Chapter 8

4.8K 113 7
                                    


"This day has marked the achievement of our company -" Naputol ang panimula ng speech ni Oscar dahil may bagay na nakaagaw ng pansin niya.

Biglang nagliwanag ang giant screen sa gilid ng stage. Noong una ay inakala niyang technical error lang iyon kaya sinubukan niyang balewalain.

Kaya lang, hindi pa rin nawala ang liwanag na iyon sa screen. Mas lalo pang naging bright. Nasilaw siya sa dulot na liwanag niyon. Totally distracted na siya.

Sa pag-aakalang ang presentation niya iyon, bumaba siya para bulungan ang lalaking assistant niya na mamaya pa ilabas ang pictures na may kinalaman sa achievements ng kompanya.

"Pero Sir, hindi ako ang naglabas ng pictures na iyan. At hindi iyan tungkol sa kompanya." Sa screen nakatingin ang assistant niya habang nagsasalita.

Sinundan niya ang tinitingnan nito.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. May sumabotahe sa presentation at speech niya! Slideshow iyon. Puro pictures ni Nicka at Ernesto ang naroon. Ang bawat litrato ay may nakalagay na caption. May nakalagay na: Nicka is a real slut. Relationship of Nicka and Ernesto. A gold digger. A prostitute.

Narinig niya ang pag-ugong ng usapan ng mga tao sa paligid. Sa pagkakataong iyon, hindi ang sarili niya ang naisip niya. Si Nicka lang at wala ng iba ang concern niya sa mga oras na iyon.

Wala ang babae sa kinauupuan nito kanina.

Muli niyang inilibot ang paningin niya. Agad niya naman itong nakita. Saglit na nagtama ang mga mata nila. Para itong itinulos sa kinatatayuan nito.

Inutusan niya ang assistant niya na hanapin ang source ng slideshow na iyon. Sa tingin niya ay nakakonekta iyon sa ibang device. Nasa harapan kasi ang LCD projector at laptop at naka-off pa ang mga iyon kaya siguradong nakadistansya ang source noon.

Nang lumipas ang ilang segundo na hindi pa rin nakikita ang source ng paninirang iyon, tumakbo siya patungo sa switch ng kuryente. He had no other choice. Pinatay niya ang buong power supply.

Nanulas sa bibig ng mga bisita ang pagkagulat. Tipikal na reaksyon ng mga tao kapag biglaang nawawalan ng kuryente.

Kahit paano ay nakapag-damage control pa siya. Hindi niya na mababawi ang paninirang nagawa kay Nicka but at least he tried everything to help out.

Nang muling buksan ng hotel staff ang kuryente, wala na ang nakakaasar na images sa screen. Wala na siyang pakialam sa mga tao. Kahit ang tingin ng mga magulang niya na nanghihingi ng paliwanag ay hindi niya pinagtuunan ng pansin.

Hindi pa siya lubusang nakakarecover sa nangyari ay may narinig na siyang nagsalita sa likod niya. "Masaya ba ang sorpresa ko sa inyo, Zapanta?"

Paglingon niya, si Ernesto ang nakita niya. Kahit paano ay inaasahan niya na iyon. Ito ang tiyak na mastermind sa ginawang pagsabotahe kanina kaya siguradong naroon din ito sa party.

"Ganyan ba ang gawain ng mga tulad mong malapit ng mamatay?" Naikuyom niya ang mga kamao niya. He gritted his teeth.

Nagpakawala ito ng nakakalokong tawa. Nakatungkod ito at halatang mahina na. Hindi maipagkakailang may sakit ito tulad ng nabanggit ni Nicka. Pero nag-effort pa rin itong pumunta roon bilang gatecrasher .

"Ganitong kahihiyan ang bagay sa mga taong tulad ni Nicka," nang-aasar na sagot nito.

Nagpanting ang tenga niya nang marinig ang pagbanggit nito sa pangalan ng babae. Hindi niya na napigilan ang sarili niya. Hinawakan niya ito sa kwelyo ng damit nito. Kasunod niyon ay isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa mukha nito.

ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)Onde histórias criam vida. Descubra agora