Chapter 3

4.1K 187 54
                                    

Chapter 3Interesting Request


Gaya ng inaasahan pagpasok ko ng classroom, ay may kape na naman sa lamesa ko pero wala na 'tong kasamang sulat. Kinapa ko ang iniwan kong papel sa ilalim ng upuan kahapon ngunit wala na rin 'yon. Now the person doing this really got me curious.


Kasalukuyan kong nilalakad ang kalyeng patungo sa Ferrell U. Hiniling kasi ni Sabrina na kotse niya muna ang gamitin namin ngayong araw, kaya hindi na ko nag-abalang hiramin ang motor na palagi kong ginagamit para sunduin siya. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa gate ng unibersidad ng may lumipad na ilang piraso ng papel sa nilalakaran ko, na tumakip pati sa mukha ko. I was about to take it off my face when a hand suddenly pulled the paper away.


Isang hinihingal na babae ang yumukod at dinampot ang natitirang mga papel sa semento bago walang salitang tumayo lang sa harapan ko. She's staring straight at me without any expression on her face.


Napaisang hakbang ako paatras ng itaas niya ang kamay na para bang balak hawakan ang pisngi ko. "May papel sa sumabit sa hood ng jacket mo," sabi niya pagkatapos hablutin ang tinutukoy mula sa gilid ng leeg ko.


She's the second one to make me feel wary about being touched by a woman. I can even hear my heart pounding frantically because of her simple gesture.


Iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay naglakad na papasok sa unibersidad. She's the same girl I saw yesterday. The girl that looked so familiar. Who is she?


Kalmado na ko nang maglakad na rin papasok sa F.U. Siguradong mawawala rin sa isip ko ang pagnanais na kilalanin kung sino ang babae. Si Sabrina lang dapat ang nag-iisang babae na laman ng isip ko ngayon.


"Stop it Justin. Tapos na tayo!"


"Wala kang karapatang umayaw. Ako lang ang pwedeng magsabi kung kailan tayo pwedeng matapos."


Iyon ang eksenang naabutan ko nang makarating sa parking lot. Patakbo ko silang nilapitan at pwersahang inalis ang kamay ng lalaki na mahigpit ang pagkakahawak sa braso ni Sabrina.


Nahuli kong naluluha na ang mga mata ni Sabrina bago ko siya ipinuwesto sa likuran ko. "Don't worry. I'm already here." Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagkapit sa jacket na suot ko.


"Mas pipiliin mo pa 'yang gagong 'yan kaysa sakin?" galit na sigaw ng lalaki sa harap namin. "Bibigyan kita ng rason para baguhin ang desisyon mo!" Sa bilis ng kilos nito ay hindi ko nailagan ang suntok niya na tumama sa panga ko. 'Di hamak na mas mabilis siya kaysa sa ex boyfriend ni Mads.


"R-Rowan," nag-aalalang saad ni Sabrina. Mas lalong nadagdagan ang butil ng luha sa mga mata niya.


It's been years since I stopped involving myself in fights. Sa sobrang tagal ko ng hindi nasasangkot sa gulo ay bumagal na ang reflexes ko.


Idinura ko ang dugo na nalasahan sa bibig ko. "I'm okay babe." Dahan-dahan kong inalis ang pagkakahawak ni Sabrina sa lugar kung saan ako natamaan. "Move farther back. I don't want you to get hurt."


"Tama na Rowan, sabihin na lang natin ang—"


"Shhhh handa akong mabugbog h'wag ka lang bumalik sa kanya. I'll fight for you." Tuluyan ko nang binitiwan ang kamay niya bago mahina siyang itinulak papunta sa likod.


"Walang makikialam ha. Akin 'to." At saka ko lang napansin na may iilang kasama ang lalaki na nakatayo at nakapalibot samin.


May kalakihan ang katawan ng kalaban ko at bukod sa tattoo niyang ahas sa braso ay may mga peklat din siya sa ilang bahagi ng katawan. Sign that brawls and pain has been a part of his life. Pero hindi lang naman siya ang nag-iisang gano'n ang naging buhay.


Part-time BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon