CHAPTER 2

10.5K 232 6
                                    


SIMOUN SHUT DOWN HIS COMPUTER. Sumulyap siya sa orasang pambisig. Alas-otso na pala.

Kung tutuusin ay maaga pa iyon para tapusin na niya ang trabaho niya. Usually, alas-nueve siya umaalis ng opisina kapag weekdays. Pero may kausap siyang isang stage actress na siyang napili niyang gumanap bilang pekeng fiancee na dadalhin niya sa Isla Fuego next month.

Naisip kasi niyang mas makakabuti kung hindi isa sa mga babaeng nakaka-date niya ang kakausapin niya. Malamang mas magka-problema pa siya dahil posibleng isipin ng mga iyon na samantalahin ang pekeng engagement niya sa mga ito.

Hindi pa naman niya masabi kung hanggang kailan niya kakailanganing magpanggap na engaged siya para mapigilan ang pangingialam ng lolo niya sa pribadong buhay niya.

The women he usually date and go to bed with may think to take things seriously. And the last thing he wanted was a woman crying foul to him in case he did not really

marry her. Ang plano kasi niya oras na makumbinsi na niya ang lolo niya na engaged na nga talaga siya sa babaeng pinakamamahal niya ay magsagawa ng masalimuot na

pakikipaghiwalay sa fake fiancee niya.

Magkukunwari siyang masyadong nasaktan sa kunwari ay pang-iiwan muli sa kanya ng isang babae. Aarte siyang masyado nang na-disillusion sa mga babae at seryosong relasyon.

Nang sa gayon ay hindi siya pilitin ni Lolo Nemo na maghanap na naman ng panibagong pakakasalan. Tulad ng ginawa nito noong maghiwalay sila ni Camille noon. Tinantanan siya nito sa pangungulit nito at pamimilit maghanap ng babaeng seseryosohin.

Dinampot niya ang coat niya mula sa back rest ng upuan niya. Isinuot niya iyon bago bitbit ang attache case niya na lumabas ng opisina niya.

Subalit habang naglalakad siya patungo sa elevators ay naulinigan niya ang pamilyar na boses ng babae mula sa isa sa mga opisina. Kunot-noong humakbang siya patungo doon.

NAG-IINAT NA TUMAYO SI MENCHIE. Sa wakas, natapos na din niyang i-encode ang dokumentong kailangang ipasa ni Sir Andy bukas kay Sir Simoun. Hihintayin na lang niyang ma-print iyon at

makakauwi na din siya sa wakas.

Kumalam ang sikmura niya. Nakatitig sa orasang alas-otso na ang ipinapakitang oras na tinapik-tapik niya ang

umaangal nang tiyan.

''Sorry, konting hintay na lang at kakain na tayo. Pag na-print na ito, uuwi na tayo," kausap niya sa sarili.

Dahil siya na lamang ang natitira sa opisina nila. Kanina pang ala-sais nagsiuwian ang mga kasamahan niya. Tanging siya na lamang ang naiwan dahil ipinahabol ni Sir Andy ang mga dokumentong iyon na katatapos lang niyang gawin.

''Do you always talk to yourself?" biglang tanong ng baritonong boses ni Sir Simoun mula sa nakabukas na pinto ng silid.

Gulat na napalingon siya dito. Napasapo siya sa dibdib na biglang kumabog. Patapos na ang araw na iyon at natitiyak niya, kung titingin siya sa salamin ay makikita niya ang sariling hulas na at mukha nang basahang piniga.

Pero ito, animo bagong paligo pa rin ang dating. Maayos

na maayos pa rin ang suot nitong suit, diretso pa rin ang pagkakasuklay ng itim na itim na buhok at napakagwapo pa rin ng mukhang animo bagong ahit.

Aseron Weddings-Anywhere For YouWhere stories live. Discover now