Chapter 19: Ma chérie

552 22 11
                                    

Annika's POV

After what happened between me, Timo and Donny naging okay naman na lahat. Nagpapansinan na ulit si Donny and Tims nung pinuntahan namin sila sa Arts Center.

Everything went back to normal. I guess?

Today is Friday and I'm on my way to Laguna para puntahan at ihatid si Solana sa school nila. Buti na nga lang pumayag sila Tito na gawin ko yun eh. Nakakahiya tuloy.

Pagkadaan ko sa Park ng village nila, I saw Donny na tumatakbo with Tito Anthony so I greeted them.

"Good morning po, sabay na po kayo sa'kin? Malapit naman na po eh"

"Good morning hija, as much as I want to kailangan ko pang tumakbo ng another lap eh. Si Donny, pauwi na yan eh."

"Eh kaka-start ko pa nga lang dad?"

"Kunwari ka pang ayaw mo, go go go!!" Tinulak siya ni Tito papunta sa pinto ng passenger seat.

Hehe Tito and Donny andito pa po ako...

"Drive safely, Annika! I'll see you later."

"Okay Tito, ingat po"

Pumasok si Donny sa passenger seat, kakasimula pa nga lang niya, hindi pa siya masyadong pawis eh.

"Hi, Lei. How's your sleep last night?"

"Anong tawag mo sakin?"

"Lei, diba it's your second name?"

"Yes, so should I call you Antonio?"

"If that's what you want."

"I prefer Tonio, sounds good?"

"Yeah, good"

Ang sarap lang niya asarin. Lol

Dumating kami sa bahay nila and sinalubong ako ni Tita,

"Annika, I'm glad you're here. Solana!!!! Your Ate Annika's here"

"I'm starting to get jelly na. Mas love ka na ata ni Solana eh" - Ate Ella

Nagbeso kaming dalawa.

"Of course not Ate, you're so much better than me"

"Yieeee, that's why I like you for Donny eh. Oooops!"

"Ate Ella naman"

We ate breakfast together and now I'm here at their garden waiting for Solana. Tito and Tita has lots of flowers here, nakakatuwa lang.

Biglang sumulpot si Donny sa likuran ko and may nilagay siya behind my ear.

"What's this?"

Tinanggal ko yung nilagay niya. Nakita ko na gumamela pala yun and it's pink. I love it.

"Nagpaalam ka ba kay Tita?"

He smiled at me, matutunaw ata ako. Weak ako Donny, wag ka ngingiti.

"Oo naman. Wag mo alisin, I'll take a picture of you"

I smiled like a kindergarten.

"Cute."

"Thanks Tonio"

"By the way, may gagawin ka ba this weekend?"

"Saturday?"

"Yes"

Napaisip ako, parang meron eh.

"I'll check my phone muna"

It started with a letter - Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon