Chapter 1

11.7K 339 60
                                    

Chapter 1My Normal Everyday



Saktong hinihilot ko ang sentido ko ng may matanggap na mensahe sa messenger.


I need your service again


Gumuhit agad ang ngiti saking mga labi nang mabasa ang request ng isa sa mga madalas kong kliyente.


Can you give me the details Madeline?


For awhile I saw three dots bouncing on the chat box. Mukhang mahaba-haba ang isinusulat ng babaeng kausap ko.


A party in a bar tomorrow at 7 pm, hosted by my ex. I need you to look sophisticated and classy. I want you to get everyone's attention. I want you to make my ex realize that he's not big of a catch. Gusto kong manliit siya laban sa'yo Rowan, if that's even your real name.


Muli akong tumipa sa keyboard ng laptop.


I don't see any problem with that.


Nakapangalumbaba na ko at medyo nakakaramdam na ng antok. Katatapos ko lang rin kasing pagpuyatan ang project na ipapasa ko bukas.


Good. I'll be expecting you on my doorstep at exactly 6 pm.


I yawned after seeing her message and before typing my answer.


Consider our deal sealed.


Matapos 'yon ay pinatay ko na ang laptop at isinara. Pabagsak kong inihiga ang sarili sa kama. Ilang segundo lang ay nilamon na ko ng antok.


Kinaumagahan, gaya ng pangkaraniwang araw ay pumasok ako sa unibersidad at nanatili ro'n tulad ng isang normal na estudyante. Pasalamat na lang ako at natapos ko ang project ko ng tama sa oras kahit pa madalas akong abala sa pagtatrabaho. Bihirang mabakante ang araw ko.


Alas sais ay nasa tapat na ko ng pinto ng isang malaking mansyon. Ang bahay ng kliyenteng nakatakda kong pagsilbihan ngayong gabi.


"Good evening my lady," bati ko sa babaeng papalabas ng pinto. I held her hand and carefully guided her down the steps.


She flashed a satisfied smile. "I like your glasses it made you look slick at the same time hot..... hot like the usual," she said while gently tracing her finger from my cheek to my chin.


"I'm honored to have suited your taste."


Iniwan niya sa kamay ko ang susi ng kotse, habang ang ilang papel na pera ay pasimple niyang isinuksok sa bulsa ng suot kong coat bago pumasok sa pintong binuksan ko para sa kanya.


Ilang minuto lang ay narating na namin ang bar na pagdarausan ng party na tinutukoy niya kagabi. My work started as soon as her red stilettos thumped against the parking lot's solid ground.


Kung kanina ay sa kamay ko lang siya hinawakan ngayon ay sa baywang ko na siya kinapitan para maigiya papasok. The noise toned down a bit just as people noticed us coming in. Mahinang tugtog ang pumapailanlang habang umaalingawngaw naman ang mga bulungan.


"You're really an eye-catcher," bulong niya sakin habang pinagmamasdan ang mga matang hindi maipagkakailang titig na titig nga sa akin.


Bahagya kong inilapit sa tainga niya ang mga labi ko. "Seems that I'm fit to stand beside Gatchalian's precious heir."


Nang makabawi, ay nagpatuloy na sa kani-kanilang usapan ang mga tao sa paligid. Lahat sila ay may kanya-kanyang baso na may lamang alak. Lahat sila ay galing sa mayamang angkan.


Part-time BoyfriendWhere stories live. Discover now