:01

195 13 0
                                    


TEN-TEN

Nasa cafeteria ako, kumakain ng lunch nung may isang lalaking estudyante nasa Grade 10 ata, humahangos ito nag sisigaw ng "MAY MULTO SA BOY'S CR" hindi ko nalang ito pinansin at pinatuloy ang pag kain ko.

Tsss, halos ayan nalang parati ang issue sa St. Mary Academy, kung hindi multo sa CR, nasa library, science laboratory, at sa main building pa. Tsk, students nag papa niwala sa mga walang kwentang bagay.

Fifteen minutes mag sisimula na ang klase ko kaya umalis na ako sa cafeteria at papunta na ako ng boys CR to freshen up.

"Wag kang pumasok. Nasa loob siya"

Napalingon ako sa nagsalita na iyon. Its some weird kid, hindi ko nalang siya pinansin at pumasok ng CR, just then pag tapak ko pa lang sa CR ang lamig, the lights are turning on and off itself.

Okay I admit, medyo nakaka takot na nga, may narinig akong kalampag sa last cubicle kaya napa kislot ako.

"Who's there?" buong tapang ko na tanaong, ngunit malamig na ihip ng hangin ang sumagot sa tanong ko.

May parang munting boses akong naririnig na nag sasabing 'Bat ako nandito. Anung lugar ito?' kaya buong tapang na pumunta ako sa tapat ng cubicle at itinulak ako. Sumigaw ang taong nasa loob at napa sigaw na din ako.

"AAAAAHHHHHHHH!!" sabay naming sigaw

"Who the fuck are you?" tanong ko dun sa lalaki

"At sino ka ring manyakis ka. Bat ka nalang basta-bastang namamasok ng cubicle" sagot nito sakin

"What? At ako pa talaga ang manyak ah, siyempre pupuntahan ba kita dito kung di ka gumagawa ng creepy noise?" sagot ko din

"Hmp, tabi dadaan ako at ano naman kaya ginagawa ko dito" kausap nito ang sarili, tiningnan ko lang siya habang papalayo and it hit me napa sigaw ako sa takot

"AAAAHHHH. What the fuck are you?!" sigaw ko sa kanya.

Lumingon siya sakin

"What do you mean by that pervert?" tanong nito

"Bakit ka lumulutang sa ere" sagot ko

"Ano bang pinag sasabi mo?" ani nito at tiningnan ang mga paa at napa sigaw din sa gulat

"WAAAAAHHHHH! What is happening why is it I'm floating?" tanong nito sa akin

"I don't know, maybe you're a ghost" sabi ko sa kanya

Bumukas naman ang pinto at pumasok si Dale, kaklase ko.

"Oh Ten, bat nandito ka, kanina pa nag time, at sino kausap mo? May kasama ka ba?" tanong nito sa akin.

Kinilabutan naman ako dun, kaya tinanong ko siya

"Dale, wala ka bang nakikita bukod sa akin?" tanong ko, sinilip niya ang likod ko at sumagot

"Actually meron, anino mo" sagot niya at bahagyang tumawa

"Seryoso nga kasi Dale" naiinip na tanong ko

"Ano bang nahithit mo, wala kang kasama dito ano ba, well except nung pumasok na ako dito, bakit may tinatago ka bang chicks dito? C'mon you can tell me" tanong niya.

I just rolled my eyes at nilibot ang paningin, nawala na din yung multo na yun, oh kung totoo man na multo siya.

Sabay naming nilisan ni Dale ang CR at sabay na pumasok sa room, lucky because nag ka sunudan lang kami ng subject teacher namin.

Natapos ang buong klase namin nung hapon na yun at uwian na. Agad kong isinukbit ang bag ko sa balikat ko at nilisan ang room namin.

MIK-MIK

What the heck is this place? Pano ako napunta sa lugar na ito?

Sinubukan kong alalanin kung ano ang mga nangyari, wala akong ma alala, kahit nga anung nangyari kahapon.

Dahil sa pag mumuni-muni ko di ko namalayan na mabubunggo na ako ng mga grupo ng mga estudyante kaya napa pikit nalang ako at hinihintay ang pag ka tumba ko, pero ilang segundo hindi ito nangyari, bagkos nakita ko ang mga estudyante na masya pa rin sa pag ke-kwentuhan at nasa malayo na sila.

Gosh! Is it real na I'm a ghost? How come? At isa pa kung multo ako, bat nakita ako nung lalaki kanina sa CR and speaking of that pervert, tanaw ko siya dito sa kinatatayuan ko, nag lalakad siya. Pauwi na siguro.

"Psssssst! Pssssssst!" sitsit ko sa kanya, mukhang narinig niya naman, kasi pa lingon-lingon ito na may hinahanap eh.

Sakto naman at napa lingon siya sa gawi ko kaya kinawayan ko siya.

Nanlaki ang mga mata niya at agad na tinalikuran ako at nag madaling naglkad.

Aba! How dare him, ang alindog kong ito hindi basta-bastang tinatalikuran.

I don't know anung nagyare inisip ko lang na nasa harapan ko siya and nangyari nga at nais kong humalakhak sa ginagawa niya.

"Our Father who art in heaven, hollowed be thy name, thy kingdom come..." dasal nito.

Kaya sinundot ko tagiliran niya at ginulat siya-

"Booo" bulong ko kaya napa sigaw ito

"WAAAAAHHHH"

"Argggghhh, don't shout you dummy" saway ko sa kaniya

"Why did you do that? Layuan mo na ako, hindi kita matutulungan kung ano man ang misyon mo dito sa lupa, kaya iba nalang ang hanapin mong pwedeng tumulong sayo. Paki usap, gusto ko ng tahimik na buhay" parang engot na monologue niya.

"Ah, you better shut your mouth, kanina kapa tinitingnan ng mga tao" saway ko sa kaniya at tiningnan niya ang mga tao with weird look in their face.

Napayuko ito sa pagka pahiya at nag lakad ng mabilis.

Buti nalang medyo nasasanay na ako sa pagiging multo ko, kaya lumulutang na ako ngayon.

"Hey, Ten-Ten" tawag ko sa kaniya napa hinto ito at lumingon

"How do you know my name?" tanong nito

"Ah, I heard the guy in the CR called you with that name, and i bet your nickname is Ten-Ten, right?" tanong ko pa

"Don't call me with that name as if we are close" sagot nito

"So my wild guess is right, and wether you like ito or not I'm gonna call you with that name and pwede ba, ang nais ko lang naman malaman is kung bakit wala akong ma alala sa nakaraan ko at bat ikaw lang ang nakaka kilala sakin and why i end up in the CR when 'I WOKE UP LIKE THIS being a ghost'?"

•×•×•

Ghost in the ToiletWhere stories live. Discover now