Chapter 21 - Akyat Ligaw

698 16 1
                                    

|Chad's POV|


Pagdating ko sa loob sakto na rin naman na nandirito ang aking pamilya, si dad, sa mama, at si ate... kaya siguro mas maganda sabihin ko na rin.


...


"Hindi ko ba alam kung ano meron pero... natamaan kasi ako eh. Halata yung pagpaparinig niya nung mga araw na yun." sabi ko naman.


"Eh kung ganun edi talagang malala yung epekto sa kanya, kasi hindi naman talaga tungkol yun sa kung ano magagawa ng tao kundi dun sa anong nangyari sa kanya. Siguro may similar na experience siyang naramdaman at kaya naging ganun ang galaw niya." paliwanag naman ni nanay.


"At tsaka kuya, ano ka ba, next time kasi updated ka dapat. Mamaya sa akin pa may masamang loob yun dahil sa ginawa mo." babala ni ate.


"Yun na nga eh. Pero naasikaso ko na rin naman na yun. Sa totoo lang, parang hindi niya nga ako matiis eh." banggit ko.


"Jusko, ano ba pangalan niya?" tanong ni tatay.


"Jaden. Kaklase ko po siya nung high school." sagot ko.


Habang nagpapatuloy ang usapan, nagtungo si nanay sa counter at, "Ahh, eh at least kilala mo na siya. Ano na ba ganap sa inyo?" tanong ni tatay.


"... Ala pa halos. Pero... nakakasama ko na rin naman na siya."


"... Mahal mo?" tanong ni ate.


"Kasi-- kung nakakasama mo tas may nararamdaman pa eh ano pa hinihintay mo? Ligawan mo na. Mamaya may mang-agaw pa." babala ni tatay.


Bumalik naman si nanay na may dalang meryenda, "At tsaka sa pagmamahal, laging may gera diyan. Dapat alam mo kunin yung dapat na sa iyo. For sure, siya rin naman ata ginawa yun. Crush niya kamo ikaw dati diba?" tanong ni nanay sabay pagbaba ng tray ng mga meryenda sa lamesa.


"Siguro nga..." komento ko.


"This week ah. Pasagutin mo na siya at eh parang may kutob akong maaagaw siya." bigkas ni ate.


"Huy, ito naman. Suportahan mo naman kapatid mo." bigkas ni nanay.


Tumawa ng marahan si ate at sinabi, "Basta, kapag inaway mo siya't nagsumbong sa akin, ikaw ang mananagot." sabay ngiti.


"Pero... ano-- este, paano?" tanong ko.


"Edi tanungin mo lang." sagot pabalik ni ate.


"Teka-- may picture ka ba?" tanong ni nanay.


Kinuha ko naman ang aking phone sabay tingin sa aking gallery at ipinakita ang isang letrato, "Ito oh."


Tunay Na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon