo" Pinahid ni Eya ang luha dahil sa pagtawa tsaka ito humarap sa kausap.

"Sure. Ako na ang bahala tsaka ano ba ang anak niyo?"

"Tao" seryosong sagot si Chad.

"SUMAGOT KA NG MAAYOS!!!"

"Eva. oh ayos yun wag kang mananapok. Wag...ARAAAAY!" Kinurot ni Eya si Chad sa tagiliran. Inaalis naman ni Chad ang kamay ni Eya.

"Ang cuuuute mo talaga Chad!!"

"Ehem."

Sabay na lumingon ang dalawa. Nagulat silang pareho sa taong nasa harapan nila.

"Huli kayo!"

"H-ha. Mali ang iniisip mo."

-----------------------------

Hello guys. Ayos ba? Hinga muna tayo. Sino kaya yung nakakita sa kanila? Haha. Ba a fan, vote and comment! :D

Eyoss' Little AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon