Pangngalan (Noun)

646 9 2
                                    

Pangngalan o Noun

Ang pangngalan ay isang salita na ginagamit sa pagtukoy ng tao, bagay, hayop, pook, gawa, at pangyayari.

Tao
• dalaga
• katulong
• doktor
• Lee Jong Suk ♥
• Attorney Valdez
• kapatagan (ikaw!) ** oo ikaw!, tao ka diba? kapatagan bes! Flat! Hahaha joke lang ang kapatagan talaga ay pook.

Hayop
• aso
• pusa
• unggoy
• baka
• kalabaw
• yung ex mo ** Diba hayop yun? Hahaha joke lang tao pa rin siya kahit na sinaktan ka niya, 'di bale makahahanap ka rin ng forever mo. Wait ka lang ♥

Bagay
• lapis
• libro
• cellphone
• notebook
• sapatos

Pook
• burol
• gubat
• eskwelahan
• simbahan
• classroom

Gawa
• pagbabasa
• pagsusulat
• pananalamin
• pamamalantsa
• pangungulangot

Pangyayari
• digmaan
• fiesta
• kaarawan
• binyag
• competition


Uri ng Pangngalan

A. Panawag sa tao, bagay, hayop, pook, gawa o pangyayari ang pangngalang pambalana. (madalas na sinisimulan sa maliit na letra)

Halimbawa:
• lamesa, bulaklak, lapis, tsinelas, korona

B. Sadyang pangalan ang pangngalang pantangi ng tao, hayop, bagay, pook, gawa o pangyayari na sinisimulan sa malaking letra.

Halimbawa:
tao - Park Shin Hye, Maria, Liza
hayop - Hachiko, Miming, Labrador
pook - South Korea, Paris, Manila
bagay - Samsung, Mongol, Jansport

Kasarian ng Pangngalan

Pambabae - tumutukoy sa pangalan ng babae.
Panlalaki - tumutukoy sa pangalan ng lalaki.
Di-tiyak - tumutukoy ito sa pangngalang hindi matukoy kung babae o lalaki.
Walang Kasarian - ito ay tumutukoy sa mga bagay na walang kasarian.

Pantukoy sa Pangngalan

Ang pantukoy ay katagang ginagamit sa unahan ng ngalan ng tao, lunan, bagay o pangyayari.

Dalawang uri ng pantukoy:

1. Si at sina - ginagamit na pang-una o pananda sa pantanging ngalan ng tao. Ginagamit ang si sa isahan at sina sa maramihan.

Halimbawa:
• Maganda si Kyla
• Lumipat ng upuan sina Cris at Carla

2. Ang at Ang Mga - gunagamit na pang-una sa mga pangngalang pambalana.

Halimbawa:
• Nasira ang aking cellphone
• Nagtatakbuhan ang mga aso sa kalye

Know The Basics: Writing TipsWhere stories live. Discover now