CHAPTER 3

9.1K 202 4
                                    


PAKIRAMDAM NI MENCHIE ay nalanghap na niya ang lahat ng oxygen sa mundo at naibuga ang eighty percent ng carbon dioxide sa loob ng building nila sa dami ng beses niyang nag-inhale-exhale bago kumatok sa nakapinid na pinto ng opisina ng amo nila.

Sinabihan na siya ng sekretarya nitong si Mrs. Vanza na pumasok. Kanina pa daw siya hinihintay ng amo nila. Pero imbes na pabilisin siya ng kaalamang iyon, mas lalo lang siyang pinabagal niyon sanhi ng matinding kaba niya. Heto na, sesesantihin na talaga siya ng lalaki.

Dapat pala ay iniligpit na niya ang mga gamit niya kanina. Hindi nga nito diretsahang sinabing hindi lang nito hindi ibibigay ang hinihiram sana niyang pera dito, kundi sesesantihin na rin siya nito. Pero batid niyang iyon na rin ang ibig sabihin ng huling bilin nito matapos siyang ihatid sa bahay niya kagabi.

"Think about it, Menchie. It's something a lot of other women would kill for. Ang tanging gagawin mo lang ay magpanggap na mahal mo ako sa harap ng pamilya ko at ng ibang tao. Pinakamatagal na ang isang taon," giit nito nang piliting sumunod sa kanya hanggang sa loob ng bahay niya kahit pa nagpaalam na siya dito sa gate pa lang.

Nuknukan talaga ng arogante! Basta hindi nito gusto ang naririnig, hindi pinakikinggan!

"Isang taon?! Isang taon mo akong pipiliting manloko ng mga tao tungkol sa ating dalawa? Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang sa lolo mo na ayaw mo na sa Camille na iyon at malayo sa plano mo ang pag-aasawa?!" aniya dito.

"Mas matigas pa sa marmol ang ulo ng lolo ko. Do me this favor and I will not only give you that money you need, dadagdagan ko pa iyon bilang kabayaran sa gagawin mong pagpapanggap. At lahat ng matatanggap mo mula sa akin habang fiancee kita ay iyo na kahit matapos na ang palabas natin."

"Hindi ko kayang manloko ng tao, lalo na sina Lola Dorinda at mga kapamilya ko!"

"Lola Dorinda will be ecstatic. Matagal ka na niyang inirereto sa akin. As for your family, they don't need to know, do they? Nasa malayo naman sila."

"At sa tingin mo ay hindi sila gugustuhing makaharap nina Lola Dorinda kapag sinabi mo sa pamilya mong engaged na tayo?!"

"We will deal with that later. Besides, you will be doing this for them, remember? Gusto kong sabihing pwede mong aminin sa kanilang palabas lang ito pero delikado kung mas

marami ang makakaalam ng kasunduan natin."

"At natitiyak kong hindi rin sila papayag! Lalo na kung malalaman nilang dahil sa pambayad sa utang kaya ko ginagawa ito!"

"Then just don't tell them the truth. Kapag natapos ang palabas natin, saka mo na lang aminin sa kanila ang totoo.''

''Hindi! Ayoko!''

''Then say goodbye to that money you're asking me to lend you."

Mulagat na napatitig siya sa pormal na pormal nitong anyo.

"Pero---pero..."

"Take it or leave it, Menchie."

Iyon lang at nilisan na nito ang bahay niya.

"Alam mo ba kung anong oras na, Menchie? Kaninang ten o' clock pa kita ipinapatawag!" agad na pambungad salita nito nang lumitaw ang nag-aalinlangang pigura niya sa pinto ng opisina nito.

Aseron Weddings-Anywhere For YouWhere stories live. Discover now