PART 3

17.7K 512 13
                                    

PATAMAD na nakaupo sa sofa si Erica. Yakap-yakap niya ang isang throw pillow at nakatulala. Life is really unpredictable. She's supposed to be at the office at that time pero heto siya at nakatambay sa bahay. "Bakit ngayon pa?" himutok niya sa sarili.

Naramdaman niya ang pagpihit ng seradura ng front door pero hindi siya tuminag. Kahit yata magnanakaw pa iyon wala na siyang pakielam. Bumukas ang pinto at pumasok si tita Sally. Halatang nagulat ito nang makita siya.

"O Erica? Bakit hindi ka pumasok ngayon? May sakit ka ba?" tanong ng tiyahin niya pagkaupo sa sofa.

Kay Tita Sally niya ang bahay na iyon. Dito na nakitira si Erica mula nang pumunta siya ng Maynila. Maganda ang bahay. Hindi man iyon masasabing mansion pero halatang may sinasabi sa buhay ang may-ari. Patunay na maganda ang kinikita ng tita niya bilang handler ng mga model na in-demand hindi lang sa Pilipinas pero maging sa labas ng bansa.

Sampung taon na itong nagtatrabaho sa Timeless Modeling Agency na numero unong modeling agency sa bansa. Timeless lang ang agency na halos lahat ng modelo ay sikat. Nahawakan na yata ni tita Sally ang mga pinakasikat at pinaka naging successful na mga modelo. Ang iba naging mga artista pa. Dahil doon kaya madalas na wala sa bahay ang tita ni Erica. Kung minsan naman alanganin ang uwi tulad ngayon. Kaya yata single pa si tita sa edad na forty.

"Tita."

"Bakit?"

"Wala na kong trabaho."

"What? Bakit?" gulat na tanong ni tita Sally.

"My boss fired me yesterday," sumbong ni Erica. Wala kasi ito kahapon at hindi naman niya ito matawagan. May out of town shoot kasi ang isa sa mga modelong hinahawakan nito.

"Don't tell me may nagawa kang kapalpakan sa trabaho mo?"

"Wala po tita!" mariing tanggi niya.

"O e bakit ka natanggal?"

She sighed. "Binasted ko siya."

Tumaas ang kilay ni tita Sally. "Ang babaw naman."

"Sinabi niyo pa." Padausdos na humiga sa sofa si Erica. Masaya pa siyang pumasok sa trabaho kinabukasan after nang gabing ipakilala niya kay Sat ang "boyfriend" niya. Pero nang dumating ito at ipatawag siya ay nakumpirma niyang tama siya ng basa dito- masama talaga ang ugali nito. Patunay niyon ang basta na lamang pagsibak nito sa kanya sa trabaho dahil nalaman nitong wala na itong pag-asa sa kanya. Pinagbintangan pa siya nito na mapaglaro at nagpapaasa. Ang kapal talaga.

Dahil doon hindi na nagmakaawa pa si Erica sa ex-boss niya. Agad niyang kinuha ang iilang mga gamit niya roon at taas noong umalis. Inismiran niya pa ito bago tuluyang makalayo. Pakiramdam niya napahiya lang si Sat kasi malayong malayo rito ang boyfriend niya. Ni hindi ito papasang talampakan ng ubod ng gwapo at machong boyfriend niya.

She stopped herself from saying more compliments. Bakit para yatang nag-e-enjoy siyang i-claim na boyfriend niya si Alex? Kunwari lang naman ang lahat. Napilitan lang itong sakyan ang ka desperadahan niya.

Then his handsome face materialized in her mind. His eyes, his lips... Biglang nag init ang pisngi ni Erica nang maalalang lumapat ang labi niya sa mga labing iyon. Ni hindi niya nga alam kung anong espiritu ang sumanib sa kanya at nagkalakas loob siyang halikan ito. Lalong uminit ang pakiramdam niya nang marealize na si Alex pa pala ang kanyang first kiss. Diyahe.

"Bakit nagkukulay kamatis ka? May lagnat ka yata e," nagaalalang puna ni tita Sally.

Mabilis niyang itinakip ang throw pillow sa mukha niya. "Okay lang ako tita. Nag-iinit lang talaga ang ulo ko kapag naaalala kong wala na kong trabaho."

MY DREAM STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon