Second Adventure

6 0 0
                                    

Nagising ako nang maaga ngunit laking gulat ko dahil wala na akong katabi. Isinuot ko ang sapin sa paa at lumabas ng kwarto. Naabutan kong nanunuod ng tv  si Red. Agad siyang bumaling sa akin at tamad akong tiningnan. 

"It's already late, Ate. You have work today, right? Let's have breakfast." aniya. Saka ko lang narealize na nakahanda na pala ang mesa at may pagkain na. Nagulat ako kasi 6 am pa lang naman pero parang ang aga niya ngayon. Where is he going? 

"Yeah, may pasok ako ngayon pero I guess doon lang ako sa office. Wala akong flight ngayon." wika ko at umupo na sa hapag at sumunod naman siya sa akin. 

Dapat talaga ay may flight ako ngayon pero dahil wala yung isang pilot kahapon, edi ako na ang nagtake charge doon sa dapat flight niya. Pwede ngang kahit hindi na ako pumasok ngayon e. Pero I still choose na pumasok kasi mabobored lang ako kung dito lang ako sa condo. My schedule as a lady pilot is early morning. Monday, Wednesday, Friday and Saturday are the days where I have a flight. Bound to Japan ako nakaassign. Roundtrip lang ang flight ko. After a flight papunta sa Japan, balik lang agad. Hindi ako ang nakaassign the whole day. 

Habang kumakain kami, saka ko lamang napuna na nakaligo na pala siya at ayos na ayos. 

"May lakad ka?" I asked with hesitation. 

"Yep. I need to meet someone later." sagot niya. Pinipilit niyang itago ang ngiti niya. 

I think it's her girlfriend. But I still don't want him to have one. He's still young. He's my baby boy. But I know he wouldn't listen to me. Gusto ko lang ng perfect girl para sakanya. He deserves the best. And I think he won't take relationships seriously. He's playful and very arrogant. 

"I know what you're thinking, Ate. I'm not into a relationship. She's just a friend." pagpapaliwanag niya. 

"I really hope that she's just your friend." pinaningkitan ko siya ng mata. He just shrugged. 

Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako. Sabi niya ay magpapahatid daw siya sa akin sa isang mall bago ako pumuntang trabaho. Nagcommute lang ata siya kagabi papunta dito sa condo.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kwarto para magpalit. Naabutan ko siyang nanunuod ng basketball sa tv. Malinis na rin yung pinagkainan namin. Sa palagay ko ay inayos niya yun habang naliligo ako.

Napagdesisyunan kong hindi ako magsusuot ng uniform ngayon tutal wala naman akong flight. Nagsuot lamang ako ng high-wasted pants and crop top. Nilagay ko lamang ang pin sa aking damit for identification. 

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako. Nakapatay na ang tv at nakita ko si Red na umiinom ng tubig. Bumaling siya ng tingin sa akin nang nakita akong lumabas. 

"Let's go?" tanong ko. Tumango lamang siya at nilapag ang basong pinag-inuman. 

Lumabas na kami sa unit ko at dumiretso sa elevator para makapunta sa parking area. Ako ang nagmaneho habang siya ay lumilinga-linga lamang sa paligid.

"Hey, Missy." bungad sa akin ni Shawn. Isang ngiti ang sinukli ko sakanya. 

Kumunot ang noo niya. "Seriously? Come on, Missy. I heard, maglileave ka tomorrow. Travelling again? Hindi mo ako mamimiss?" nakanguso niyang wika. 

He's too cute. Palihim akong napangiti.

"Nah. I won't miss you." sagot ko habang may nakakaasar na ngiti sa aking labi. Dumiretso na ako sa desk ko upang itrack ang mga ongoing flights. Kailangan kong isettle lahat bago ako umalis para walang hassle. 

Sumunod siya sa akin at umupo sa desk ko. Tiningnan ko siya nang masama. Baka masira niya ang desk ko. 

"What?" natatawang tanong niya. 

Adventure of a LifetimeWhere stories live. Discover now