Kabanata 1

1.1K 44 0
                                    

Kabanata 1

Meet Death

Makalipas ang labinlimang taon.

"Ariela?!" Narinig ko ang sigaw ni tiya kaya naman napatayo ako. Kasalukuyang nasa loob ako ng aking kwarto at inaayos ang gamit ko. "Heto na po! Bababa na!" Sigaw ko. Binitbit ko ang aking gamit at lumabas na ng kwarto. Bumungad agad sa aking harapan sina tiya, ang anak niyang kambal at ang naiisang matalik kong kaibigan na si Winter na kasalukuyang hinihintay ako para sabay kaming pumasok sa kompanyang tinatrabaho namin.

"Tara na! Alis na po ako tita!" Nagmano muna ako bago sinenyasan si Winter na aalis na kami. Simula kasi ng mamatay si lola ay tumira na ako sa pamamahay ni tiya gaya ng sabi niya nakaraang 15 years. Naging maganda naman ang trato sa akin pero hindi maiiwasan na mapagsabihan at masigawan. Sanay na sanay na ako sa tagal ko nang naninirahan dito. Sa edad na 23 ay nagtatrabaho ako sa isang companya. Ang E.S. Company, Inc.

Nang makarating kami sa may kanto ay pumara ako ng masasakyang jeep. Nang may mapara ako ay sumakay na kami. Kinapa ko ang bulsa ko sa suot kong pantalon at inilabas ang aking lilang wallet. Kumuha ng bente pesos at ipinapasa sa aking katabi para maiabot ang kaniyang bayad hanggang sa driver. Nagbayad rin si Winter.

Mabilis na nakarating kami sa E.S. Company. Isa akong marketing head sa kumpanya at si Winter naman ay accountacy head kasi magaling siya sa pag-compute. Bumaba na kami sa sinasakyang jeepney at tumungo sa malaking building sa may harapan. Nasa tapat na ako ng pintuan ng building nang mapabuntong hininga ako. Mahigit na dalawang taon na akong nagtatrabaho at napakasaya ko dahil ngayon araw na ito ang araw na magdadalawang taon. Itinulak ko ang pintuan at pumasok. Nauna na ang kaibigan kong si Winter dahil marami pa daw siyang gagawin.

Pumunta ako sa may elevator. Pumasok ako at pinindot ang 3 dahil sa ikatlong palapag ang room ko. Sasara na ang elevator ng biglang may isang lalaki ang pilit na pumasok kaya naman muling bumukas ang elevator. Matangkad ito at maputi. Naka-toxido ito at mahalimuyak ang bango. Sumara ang elevator at dahan dahan itong umangat. Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaking kasama ko sa elevator. May hawig ito at may tila parang nakita ko na ang lalaki sa harapan ko. Ngunit hindi ko maalala.

Nagbukas ang elevator ng makarating sa ikaanim na palapag. Pero bago pa man magsara ang elevator ay napatingin muli ako. Nakita kong nakangisi ito habang sumasara ang elevator. Hindi ko nalang iyon pinansin at tumungo na sa aking puwesto.

Inilapag ko ang aking bag sa malaking lamesa ng makarating siya. Bumungad sa akin ang computer at ilang mga papel na kailangan kong gawin. Pero biglang nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang salitang grim reaper mula sa mga papel na gagawin ko. Kinuha ko ang article na iyon at nakompirma ko na yun nga ang nakasulat. Biglang bumalik sa aking alaala ang araw na namayapa ang kaniyang lola. Nakaramdam ako ng galit kaya naman nagusot ko ang papel. Napaupo ako at itinype sa computer ang salitang grim reaper.

Maraming lumabas. Nakalagay sa article ko na 'ano ba ang mga grim reaper?'.

'Death, also known as the Grim Reaper is frequently imagined as a personified force, due to its prominent place in human culture. In some mythologies, the Grim Reaper causes the victim's death by coming to collect them. In turn, people in some stories try to hold on to life by avoiding Death's visit, or by fending Death off with bribery or tricks. Other beliefs hold that the Spectre of Death is only apsychopomp, serving to sever the last ties between the soul and the body, and to guide the deceased to the afterlife, without having any control over when or how the victim dies. Death is most often personified in male form, although in certain cultures Death is perceived as female (for instance, Marzanna in Slavic mythology).'

Naalala ko ang sinabi ni tita. Labis na galit ang naramdaman ko na hindi ko maipaliwanag. Halos masira ko na ang keyboard ng computer ko dahil sa galit.

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako sa aking ulo na sumasakit. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito pero denedma ko nalang dahil baka parte lang ito ng araw araw kong tutok sa computer. Kumuha ako ng gamot mula sa aking bag. Kadalasan kasi ay laging sumasakit ang ulo ko nung nakarang araw kaya naman pinawalangbahala ko nalang. Tumayo ako sa aking pagkakaupo ng makainom ako ng gamot.

Pupuntahan ko sana si winter pero isang nagbabadyang pangyayari at biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit pero nagpatuloy lang ako. Bumagsak ako at biglang nawalan ng malay. Pero bago ako mapapikit, nakakita ako ng hulma ng isang tao. Nakasuot ito ng itim ngunit hindi ko makita ang mukha dahil nanlalabo na talaga ang paningin ko. At doon na bumagsak ang talukap ng aking mga mata.

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now