Chapter 5

4.6K 119 11
                                    


Gustong batukan ni Oscar ang sarili niya. Maghapon siyang hindi mapakali sa opisina niya.

Twenty-four hours na kasing wala sa piling niya ang anak niya. Aminado siyang hindi naman niya round the clock na nakakasama ang anak niya. May trabaho rin siyang kailangang harapin kaya iniiwan niya rin ito sa maid o kaya ay pinapahiram sa parents niya.

Ang hindi niya alam ay kung ano ang pumasok sa kukote niya at nagawa niyang ipagkatiwala ang bata sa salawahang ina nito.

Hindi niya naman talaga pinlano na paglapitin ang mag-ina kaya lang, ayaw niyang dumating ang panahon na magsisi siya. Nabasa niya sa internet article recently na mahalaga na magkaroon ang sanggol ng bonding sa ina nito during the first eighteen months of life. Doon kasi mismo ang emotional development ng bata.

Ngunit alam niya sa sarili niya na hindi lang para sa bata ang ginagawa niya.

Oo, namumuhi siya kay Nicka pero habang nagkakalapit silang muli at habang nakikita niya ang vulnerability nito ngayong may amnesia ito, unti-unting nabubuwag ang moog na inilagay niya sa pagitan nila. Unti-unti ay nababawasan ang hatred niya rito.

Napansin niya rin na sa muling pagpasok nito sa buhay niya, nag-iiba na siya. Madalas niya ng nakakain ang mga salitang nabibitawan niya. Isang sulyap lang kasi sa kanya ng babae ay humihina na ang depensa niya. Ito lang ang tanging babaeng may ganoong epekto sa kanya. Shit! Mukhang siya pa yata ang mahuhulog sa bitag na inilalaan niya sana para rito.

Isang malinaw na ebidensya sa pagiging defenseless niya ang ginawa niyang pag-uwi kahit na nagsabi siya kay Nicka na sa bahay nito sila mag-i-stay.

Sa huling minuto, nag-backout siya. Paano ba namang hindi niya iyon gagawin? Nag-ready na ang babae na mag-breastfeed sa tabi niya. Isang napakalaking tukso ang ganoong view sa katulad niyang normal na lalaki.

Alam niyang siya ang nagsimula niyon pero mahirap palang tapusin. Mas pinili niyang iwasan ang tukso. At least, for now.

Bibigyan niya na lang muna siguro si Nicka ng isa pang araw para makapiling ang anak nila bago siya pumunta sa bahay nito. Isang araw pa ng pananabik na makita at makasama ang mag-ina niya.

Sa ngayon, sapat na para sa kanya ang makausap si Nicka sa cell phone nito. Kukumustahin niya muna ito.

Inabot niya ang cell phone niya. He decided to dial her number.

"Hello." Boses ng isang matandang lalaki ang sumagot sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya. Nagkamali ba siya ng na-dial na numero? Mukhang hindi naman.

"Pwede ko bang makausap si Nicka?" aniya sa kausap sa kabilang linya.

"Wala siya rito. Sino ito?"

"Hindi ba nag-register sa cell phone niya ang pangalan ko?" balik-tanong niya rito.

"Hindi." Then there was long silence. Tila pareho silang nagpapakiramdaman.

Matindi ang kutob niyang si Ernesto San Jose ang kausap niya kahit hindi ito magpakilala. He knew him. Ito ang kalaguyo ni Nicka. Ito ang matandang sinamahan nito.

Nagpaimbestiga siya tungkol sa lalaki nang magsimula pa lang ang hinala niya noon. Later on, mas tumibay ang mga ebidensya. And he confirmed the reality. Sa bahay ni Ernesto tumira ang babae matapos siyang iwan nito. But he didn't know everything about the old man. Maliban sa pangalan, address, business at picture nito, hindi niya na inalam ang buong detalye sa pagkatao nito.

ONLY A MEMORY AWAY (Unedited Version)Where stories live. Discover now