Panghalip (Pronoun)

2.1K 10 0
                                    

Panghalip o Pronoun

Ginagamit naman ang panghalip sa halip na pangngalan.

Pag-aralan ang mga pangungusap:
• Nakakuha ng mataas na grade ang aking kaklase dahil masipag ang aking kaklase mag-aral.
• Mabilis na yumaman ang mga tindera sapagkat ang mga tindera ay matiyaga.

Pansinin ang pagbabago ng pangungusap:
• Nakakuha ng mataas na grade ang aking kaklase dahil masipag siyang mag-aral.
• Mabilis na yumaman ang mga tindera sapagkat sila ay matiyaga.

*** Sa pamamagitan ng mga panghalip ay naiiwasan ang pag-uulit sa pangungusap. Mahalagang present ang mga panghalip kapag ikaw'y nagsusulat ng isang story dahil kung magiging redundant na ang mga salitang iyong ginamit ay siguradong tatamarin na sa pagbabasa ang iyong mga readers.

Panghalip Panao

Ang tawag sa panghalip na pamalit o panghalili sa pangngalang tao. Ang panghalip na panao ay ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap at pinag-uusapan. Ito ay maaring isahan o maramihan.

Unang Panauhan – ako, ko, akin, kata kita, amin, natin, atin tayo, kami, naming, atin
Ikalawang Panauhan iyo, mo, ka, ikaw kayo, inyo, ninyo kayo, inyo, ninyo
Ikatlong Panauhan – kaniya, siya, niya nila, sila, kanila nila, sila, kanila

Kung saan ang:

Unang Panauhan – tumutukoy as tagapagsalita.
Ikalawang Panauhan – tumutukoy sa kinakausap.
Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan.

A. Palagyo - Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno.

Panauhan / Una / Ikalawa / Ikatlo

Unang Panauhan / ako / kata / kami
Ikalawang Panauhan / ka / ikaw / kayo
Ikatlong Panauhan / siya /sila

Halimbawa: 
Ako ang magluluto.
Ikaw ang magluluto.
Siya ang magluluto.

B. Paari - Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay.

Unang Panauhan – akin, ko, amin, atin, naming, natin
Ikalawang Panauhan – mo, iyo, ninyo, inyo
Ikatlong Panauhan – niya, kaniya, nila, kanila

Halimbawa: 
(Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na.
(Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.

C. Palayon - Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak.

Halimbawa:
Si Jenny ay nakasakay ko.
Pinakain nila ang mga tuta.

Datu Kalantiaw

Ito ay panghalip na ipinapalit o ihinahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo.

*** This is important ang Datu Kalantiaw, madalas ginagamit ang mga halimbawang salita nito sa mga kwento kaya know the difference. Read below

Ginagamit ang:
Ito – kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo
Iyan – kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo
Iyon – kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap
Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita
Diyan – kung malapit sa kinakausap ang lugar na itinuturo.
Doon –kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap

Ang dito, diyan at doon ay nagiging rito, riyan at roon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig sa mala-patinig na w at y.
Halimbawa: parke roon; bahay rito

*** More infos about dito, diyan, doon, riyan, roon will be discussed in the next chapters, and also about rin and din.

Panghalip Pananong

Ang panghalip na kumakatawan sa tao, hayop, bagay o pangyayari sa paraang patanong.

Isahan – sino, nino, kanino, ano, saan, ilan
Maramihan – sino-sino, nino-nino, kani-kanino, ano-ano, saan-saan, ilan-ilan
Kinakatawan – tao, bagay o pangyayari, lugar, nabibilang, pinipili, panahon, natitimbang o nasusukat, nabibigyan ng halaga

Panghalip Pamatlig

Panghalip na nagtuturo sa isang tiyak na tao, bagay, pook o pangyayari.

Unang Panauhanito, ire, nito, nire, dito, dine, ganito, ganire, ito, heto
Ikalawang Panauhaniyan, niyan, diyan, ganyan
Ikatlong Panauhaniyon, niyon, doon, ganoon, ayun

Kung saan ang:
Unang Panauhan – malapit sa nagsasalita
Ikalawang Panauhan – malapit sa kinakausap
Ikatlong Panauhan – malayo sa nag-uusap

Panghalip Panaklaw

Ginagamit ang panghalip panaklaw sapagkat may sinasaklaw na kaisahan, bilang, dami, o kalahatan. Nagsasaad ng kaisahan at kalahatan ang mga panaklaw na tiyakan. Binubuo ang mga panaklaw na di tiyakan ng panghalip pananong at pangatnig na man.

Mga panaklaw na tiyakan:
1. Nagsasaad ng isahan – balang, tungkol, bawat, dilang, isa
2. Nagsasaad ng dami o kalahatanpanay, ilan, pulos, pawang, lahat, madla

Mga panaklaw na di-tiyakan:
• ano man, sino man, saan man, nino man, kanino man, kailan man, magkano man

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Know The Basics: Writing TipsWhere stories live. Discover now