Chapter 27 - Pinili

527 15 0
                                    

Ito yung tipikal na date na nararanasan natin, nood pelikula, kakain, maglalaro at mag-k-kwentuhan sa Starbucks. Pero ang napagkwentuhan namin,

"Sinabi ko kay Rafael ang tungkol sa atin." panimula ko.

"Ano sabi niya?"

"Pasalamat at... mukhang naunahan pa nga niya ako eh. Pero tanggap naman niya."

Mabilis na natapos ang usapan na ito at buti nalang madaling nakuha ni Chad ang ibig kong sabihin.

"So... saan na tayo ngayon?" tanong niya ng matapos naming lumabas mula sa aming kinakainan.

"Ikot ikot nalang muna tayo. Tingin tingin." Napunta kami sa iba't ibang parte ng mall at nakasalubong sa isang ice skating area.

"Uy gusto ko rito." panimula niya.

"H-hindi ako marunong." tugon ko naman.

"Talaga? Pwede kita turuan."

"Eh-- wag na ngayon, baka gabihin din tayo. Next time."

"Hmm, sige. Sama natin mga kaibigan natin?"

"Bakit naman?"

"Para may witness?"

"Witness na ano?"

"Na magkasama tayo."

Hindi ko naman mapigilan ang ngiti na nagmula sa aking mga labi, "Ewan ko sa'yo. Tara na nga!"

Tumingin-tingin kami sa department store at sa ibang retail store sa loob ng gusali.

Habang nasa loob kami ay nakakita ako ng isang polo na kulay dark blue na may silver na prints, "Chad." tawag ko.

"Try mo nga 'to." dagdag ko.

Kinuha niya naman sa akin at nagtanong, "Pag sinuot ko ba ibibili mo para sa akin?"

"Kung bagay."

"Bagay na eh."

"Hm. 'Di mo pa nga sinusuot eh."

"Bagay kaya... bagay tayo."

"Jusko! Dali na!" Napangiti muli ako sa kanyang tinig at nakita siyang tumungo sa fitting room.

Habang naghihintay ay tumingin-tingin pa ako ng damit at ilang saglit lamang ay tumungo na ako sa fitting room sakto na paglabas ni Chad ay suot niya ang aking pinili na polo.

"Ano? Okay ba?" tanong niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, hindi ko alam kung may salita pa ba na babagay para magbigay larawan sa nakikita ko. Sinasabi ko na nga ba may fashion sense ako eh!

"M-magkano ulit yan?" tanong ko.

Agad naman niyang tinanggal ang mga butones at hinubad ang damit para makita ang presyo, "Mm... 350 lang."

"Um--" Nilayo ko ang tingin ko mula sa nakikita ko at sinabi, "Sige. K-kunin na natin."

"Hm?" Ramdam ko ang titig ni Chad sa akin at nakita ko rin sa dulo ng aking mga mata ang pag-ngisi niya.

"Sige. Pila ka na, magbibihis lang ako." Inabot niya sa akin ang kakasuot lamang na damit matapos niya itong ayusin.

Nagtungo naman ako kaagad at pumila para bayaran ito.

Pagkabayad ay nagtungo na ako sa labas at sumunod naman si Chad pagkatapos.

Binigay ko sa kanya ang paper bag at, "Suotin mo ah. Sa... susunod na date natin." tugon ko.

"Kung kailan tayo mag-i-ice skating kasama nila? Sige ba." tumango siya sabay bigay ng ngiti sa akin bago kinuha ang paper bag.

Ilang mga pagdaan pa ay naisipan na rin naming umuwi.

Naisipan naming magpahinga sa bahay ko at, "Mano po, tito." agad na bigkas ni Chad pagkita niya sa aking tatay.

Matapos niyang magmano ay nagpaalam siyang gamitin ang aming banyo at pinayagan ko naman syempre.

Habang wala siya ay sabi ni tatay, "Magalang, gusto ko yan."

Natawa naman ako ng marahan at sinabi, "Ah... eh- siguro nga." bilang pagsangpayon sa kanya.

Pagdating namin sa aking kwarto ay naisipan na muna namin magpahinga at, "Talagang Tito kaagad ang talaga mo?" Napatanong ako.

"Bakit? Tayo na rin naman diba?" Tayong niya pabalik sabay ngisi.

"Ewan ko sa'yo. At wag mo na unahan si dad kasi naunahan na niya tayo matagal na. Nasabi ko na nga sa kanya dati pa kung pwede na ba ako magpaligaw, at ikaw pa talaga ang nasa utak niya, 'Si Chad ba manliligaw?' tanong ni tatay sa akin."

Natawa naman ng marahan si Chad at sinabi, "Mukhang ganun na nga. Pero alam na ba niya na tayo na?"

"Sabi ko nga... kahit hindi natin sabihin eh mukhang kuhang kuha na niya yung ideya."

Napa-upo kami sa kama at dahan-dahang humiga at napagpatuloy sa lambing hanggang sa, "Nasabi ko na kay Rafael..." panimula ko.

Tumingin naman siya sa akin at sinabi, "Ang alin?"

"Na tayo na..."

"Bakit? May problema ba dun?"

"... May... may gusto siya sa akin kaso—"

Bago pa ako makasagot ay munting hinigpitan ni Chad ang kanyang yakap at, "Ako ang pinili mo..."

Napatango na lamang ako't ininalot pa ang aking sarili sa kanyang mga braso sa yakap.

"Mahal na mahal kita, Jaden. Sobra..." Nakaramdam ako ng ilang mga maiinit na patak ng kuha sa aking  noo at nakaramdam ng munting halik dito.

"Ako rin, Chad... ako rin..."

Nang siya'y tumahan ay, "Pero... si Lawrence ba?" tanong niya.

"H— hindi ko oa nasasabi..."

"Kailan mo balak?"

"Um... pag— ano... nagkaroon ng pagkakataon..."

"Hihintayin mo pa ba yung pagkakataon na yun...?"

Natahimik ako sa kanyang sinabi hanggang sa may kumatok sa pinto,

"Anak, may dala ako ritong juice baka gusto niyo?" boses ni tatay ang aking narinig mula rito.

Pinapasok ko si tatay matapos ko siyang pagbuksan at nakita rin namin na may ilang biscuit at palaman sa mga plato na nasa tray.

"Salamat, 'tay." At umalis na si ama matapos ibaba ang tray sa malapit na lamesa.

Nang magsara ang pinto ay, "Hindi mo oa nasasagot yung tanong ko, Jaden..."

"Ah... ano— pag— um... t—try ko siya kausapin sa tamang oras..."

Tumango si Chad at, "Tama nga... basta sabihan mo ako kapag may nangyari ah...?"

Tumango ako pabalik at tumabi sa kanya matapos uminom mula sa baso ng juice.

Napasandal ako sa kanyang braso at, "Sana lang walang mangyayaring gulo... lalo na 'kay Brianna."

"Nag-a-alala ka pa rin sa kanya...? Wag ka mangamba, sigurado naman na kapag nakita na niya tayo na magkasama eh lalayo na yun. Matuto niyang tanggapin ang relasyon na hindi dapat pinapake-elam-an." tugon niya.

"Dapat lang..." komento ko pabalik.

"Hindi ko aakalain... hanggang dito inabot ko..." pag-aamin ko.

Natawa naman ng marahan si Chad at, "Malakas ka sa akin eh... naalala ko lahat ng mga pinag-ga-ga-gawa mo para mag-pa-pansin sa akin... choir... drawing... recitation... lahat. Hindi naman talaga ako nanghuhusga ng tao base sa itsura, eh ikaw... kahit anong gawin mong pagbabago sa itsura mo... si Jaden ka pa rin naman..." bigkas ni Chad.

please vote and comment~!

Tunay Na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon