Chapter 4

10.9K 280 1
                                    

"Your new boss called me, he'll going to pick you up." Saad ng department manager namin. I don't know, bigla akong inassign sa ibang company, parang tinrade sa ibang employee ganon.

"Yes Ma'am, I'll be fixing my things."

Nakangiti akong lumabas. Ewan ko pero trip ko ngumiti ngayon hehe.

"Are you sure na lilipat ka na?" Tanong ni Iza, officemate ko.

"Yep, and besides gusto yun ng boss natin." Kampante kong sagot. As if naman yun talaga yung reason. May iba pang naamoy ang aking dog nose char.

"Ms. Marquez, Mr. Suarez is waiting for you outside." Umalis rin ang receptionist pagkatapos akong iinform, wait. Suarez? Yun ba yung apelyido ni Tiago? Ba't di ko matandaan?

Dinala ko na ang gamit ko at lumabas. He's wearing a dark blue coat with white turtleneck underneath. Jusko ang init sa Pinas tas ganto? Trip niya ba yung heatstroke?

"I will take care of her.'' Nakangiting sabi nito sa dati kong boss.

"Bakla, ikaw lang pala."

"Baliw. Tara pasok."

Pinapasok niya ako sa loob while he put all my things at the trunk.

"You will be my new secretary. Gusto kong matutukan kita.''

"Come on, if that's the only reason di mo na dapat ginawa 'to. I mean I'm not pregnant."

As if on cue, biglang biglang dumagurok ang tiyan ko. Nagugutom pala ako kanina pa.

"May mansanas ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit? As if magbibitbit ako ng mansanas kahit saan ako pumunta e no."

"Tse, sunget. Nagugutom ako."

"Wait bibilhan kita."

Nagstop muna kami sa isang fruit stand. Daming prutas, pero mansanas talaga gusto ko ngayon.

"Manang pabili po ng mansanas isang kil—"

"Isang karton po." Singit ko.

"Yanna?"

"Tiago?" Sagot ko. Napataas naman siya ng kilay. "Ako magbabayad." Pagsusungit ko. Ano ba? Gutom ako.

"Nako kayong mga mag-aasawa. Ineng, buntis ka ba at naglilihi ka?"

"Hala, di po." Sagot ko. Gusto ko lang ng mansanas buntis agad, diba mangga dapat yun?

"Buntis?"

"Hindi po, hindi po kami mag-asawa." Sabi ko habang kumukuha ng isang mansanas sa isang kartong binili namin.

"Pero buntis siya." Dagdag ni Tiago.

"Hindi nga eh!" Pagsusungit ko. Nakakainis ha? Sabi na ngang hindi wag niya kong ginagalit gutom ako. Pumasok uli ako sa kotse niya, baka bilhin ko pa lahat ng prutas dun pag nainis ako, nako, wag mokong subukan bruha.

"Yanna. Andito na ang mansanas..." Sabi nito at inilagay ito sa backseat.

"Ilagay mo diyan. Bibili tayo ng chocolate." Sungit kong sagot.

"Ba't nagsungit ka bigla?"

"Bakit? Angal ka?"

Di na siya nagsalita. Huminto uli kami sa isang mini-mart at siya nalang ang bumili dahil nagsimula na akong ngumatngat ng mansanas.

"Ito na chocolate mo."

"HOLOOOO!" Puno kasi bibig ko. "Bot hondo tonow?"

"Ano?"

Linunok ko ang kinakain kong mansanas bago magsalita. "Ba't hindi mo tinunaw? Pa'no ko isasawsaw yung mansanas kung buo yan?"

A Night With A GayWhere stories live. Discover now