:03

106 10 1
                                    

MIK-MIK

Ilang minuto din ang itinagal ko sa loob ng banyo, ilang beses niya na akong kinatok kung kaya naisipan ko na ding lumabas ng banyo.

"Good, buti naman at na isipan mo na ding lumabas. Hindi ko alam na ganun pala ang epekto ng katawan ko sayo" ani niya sabay subo ng kanin

"Kilabutan ka sa mga pinag sasabi mo Ten-Ten, masama lang ang tiyan ko kaya matagal ako bago nakalabas" depensa ko.

Gaahhd, di niya dapat mahalata na affected nga ako sa mga nakita ko kanina

"Kumain kana ulet, bilisan mo kung gusto mo pa ng mainit itong mga hinanda ko" alok niya sakin.

Kaya agad kong nilantakan ang pag kain at duon nalang itinuon ang sarili ko, kinakausap niya pa ako pero wala na akong maintindihan.

Bumalik nalang ang ulirat ko nung marinig ko siyang nag dighay.

"God. I'm full, thank you for the foods" sabi niya, napatingin naman ako sa kanya and he look at me with puzzling look.

"What? What's wrong?" tanong niya

"Nothing" wika ko sabay pilig sa ulo ko

"You really a weird ghost" wika niya

"Hindi ako weird, sadyang unique lang ako"

"Its sound the same. Don't you think?"

"Hindi magkaiba yun" matigas na wika ko

"Okay. If you insist then" walang magawa na sagot niya

"Mind if I ask you a question?" biglang tanong ko

"Yes, I mind it" aniya.

Napangiwi naman ako and I heard him snicker

"It was a joke. Yes, you can ask anyway" natatawang sagot niya

"Ahm, you know kanina pa kita gustong tanungin kung bakit ikaw lang mag isa dito. Nasan ang pamilya mo?" napansin kong umayos siya ng upo at huminga ng malalim bago ako sinagot

"As you can see, mag isa akong naka tira dito. Hindi ibig sabihin yon wala akong pamilya, meron akong nanay at tatay, nag iisang anak ako. Pareho silang nasa London, nurse sila sa isang Hospital don" sagot niya

"Oh, pero bat dito mo napiling tumira, wala ba silang naiwang bahay dito sa Pilipinas, bat naisipan mo pang umupahan?"

"May bahay naman kami, pero ganun din naman yun, kung mag isa lang din ako sa malaking bahay na pinagawa nila, para na din akong umuupa nun. And to tell you I'm an independent" firm na sagot niya

"It amaze me" bigalang bulalas ko

"Really?" hindi maka pinawalang tanong niya

"Yeah. Kasi kung sakaling buhay pa ako, hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa mo ngayun. Halimbawa nalang ngayun, umaasa ako sa iyo"

"Mag kaiba ang umaasa sa humihingi ng tulong. Sa kaso mo, kailangan mo talaga ng tulong, kasi nga wala kang maalala diba" tango lang ang sagot ko sa sinabi niya

"Kanina kapa nag tatanong ako naman" biglang sabi niya, habang naka lean ang mga braso sa table

"Hay nako, wala akong masasagot dahil nga wala akong ma alala diba?" sagot ko sa kaniya

"Don't worry, random questions lang naman ang mga itatanong ko eh"

"Go ahead. I'll try to answer" naka ngiting hamon ko sa kanya

"Masarap ba yung kinain natin?" unang tanong niya, napangiti ako sa tanong niya

"Yes, masarap" honest sa sagot ko

Ghost in the ToiletWhere stories live. Discover now