Third Adventure

9 1 1
                                    

"Flight 9J 2834 bound to Cagayan Valley is now boarding at gate 12."

Tumayo na ako at inilahad sa ground personnel ang aking boarding pass at dumiretso na assigned seat ko sa eroplano. 

Minsan talaga nakakaenjoy lang na sumakay imbis na ikaw mismo ang magmaneho ng eroplano. Masaya kasi naeenjoy mong panuorin ang clouds at ang himpapawid. I'm used in seeing those pero iba pa rin talaga ngayon na nakaupo lang ako at hindi nagmamaneho. 

Hindi nagtagal ay nagtake-off na ang eroplano. Ginugol ko ang sarili ko sa pagtulog dahil medyo kulang ang naging tulog ko. 

Pagkagising ko ay kakalanding lamang ng eroplano. Sabay-sabay na ang mga pasahero sa pagbaba at pagpunta sa arrival area. May susundo sa akin dahil nagpabook na ako sa hotel at kinuha ko na ang tour package nila. Simula sa pagdating hanggang sa aking pag-uwi. 

I'm not really planning on spending my week in beaches. Mas pinili ko ngayon na magcamping sa gubat. Campfires. Marshmallows. Tents. Different sounds. I love those. Maghahiking din ako sa mga bundok dito tulad kilala ang Cagayan Valley bilang isang sikat na puntahan ng mga hikers. 

May biglang sumalubong sa akin ang isang lalaki na may hawak na board na nakasulat ang pangalan ko. Dumiretso na ako sakanya. I think siya yung driver ng hotel na pagtutuluyan ko dahil nakauniporme siya.

"Ako na po, Ma'am." wika niya at kinuha na sa akin ang bag ko. Pinasok niya yun sa likod ng sasakyan habang umupo na ako sa backseat. Sumakay na rin siya sa driver's seat. Nagsimula na siya magmaneho papunta sa hotel na tutuluyan ko.

"Ma'am, ngayong araw po yung simula ng city tour ninyo. Dadalhin ko po muna kayo sa hotel at pwede muna po kayong magpahinga dahil 10 am pa naman po ang simula noon. May mga makakasabay din po kayo na grupo ng mga turista." pagbibigay niya ng instruction at agad kong tiningnan ang relo ko. Alas siete y media pa lamang. May 2 and a half hours pa ako para magpahinga. "Sya nga po pala Ma'am, ako po si Jonathan. Ako po ang magiging driver niyo dito sa Cagayan." dagdag pa niya. 

I think nasa mid 30's ang edad niya. Hindi pa naman siya ganun katanda tignan pero yun lang ang hula ko sa edad niya dahil sa itsura niya. 

Tumango na lamang ang tinugon ko sa sinabi niya. 

Pinagmasdan ko ang lungsod, hindi siya ganun kacommercialized dahil kahit saan ka luminga ay may makikita kang puno. Malinis ang paligid at mukhang safe naman dito. Hindi rin naman ganun katraffic.

Nakarating kami agad sa hotel. Bago ako umakyat sa kwarto ko ay may pinermahan muna ako sa front desk. Pagkatapos noon ay dumiretso na ako room ko at agad nagpalit ng damit. Sumalampak agad ako sa kama. Di naman ako inaantok dahil nakatulog naman ako sa eroplano. 

Naalala kong may swimming pool pala dito sa rooftop sabi ng nasa front desk kanina. Napagdesisyunan kong magswimming tutal ay hindi ako makakapagbeach dito sa Cagayan dahil puro treking ang plano ko. 

Nagpalit agad ako ng damit at tumungo na sa rooftop. Pagkarating ko doon ay tinanggal ko ang loose t-shirt ko at shorts, natira lamang ang suot kong swimsuit. I was exposing too much skin pero okay lang yun dahil wala namang ibang nagsiswimming bukod sa akin. Solong- solo ko ang pool. Nagdive na agad ako at bumalot sa aking katawan ang lamig ng tubig sa pool. 

Kahit na sobrang init ng araw dahil alas ocho na ay tila giniginaw ako sa lamig. Ang lamig naman ng tubig nila dito. Nakakarelax at para akong makakatulog. Nakakamangha ang view dito sa taas. What a scenery. Halos napapalibutan ng puno ang syudad. Sobrang green ng paligid. Malayong-malayo sa mausok na Maynila. 

Lumangoy-langoy ako pabalik-balik sa dalawang dulo ng pool nang biglang may humarang sa aking paglangoy. Nagulat ako sa presensya ng isang lalaki sa harap ko. Kumunot ang noo ko sakanya. 

"Excuse me." wika ko at lumangoy patungo sa gilid upang makawala sakanya ngunit sumunod siya sa direksyon ko na tila ay akong padaanin. Mas lalong kumunot ang noo ko.

Hindi ko alam pero abot ko naman ang pool ngunit nangangatog ang mga binti ko. There's something wrong with this guy in front of me. 

"I said excuse me." may diin kong wika. Halata na sa tono ng aking pananalita ang pagkairita. 

"Good morning." wika niya nang may ngiti sa labi. 

Kinilabutan ako sa boses niya. May something doon. Hindi ito basta normal. Imbis na mairita ako lalo dahil hindi niya pinansin ang sinabi ko ay hindi man lang ako nakaramdam ng konting inis. 

Isang hilaw na ngiti ang ginawad ko.

Kumunot ang noo niya at tumungo na ako sa gilid upang makaahon na. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya ako hinarangan ngunit ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. 

Umahon na ako at kinuha ang tuwalyang dala ko. Umahon na rin siya at umupo sa isa sa mga upuan doon. Nakangiti lamang siya habang pinagmamasdan ang mga pagkilos ko. May something sa ngiti niya. Napakagenuine nun. 

"Ang ganda mo pala." wika niya habang mataman akong tinititigan. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko at nanlambot din aking mga binti. 

Humagalpak siya sa tawa habang nakahawak sa tiyan. Iyon naman ang tyansa ko upang pagmasdan siya. May kalakihan ang katawan niya at nakakapangilabot ang maamo niyang mukha. Yung tipong napakainosente at mukhang hindi gagawa ng masama. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang malaasul na mga mata. Napakapure ng mata niya. He's undeniably good-looking. 

Tumigil na rin siya sa pagtawa at tumingin sa akin. Naroon pa rin ang mga ngiti niya.

"Nakakatawa ang reaksyon mo. Parang first time mong masabihan ng maganda. Ang cute kasi namumula ang pisngi mo kanina." saad niya habang nagpipigil ng tawa. 

Mas lalo akong pinamulhan sa sinabi niya. Tumawa ulit siya.

"That wasn't my first time." sabi ko pero kumunot lamang ang kanyang noo at hindi na siya sumagot. Kinuha niya ang tuwalya niyang nakasabit sa isang upuan. Ipinatong niya iyon sakanyang balikat. 

Balak ko na sanang dumiretso sa elevator upang pumunta na sa room ko nang bigla niya akong pigilan at hawakan sa pulso. Napatayo siya nang gawin niya iyon. Magkatapat na ang mga mukha namin at konting distansya lamang ang bumabalot sa aming dalawa. 

"Bababa ka na?" tanong niya pero naroon pa rin ang ngiti niya.

Tumango ako bilang sagot at inilayo ang mukha ko sakanya.

"Sabay na ako." wika niya at nanguna na sa paglakad patungong elevator. Pinindot niya iyon at agad itong bumukas. Sabay kaming pumasok at nagulat ako dahil pinindot niya ang same floor kung nasaan ang room ko. Sumirado na ang pinto ng elevator at bigla akong nakaramdam ng awkwardness. 

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng elevator. Nakangiti pa rin siya sa hindi malamang dahilan. Sa totoo lang, nawiweirduhan na ako sa kilos niya ngunit hindi ko magawang mangamba. Feeling ko safe naman siyang tao. Wala naman sa itsura niya na ay gagawin siya masama at hindi naman siya mukhang manyakis. 

Bumukas na ang pinto at nauna na akong lumabas. Pumunta ako sa direksyon kung nasaan ang room ko habang siya ay pumunta naman sa opposite direction. Lumingon ako sakanya at nakita ko siyang nakangisi habang nakatingin sa akin at kumakaway. Kumaway ako pabalik at tumalikod na upang tumungo sa room ko. 

Bago ako pumasok sa room ko ay lumingon ako sa direksyon kung saan siya pumunta. Nakita kong may kausap siyang lalaki. Nagsasign language ang lalaki habang nag-uusap sila. Tumatango-tango naman siya habang nakikipag-usap. 

Bakit siya nagsasign language?

Is he deaf?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adventure of a LifetimeWhere stories live. Discover now