Kabanata 3

649 29 4
                                    

Kabanata 3

What the Heck?

Laking gulat ko ng pagkabukas ko ng ilaw ng bahay  ay nakita ko si Clark, ang Grim Reaper na nakaupo sa sofa at hinihintay ako. Sa tingin ko ay tulog na sina Tiya at yung kambal. At isa pa, sa wakas ay nakarating rin kami ni Winter sa aming bahay. Alam niyo bang 30 minuto na kaming naghihintay doon sa may kanto at buti nalang at may dumaan na jeep.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" Nanggagalaiting sigaw ko bago ako pumasok ng bahay. Hay, ang slow ko talaga, obvious naman kasi kung paano siya pumasok. Soul siya so ano pang ine-expect ko? Kakatok?

Tinaasan ako ng kilay ni Clark bago ito sumagot. "Hoy! Wag ka ngang OA. Hindi ba obvious na isang akong Grim Reaper, kayang pumasok sa kung saan saan, lumusot at makita ang mga itinatago mo sa katawan," pagpapaliwanag niya. Biglang akong napahawak sa pribadong bahagi ng katawan ko. Ewan ko ba, pero feeling ko nababastos ako, alam niyo na, nakakalusot siya sa kung saang pader tapos nakikita niya akong, alam niyo na yun.

"Dont tell me nakita mo na ang mga pribado ko?" Nagaalinlangan sabi ko, nakakahiya kasi. "Oo naman, nakakasawa nga eh," natawa pa si Clark kaya naman sinunggaban ko ito ng batok. Namumula tuloy ako, feeling ko mukha akong kamatis o di kaya'y nakakain ng isang daang sili. "Walang hiya ka talaga at nakakasawa talaga ang balingkinita kong katawan ha? Hindi ko alam kung anong gagawin ko sayo, sino ka ba talaga? At akalain mo nga naman, makikila ko ang isang hudas na katulad mo." Pagmamaldita ko sabay pameywang.

"Niloloko lang naman kita, wag mo naman seryosohin at saka correction, hindi ako hudas! Anghel ako." natawa muli siya.

"Oo, anghel ka. Anghel ka noon dahil ngayon binagsak ka sa lupa dahil makasalanan kang tao. No offense ha, loko ka kasi, nakakairita ka." biglang napadabog ako at dali daling tumungo sa kwarto ko. Ewan ko ba, naiinis talaga ako, dis-oras na ng gabi ay mukha pa niya ang huling nakita ko. Pero bago ko pa man mabuksan ang pintuan, nagdadalawang isip ako kung papasok ako roon. Baka kasi naroon ang asungot na ulagang Grim Reaper na iyon at lokohin na naman ako.

Hawak ko na ang doorknob ng pintuan ng kwarto ko ng bigla akong nagulat mula sa sigaw ni Tiya. Hay, gising pa pala si Tiya. Bakit kaya? Gabi na masyado eh.

"Ariela! Nandiyan ka na ba? Kumain ka muna." sabi ni Tiya. Napabuntong hininga ako ng napakalalim bago bumaba ng kwarto ko. "Nariyan na po." sigaw ko.

Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko si Tiya na kumakain pati na rin ang kambal na si Andrea at Andrei. Gaya ng nakagawian naming maganak ay hindi magsisimulang kumain ang isa hangga't hindi pa kompleto. Hay, napaghintay ko pa sila ng matagal. Kumuha ako ng plato't kutsara bago kumuha ng kanin tapos kumuha na rin ako ng ulam naming piniritong tilapia at adobong manok. Ipinagkuha ko na rin sila ng maiinom na tubig sabay upo.

"Kamusta naman ang trabaho mo, baka nagpapakahirap ka ha, sabihin mo lang kung hindi mo na kaya at ako na ang magaaruga sa inyong tatlo." wika ni Tiya sabay kain.

"Naku, Tiya wag na po, ako na po ang magtatrabaho para naman may maibahagi naman ako sa inyo sa pagaaruga niyo sa akin at saka po okay lang naman po ako sa trabaho ko, sorry nga po pala dahil dis-oras na kayo nakakain dahil sa akin." Paghingi ko ng paumanhin. Hindi ko masabi kay Tiya na may taning na ang buhay ko. Alam kong masasaktan sila kaya naman hindi ko nalang muna sasabihin. Alam ko rin na patitigilin nila ako at ipapa-theraphy. Alam kong mahal iyon at hindi naman iyon kaya, kaya naman bago ako sumalangit ay gagawin ko muna ang mga bagay na hinding hindi ko nagagawa. Ngunit kailangan ko rin ito sabihin para sa ikabubuti ng lahat.

"Oh siya, kumain ka lang ng kumain, pupunta lang ako kina Ka Inday, bibili lang ako ng sabon at maglalaba ako." pagpapaalam ni Tiya.

"Naku Tiya, bakit naman maglalaba kayo ng dis-oras na ng gabi, ipagpabukas niyo na po yan." sabi ko.

"Naku, Ate Ariela hindi mo na mapipigilan si Inay, alam mo naman yan, ang sipag sipag masyado." natatawa pang saad ni Andrea.

"Naku, konti lang naman ang lalabhan ko, magpatuloy ka na diyan sa pagkain at para makapagpahinga ka" bilin ni Tiya at umalis na para bumili.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na ako sa pagkain, Ako na lamang at si Andrea ang nasa hapag kainan habang si Andrei ay naroon sa salas at naglalaro ng kaniyang cellphone. Umiinom na ako ng oras na iyon ng biglang lumitaw ang Grim Reaper sa aking harap na siyang ikinagulat ko.

"Ay! Ina ka ng unggoy!" Nabuhusan pa ng tubig ang suot ko. Napansin naman iyon ni Andrea na nagbabasa ng pocket book habang kumakain. Napataas kilay itong pinagmasdan ako.

"Ate, anong nangyari sayo?" nagpipigil ng tawa si Andrea ng mga oras na iyon. "Naku may dumaan lang na pusa!" Pagsisinungaling ko.

"Pusa? Wala naman tayong pusa eh." natatawa muli siya. "Naku kumain ka na lamang diyan para maligpit na ito." pagbabago ko ng usapan.

"Naku, magpahinga ka na Ate at ako na ang magliligpit nito," saad ni Andrea at nagpatuloy sa pagbabasa.

Wala na akong nagawa pa kundi ang magpahinga. Ilan araw na rin kasi akong duty sa trabaho at pasabay sabay pa ang aking malubhang sakit. Sa ngayon ay nasa tapat muli ako ng aking kwarto. Napabuntong hininga ako at saka binuksan ang pintuan. At gaya ng inaasahan ko ay nakita ko ang Grim Rwaper na nakahiga sa aking malambot na kama.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito at bakit mo hawak ang bra ko?" Nangagalaiting singhal ko. Natawa si Clark at binitawan ang hawak na violet na bra. What the? Saan niya nakuha ang gamit ko? Ang taong ito talaga! Ginagalit niya talaga ako kahit kailan. Kahit na kanina lang kami nagkakilala.

"Hi bebe ko!" pangiinis na sabi niya. Bwisit, ulaga at may sapak na nga! Pakialamero pa! Stupidong loko. May pa endearment pang nalalaman. 'Bebe ko'? Ano ako? Bibe? Sapak gusto niya?

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now