Sixty-Seven

12.9K 774 148
                                    

Alden kept tapping his foot on the marbled floor as he watched Dei negotiating a bargain for this tiny commercial space to Zake Estrata, the building owner. Nangako siya kay Dei na hindi siya mangingialam kaya heto siya at inip na nakatayo sa may pinto. Kris, who was standing behind him, was also staring intently at the two.

Akala ni Dei okay na ang lahat nang mag-usap sila ni Zake kahapon sa telepono. Pero ngayon na nagkita at harapan na silang nag-uusap, bigla na lang nito binawi ang mga nasabi at tinaasan ang renta nitong space na para sana sa botique niya. Kung alam niya lang na wala pala isang salita ang anak nito, hindi sana siya naging kampante.

"Okay naman ang usapan namin noong tatay mo pa ang ka-negosasyon ko. Sinabi ko 'to sayo kahapon at um-okay ka sa napag-usapan-"

"Whatever you negotiated with my dad has no bearing with this contract I am offering to you right now. Ako na ang nagma-manage nitong building so you should respect my decision, Mrs. Faulkerson. And I say NO to your bargain."

"Nasaan ba si Mr. Estrata?"

"Bumalik na ng Amerika." He grinned. "Why are you so worried about the rental fee? Eh barya lang ito kumpara sa yaman ng mga Faulkerson."

That's it. Kaya pala nilakihan nito ang bayad sa renta... Hindi na nakapagtimpi si Dei, sinamaan na niya talaga ito ng tingin. "Hindi ka lang pala lousy na negosyante. Gahaman at manggagamit din."

"What the- So ayaw mo na-"

"Ayoko na!" inis tinulak niya pabalik ang kontrata sa dibdib nito. "Maganda ang lokasyon ng building niyo. But it's not worth the increase of your rental fee."

With that, she took her leave and left him gaping.

"Maayos ang pakikitungo ko sa kanya tapos gagaguhin lang ako?" hindi makapaniwalang sabi niya sa sarili.

"Am I allowed to take an action now?" inip na tanong ni Alden ng magkaharap sila.

Malungkot na tinignan niya ito sa mukha bago tumango.

"This will be quick." He told her before he stormed to face the jerk.

Palihim na napangiti si Dei. Her sad face made him really angry. Kaya unti-unting naibsan ang inis niya sa anak ng may-ari at napalitan iyon ng konting awa.

*****

"You should have been good to my wife," sabi ni Alden nang akmang babatiin siya ni Zake. "Your building is situated on a land that I own. Didn't your father warn you to treat her nicely?"

Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Zake when he remembered his father telling him to be good to Dei Faulkerson. Now he's feeling regret for not taking it seriously. "Mr. Faulkerson-"

"I can afford to cancel a contract, Mr. Entrata. Barya lang din iyan sa yaman ng mga Faulkerson."

"I didn't mean-"

"Talk to my lawyer." Putol niya sa sasabihin nito at naglakad pabalik kay Dei.

Zake attempted to follow him to talk but Kris was quick to block his way. Pinakita pa nito ang gun holster na nakasabit sa sintuturon, kaya hindi na namilit pa si Zake.

"Huwag mo na paalisin ang may-ari nitong building. Baka magkaroon pa ng revenge story," usal ni Dei na nakayapos sa braso ni Alden habang palabas sila ng building.

He smiled and nudged his head toward the building across the road. "Do you want me to buy that lot and build you a skyscraper?"

"Huwag mo na itanong. Gawin mo," natatawang sabi ni Dei sabay tinutusok-tusok ang namumuong taba sa tiyan nito. "Biro lang, hon. May Plan B pa naman ako."

"And that is?"

"Hindi ko ipu-pursue ang retail shop. Instead, gagawin ko na ala-mall ng online shopping dito sa Pinas ang botique ko."

"My company owns a team of outstanding IT specialists..."

"Kaya nga ginawa ko 'tong Plan B." Sabay pinanggigilan naman nito ang taba sa pisngi niya.

*****

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sila lang ni Alden at ng lolo niya ang magkasama mula nang ikasal ang lalaki. Hindi na bago sa kanya ang pagpapasama nito sa ospital para sa buwanang check-up nito sa kalusugan. But instead of the usual talk about MUNDO, their conversation now revolved around Dei only.

"Tumataba ka na," natatawang sabi ng matanda habang nagbibihis ito para sa ma-i-CT scan. "Magaling siguro magluto ang manugang ko..."

Tinignan siya saglit ang doktora at sumang-ayon sa sinabi ng matanda.

"That and Dei won't let me exercise," he told his grandfather. "Nanggigigil siya sa mga taba ko."

The old man laughed out loud. "Baka naman pinaglilihi na niya ang taba mo."

"She's not pregnant."

"You will never know unless a month or two had passed," sabi ng doktora.

Tumingin dito si Alden. He couldn't stop the corner of his lips from smiling. "I actually noticed some changes in her body, doc. She's more sensitive nowadays... and there are sudden shifts in her mood."

"The most obvious thing to know if she's pregnant is to buy her a pregnancy kit."

Agad naman tumalikod si Alden at naglakad papuntang pinto. "Grandpa, I have to go down the pharmacy real quick."

Tumawa na lang ang matanda sabay lumabas sa kwarto na naka-ospital gown na.

*****

Alden was waiting for the elevator to open when he noticed a familiar figure walking down the left aisle. He eyed the hospital gown that she was wearing before he decided to follow her and fill his curiosities.

Huminto siya sa harap ng opisina na pinasukan nito at binasa ang pangalan ng doktor na nakasulat doon. His face went stiff after knowing the doctor's expertise...

Medical Oncologist...

Agad na dumapo sa papabukas na pinto ang mata niya and came face to face with Dei's mother who's now bald.

"Margaret..."

Gulat na gulat na nakatingin lang ito sa kanya. The black wig was hanging on her hand.

"You have... cancer?"

Million Dollar GirlWhere stories live. Discover now