Kabanata 12

331 23 0
                                    

Kabanata 12

Ferris Wheel

Third Person's POV

"Buti nga nagkaroon ka pa ng boyfriend na katulad ko while you're dying" saad ni clark.

"Wow ha! At ang lakas naman ng tama mo! Hoy, hindi porket gwapo ka, ibara ko yang ulo mo sa inidoro eh" singhal ni Ariela.

"Alam mo putak ka ng putak naiwanan ka na ni Kai" wika ni clark.

"Ewan ko sayo! Siraulo ka" muling sigaw ni Ariela.

"Balik sayo" wika ni Clark.

Hinabol na ni Ariela si Kai na mabilis na naglalakad patungong ferris wheel. Nang maabutan nila ito ay bumili pala ito ng tatlong ticket para sa kanila.

"Hoy! Tara na sumakay, sayang yung ticket oh" saad ni kai.

"Sige ikaw nalang ate kai" wika ni Ariela.

"Huh?"

"Takot ka lang kasi Babe, tara na kasi, duwag" pagyayaya ni Clark.

"Sinong duwag" hinablot ni Ariela ang ticket mula sa palad ni kai at mabilis na sumakay ng ferris wheel. Habang umaangat ang ferris wheel ay hindi na matapos ang sigaw ni Ariela. Wala pa sila sa tuktok ay halos mapaos na siya kakasigaw.

"Ariela, ang ingay mo naman" nakatakip tainga si Kai habang iritang binigkas ang mga salitang iyon.

Tinakpan naman ni Clark ang bibig ni Ariela kaya naman natahimik rin ang paligid. "Ano ba, ang baho ng kamay mo" tinagtag ni Ariela ang kamay ni Clark na nakatakip sa kaniyang bibig.

"Wow! Mabaho, kapal! Hoy naghuhugas ako palagi hindi katulad mong once a week" natawa naman si clark. "Letche! Sinungaling ka talaga kahit kailangang unggoy ka" wika ni Ariela at piningot ang tainga ni clark.

"Alam niyo, Ang sweet niyo! Bagay na bagay kayo" kinikilig na saad ni Kai. Natigilan silng dalawa. Binitawan ni Ariela ang tainga ni Clark at inayos ang upo.

Napabaling ang tingin niya sa may bintana kung saan nakikita niya ang magandang paglubog ng araw. Napakaganda. Napatingin narin sina Kai at Clark. Minsan lang niyang napagmamasdan ng maayos ang sunset. Ngayo'y naluluha siya dahil sa ganda nito.

Agad na nataranta si Ariela ng biglang mamatay ang ilaw na kanilang kinauupuan. Tumigil ang pagikot ng ferris wheel kaya naman hindi na mapakali si Ariela. At ang tanging nagpapakaba sa kaniyang damdamin ay kasalukuyang na-stranded silang tatlo sa tutok ng Ferris wheel.

"Whaaaaaah~ Jusko, Ang dilim! Letche" sigaw ni Ariela.

"Ariela umayos ka nga" saad ni clark.

Napayapos tuloy si Ariela sa braso ni clark. Inihiga niya ang kaniyang ulo sa balikat nito at pinakiramdaman ang pagtibok ng puso ni clark.

"Naalala ko na takot nga pala si Ariela sa mga matataas" wika ni kai at napahalakhak pa.

Natawa narin si clark ng hindi pahalata. Nairita naman si Ariela kaya naman tumayo siya. Pero napaupo siya at napasigaw dahil umuga ang sinasakyan niya. Halos hinuhugot ang kaniyang puso at atay habang nakaupo sa pinakatuktok ng ferris wheel. At ang masaklap, mukhang aabutin sila ng paumaga dahil sa tagal.

"Ayoko na! hindi na aabot ng 24 days ang buhay ko, baka ngayon matigok na ako" natatarantang saad ni Ariela.

Napatingin ng masama si kai. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya. Nagkatinginan silang tatlo. Nawala ang kaba ni Ariela dahil dumapo naman ang takot na maaaring maramdaman ni kai kapag nalaman nito ang malubha niyabg sakit.

"Ano, kasi,... May sakit ako, at may taning na ang buhay ko" malungkot sa sambit ni Ariela. Napaiyak si Kai kaya naman napayapos siya rito. "Bakit nangyari to sayo? Ang bata mo pa para mawala sa mundong ito" naiiyak na saad ni kai.

"Mami-miss kita ate kai" malungkot na saad ni Ariela. Biglang bumalik ang ilaw mula sa sinasakyan nila at dahan dahang gumalaw ang ferris wheel. Pinawi ni ariela ang mga luha sa kaniyang mga mata. Hinawakan ni kai ang kamay ni Ariela.

"Mami-miss rin kita" naluhang saad ni kai.

___😇___

"Salamat ate kai, sa paghatid, see you tomorrow" pagpapaalam ni ariela.

"Welcome, basta clark alagaan mo si Ariela ha! Deserve mo siya" saad ni Kai

"Ikaw talaga ate kai palabiro" wika ni Ariela.

"Oh siya ate kai ha" dugtong ni ariela at mabilis na pumasok ng bahay niya.

"Ang emo!" Saad ni clark ng makapasok sila sa loob ng bahay.

"Bwisit kang clark ka" wika ni Ariela pero nagulat siya na bigla itong naglaho na parang bula.

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now