Chapter 2

5.2K 125 1
                                    

"Nariyan ka na pala," salubong kay Nicka ng may-ari ng apartment na tinutuluyan niya. Kasalukuyan itong nagdidilig ng mga halaman sa bakuran nang abutan niya.

Kauuwi niya lang matapos madischarge sa ospital at matapos ang paghaharap nila ni Oscar. Kahit kahapon pa siya pwedeng umuwi, minabuti ng doktor na pag-stay-in muna siya roon para maobserbahan at para ma-cover ng health card niya ang expenses. Ganoon daw kasi ang policy.

Tiningnan niya ang babae. Sa kabilang pinto ito nakatira. Natatandaan niya ito. Aling Mila ang pangalan nito. Matagal na silang nakatira ng Ate niya sa bahay na pag-aari nito.

Tinanguan niya lang ang matanda. Wala sana siyang balak na kausapin ito. Kaya lang bigla niyang naalala na wala siyang susi para makapasok sa loob. Tanging ang wallet niya lang na isinoli ng hospital staff ang dala niya. May cash doon at mga valid ID, pati na rin health card.

"Aling Mila, pwede ho bang makahiram ng duplicate key para makapasok ako sa loob?"

Nagtatakang napatingin ito sa kanya. "Nakalimutan mo na bang nitong huli ay diyan mo na tinatago sa ilalim ng paso ang susi mo?"

Nahilot niya ang sentido niya para maalala ang tungkol sa taguan ng susi. Ngunit walang nagregister na kahit ano sa utak niya. Wala siyang matandaan.

"Pasensya na ho. Naaksidente ho kasi ako kaya marami akong hindi natatandaan."

"Iyang noo mo nga agad ang napansin ko pagdating mo pa lang. Nahiya lang ako na magtanong." Itinigil nito ang ginagawang pagdidilig at lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba?"

"Maayos naman ho. Narito ho ba si Ate Nancy? Hindi niya pa ho kasi alam ang nangyari sa akin." Luminga siya.

Nagbabakasakali siya na naroon ang nag-iisang kapatid niya. Ito na lang ang maaasahan niya ngayon. Sigurado siyang alam nito ang lahat ng kwento ng buhay niya, maging ang kaliit-liitang detalye. Ganoon sila ka-close.

"Marami ka nga yatang nakalimutan. Hindi mo ba natatandaan na nag-away kayo ng kapatid mo?"

"Ho? Kailan pa ho? Ano ho ang pinag-awayan namin?" Hindi na yata mauubusan ng mga panggulat sa buhay niya. Kung mahina ang puso niya, baka kanina pa siya inatake.

Nakikisimpatiya ang tingin na ipinukol sa kanya ni Aling Mila. "Hindi ko alam ang detalye. Basta ang narinig ko lang, nagsisigawan kayo. Ilang buwan na rin ang nakakaraan. Pagkatapos ay nakita ko na lang siya na nag-empake at umalis. Teka, hindi mo rin natatandaan iyon? Buti at ako'y naaalala mo pa."

"Ang dalawang taong nakalipas ho ang nakalimutan ko," maiksing paliwanag niya. Sa posisyon niya ngayon, siya ang nararapat na recipient ng information. Hindi ngayon ang panahon para siya ang maging feeder ng information sa matanda.

"Ganoon ba? Ikinalulungkot ko." Halatang bukal sa loob ng babae ang sinabi nito.

"Hindi na ho ba bumalik ang Ate ko rito simula nang umalis siya? Nakakaya ko ho bang bayaran ng mag-isa ang upa rito sa bahay? Ang alam ko ho kasi ay share kami sa lahat ng gastusin." Gulung-gulo pa rin siya.

"Hindi na siya bumalik. Ikaw din ay hindi na bumalik dito. Bihirang-bihira ka na lang magpunta rito. Pero binayaran mo ang pang-isang buong taon na upa mo rito. Nag-advance ka kaya hindi ko ito pinapaupahan sa iba," paliwanag nito.

"Saan ho kaya ako nakakuha ng malaking pera para mabayaran ko ang upa rito?"

"Hindi ko rin alam. Hindi naman kayo nag-oopen sa akin ng personal na buhay ninyo."

ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن