Chapter 28 - Lit Club

548 18 0
                                    

Napunta kami ni Aya sa Literature club sa club building. Nakasalubong namin si Clara, ang presidente ng club sa hallway.

"Hm? Oh, Aya at Jaden...? May kailangan ba kayo?" Tanong niya.

"Tungkol po sana sa ELAS." Panimula ni Aya.

"Ahh, wag kayo mag-alala. After exams diba completion week? Dun tayo mag-m-meeting tungkol dun." Paliwanag ni Clara.

"Ah, ganun po ba? Sige po." Pagsang-ayon ko.

Nagpaalam na kami sa kanya't umalis na ng building habang nag-usap,

"Sa tingin mo ba ano mangyayari sa ELAS?" tanong ko.

"For sure naman may mga booths o kaya activities din." tugon ni Aya.

Matapos ang exam...

"AAAAHH! TAPOS NAAAA!" sigaw naming lahat matapos ipasa ang papel.

"Well don't celebrate yet, it's only the preliminary exams, you still have finals and a whole lot more..." bigkas ng proctor namin na nagpatigil ng aming katuwaan.

"But don't worry, it's a celebration worth doing for a while, class dismissed. Congratulations." at nang umalis ang proctor patuloy ang saya nang makalabas na kami ng classroom.

Nakarating kami sa labas ng building at, "Uy, san tayo kakain?" tanong ni Lime.

"Ay- ano... pupunta kami ni Jaden sa club building para malaman na namin yung task namin para sa club namin." paliwanag na tugon ni Aya.

"Luh, so hindi kayo kakain kaagad?" tanong ni Paulina.

"Hindi naman... sunod nalang kami." tugon ko naman.

"Oo, sunod nalang kami. Text text nalang. For sure meeting lang naman yun or something. Maikli lang siguro yun." tugon muli ni Aya sabay pagsang-ayon sa akin.

"Oh sige sige. Text text nalang." at umalis na sila matapos ito bigkasin ni Mica.

Pumunta na kami ni Aya sa club building at nakasalubong dito si Lawrence na nakikipag-usap sa ilang estudyante sa labas ng club room, mukhang members sila ng Literature club.

Nang magmataan kaming dalawa ay, "Oh, buti nakarating na kayo. Hinihintay na kayo ni Clara sa loob." tugon ni Lawrence at umalis na ang mga kausap niya pagkatapos magpaalam.

Pagpasok namin sa loob ay nakita naming naka-upo at umiinom si Clara sabay sabi nang magkatinginan kami, "Musta exam?" unang bati niya.

"Masaya..." tugon ko.

"Wow, talaga?" tanong naman ni Lawrence.

"Oo... tapos na kasi eh." dagdag ko.

Natawa ng marahan si Clara at, "Upo kayo. Discuss na natin yung task."

Nang umupo kami ni Aya sa harapan ni Clara ay naglabas naman si Lawrence ng papel at tumungo sa pagtayo sa tabi ng upuan ni Clara at binigay sa kanya ang papel.

"Itong papel na 'to... nandito na lahat ng kailangan niyong malaman para sa task. Pasensya na kasi hindi kami yung tipong accept lang ng accept, syempre dapat may worth ka sa pagsulat ng mga articles, reviews, at mga katulad pa. Hindi lang kasi puro pagbabasa ginagawa sa club." paliwanag ni Clara.

"Don't worry, seeing you two are from the Journalism. I'm sure this won't be a problem in your writing capabilities." dagdag niya at binigay sa amin ang papel.

Matapos nang ilang segundo na mabasa namin ni Aya ang papel- este kontrata ay, "Um

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos nang ilang segundo na mabasa namin ni Aya ang papel- este kontrata ay, "Um... haunted house?"

"Yes. Feature Article as well. Alam niyo naman kung tungkol saan ang feature articles, diba?" tanong niya.

"Well- opo." tugon ni Aya.

"Good! Here's the pen." pag-abot ni Lawrence sa amin nang sinabi ito ni Clara at isa pang kontrata.

"When's the task?" tanong ko.

"A week after- well... hmm... Undas break natin is after next week edi... siguro last day before break. Half day lang naman lahat ata nun. Lawrence, pa-confirm." pagsalita ni Clara at tumango naman si Lawrence.

"The format..." bulong ko.

"Ah, yun. Wag kayo mag-alala, next week for sure meron na, para makapag-practice na kayo ng isusulat niyo- well... that is if napuntahan niyo na yung attraction na yun." bigkas ni Clara.

"Hindi pa po ako."

"Ako rin..."

Nang sumagot kami ni Aya ay tuluyan ang ngiti ni Clara at, "Excellent! So... what will it be?" tanong niya.

Ilang segundo ang tinginan namin ni Aya at tumango sa isa't isa.

Sabay naming pinirmahan ang mga kontrata namin at binigay ito kay Clara na siya naman ang nag-pirma for approval.

"Good! Looking forward for the task! Report to the club room next week for the format. Tandaan, last day before break." tugon ni Clara sabay ngiti.

"See you next week!" pagpapaalam ni Clara sa amin.

Paglabas namin ni Aya sa club building, "Uy... grabe kinakabahan ako. Hindi ako sanay sa mga ganyan..." komento ni Aya.

"Ako rin naman... sasabihin naman natin sa kanila so... sana sumama sila." komento ko naman.

Ilang segundo lamang nang ma-receive namin ang text ni Mica kung nasaan sila ay, "Jaden! Aya!"

Pagtalikod namin ay nakita namin si Lawrence na naglalakad tungo sa amin at nang siya'y makalapit ay, "Nakalimutan namin sabihin wala na raw palang kailangan pang magdala ng extra clothes. Basta papel lang daw and ballpen, or laptop, basta raw medium kung saan kayo magsusulat. Kasi same day lang din ang deadline niyo nung article." paliwanag niya.

"Same day!?" sabay namin ni Aya na binigkas ng may gulat.

"Syempre. Oh basta ayun, alam niyo na." tugon niya pabalik.

Bumuntong-hininga ako at sinabi, "Sige... salamat ah." pasasalamat ko naman.

"Walang anuman. Ingat kayo." pagpapaalam niya ng may ngiti at umalis na kami ni Aya.

Pagdating namin sa kinakainan ng aming barkada...

"MANSION MADNESS!?" sigaw nila sa gulat.

"Grabe..." sabay tawa ni John at, "Good luck."dagdag niya.

"Luh... nakakatakot ba talaga?" tanong ni Aya.

"Sobra. Kahit yung mismong mga picture mukhang totoo tas gumagalaw yung mga mata... well- alam ko yun yung nag-a-act as surveillance nila." komento niya.

"Nakapunta ka na ba?" tanong ko.

"Oo. Kaso... tagal na nun eh. 3 years ago?"

"Eh ano-- ano pa ba mga nandun dati?"

"May... mga gumagalaw na bagay talaga, as in. Hindi mo makikita yung mga parang string. Tapos isang beses natandaan ko may tunog na nabasag na parang baso sa kusina jusko... pinagsisihan kong pumunta."

"Hala ano meron?"

"Basta... tingnan niyo nalang."

"Teka ala ba silang parang... age restriction?"

"12 below bawal. 13 pwede na pero dapat may kasama na 18 pataas, tapos 18 pwede solo."

"Ilang taon ka na ba Aya? 18 ka na diba?"

"Ha? Oo..." halata ang kaba sa kanynag sagot.

"Ikaw rin naman diba, Jaden?" sabay tawa ni John.

"So parehas kayong solo. Good luck."


Matapos nito ay nakarating na ako sa dorm para mag-ayos ng gamit kasama si ate ko at sabay na kaming umuwi sa probinsya.


please vote and comment~!

Tunay Na DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon