KABANATA V

172 29 0
                                    

ZACHARY HERNANDEZ

Hindi ko maintindihan...
Bakit si Miracle nakikita at nahahawakan ako?

Bumalik ako sa kwarto kung saan nakahiga ang katawan ko... Walang niisang bisita o kamag-anak na dumalaw. Alam kaya ni Mommy na nandito ako? Nasa States kasi ito at doon nagtatrabaho...
Si Sheena kaya? Nakaligtas kaya siya?

Sinubukan kong hawakan ang katawan ko... Bakit di ko mahawakan?

Babalikan ko sana si Miracle pero nakita ko na maraming nurse at doktor sa kwarto niya.. Gulong gulo ako!

Sinubukan kong hanapin ang iba... Pero wala sila... Kahit anong pilit kong kausapin ang ibang nurse at pasyente eh di nila ko nakikita...

Lumipas ang buong magdamag... Gabi.... Umaga... Naghihintay lang ako at nagbabakasakali na makabalik sa katawan ko.

May dumalaw naman sa akin... Ilan sa mga kaibigan ko... Nalaman kong marami sa amin ang hindi pinalad na mabuhay... Lalo na si Sheena...

Dahil doon mas lalo akong nawalan ng pag-asa... Kasalanan ko... Oo... Sinisisi ko ang sarili ko...

Pinagsisihan ko na dinamay ko pa siya sa pesteng pustahan na yun! Damn! Because of my ego namatay ang Girlfriend ko...

Napaisip ako... Hindi pwedeng ganito lang ako... Siguro matutulungan ako Miracle...

Nakita kong lumabas ng kwarto niya ang doktor niya, maya maya ang mga magulang niya... At huling lumabas ang ate niya... Ayokong magpakita sa kanya na may ibang tao... Magtataka lang siya kapag nabanggit niya ko o kaya naman baka matakot siya kapag nalaman niya ang totoo...

*Knock *Knock

"Bukas yan. Pasok! " rinig kong sabi niya....

"Hi! " bati ko sa kanya.

"Zach! Kamusta? Anong ginagawa mo dito? " nagtataka pero halatang masaya siyang makita ako.

"Binibisita ka." Isinara ko ang pinto.

"Wow... Ganyan pala itsura mo kapag may buhok ka... You look beautiful. " mukhang maganda din siya kung magkakalaman laman siya at di maputla ang kutis...

"Thank you... Hehehe bigay toh ni ate." tukoy ni Miracle sa Wig niya.

"Wala ka palang bantay sa gabi.. Okay lang sayo? "

"Sanay na ko... Ikaw? Allowed pala na may bisita ng ganitong oras... " napalingon pa siya sa orasan malapit sa kanya... 10pm.

"Ano... Ano kase... Oo allowed yun, diba kahit isang bantay lang sa gabi.... Lalo na kung bata yung pasyente... " may pagtataka pa siyang tinitigan ako.

"Diba sa baba yung pedia... Bata ba yung pasyente dun sa kabila?" PATAY! Mukhang kabisado niya yung pasikot-sikot dito.... Hmmmmm Oo nga pala 17years na pala siya dito sa Hospital.

"Ahh OO..." natahimik ako... Di ko alam kung anong palusot ang sasabihin ko... Tsaka di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung kalagayan ko.

"Zach... Mahilig ka ba sa Diary? Or nagsusulat ka ba ng Diary? " seryosong tanong ni Miracle...

"Hmmm... Hindi eh... Wala naman kasi akong isusulat. Tsaka ano bang isusulat doon?" di naman ako mahilig magsulat... At di ko din hilig na magbalik tanaw sa nakaraan...

The BAKIT List [UNEDITED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora