CHAPTER 4

8.2K 185 0
                                    


SIMOUN FELT all kinds of fool as soon as those threatening words were out of his mouth. At nang makita niya ang tila pangingilid ng mga luha sa magagandang mata ng dalagang kaharap ay agad niyang

ninais bawiin ang mga sinabi.

Bakit nga ba niya ito pipilitin sa gusto niya kung malinaw na hindi ito sang-ayon sa binabalak niya? If he needed any more proof about her inherent honesty and trustworthiness, this was it. Ang punong dahilan kasi nito kaya ayaw nitong pumayag ay dahil ayaw nitong lokohin nila

si Lola Dorinda.

Para na rin daw pagtatraydor iyon sa mabait na matandang nagbigay dito ng magandang trabaho. Dahil tuloy doon, bahagya din siyang nakadama ng guilt sa binabalak niya. Pero mas lalo din siyang nakumbinsi na ito ang pinakamatang kandidata para maipakilala niyang fiancee niya sa lolo niya.

The old man would definitely like her. At tiyak, mabilis pa sa pagkurap na babaguhin nito ang opinyon nito na si Camille ang nababagay sa kanya.

Alam niyang malaki ang atraso niya sa dalaga. But needs, must, ika nga. Babawi na lamang siya dito sa ibang

paraan.

Isang talunang buntung-hininga ang pinakawalan nito.

At sa mga mata nito ay naroon ang pagtanggap. Marahang tumango ito.

"Great! Here. Wear this. It used to be my mother's ring," aniya nang dahan-dahang isuot sa daliri nito ang singsing.

Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang singsing. Namilog ang mga labi sa paghanga.

"Ang ganda! P-pero hindi ka ba nakokonsensyang ginagamit mo ang singsing ng mama mo sa pekeng

engagement na ito?" kastigo nito sa kanya.

Pinukol pa siya nito ng masamang tingin bago muling ibinalik ang namamangha nitong tingin sa singsing.

Napangiti sa nakikitang pagkagusto nito sa singsing na tumango siya. Yes, she is indeed perfect. Camille hated his mother's simple ring. At dahil doon batid niyang nadismaya din ang tradisyunal na lolo niya. Pero ngayon, makikita nito sa daliri ni Menchie ang singsing ng kanyang ina. And if that does not convince the old man of his engagement, then nothing will!

"It looks beautiful on you," aniya.

Kagyat namang namula ang buong mukha nito. Dahil doon, natukso tuloy siyang gawin ang isang bagay na hindi niya binalak gawin nang maisipang ibigay dito ang singsing. Marahang sinapo niya ang baba nito at iniangat ang mukha nito. Namilog sa gulat at panggigilalas ang mga mata nito nang mahulaan ang gagawin niya.

Lumapat sa dibdib niya ang mga kamay nito. Nagtatangkang itulak siya palayo. Pero hindi niya alintana iyon. Dahil bagamat itinutulak siya ng mga kamay nito, inaanyayahan naman siya ng mga mata nitong hindi nito maialis sa papalapit na ditong mga labi niya.

He kissed her. Gently at first. But at the first touch of

his lips against hers, he knew he could not be gentle for

long.

Dahil nanghihingi ng mas malalim na pananaliksik ang tamis at init na natagpuan niya sa mga labi nito. Sinapo niya ng isang kamay ang likod ng batok nito habang ang isa pang kamay niya ay masuyong humahaplos sa kaliwang pisngi nito. Kinailangan niya iyong gawin dahil bagamat nararamdaman niya ang pagnanais nitong tugunin ang halik niya, salat naman ito sa kaalaman kung paano gagawin iyon.

Aseron Weddings-Anywhere For YouWhere stories live. Discover now