PART 6

16.8K 530 22
                                    

SUMILIP sa model's lounge si Erica para masigurong naroon pa rin si Alex. Nang makitang kampante pa rin itong nakaupo sa sofa at nagbabasa ng kung ano ay mabilis niyang kinuha ang paperbag kung saan niya nilagay ang sweater nito.

Siniguro niyang walang tao bago siya pumasok sa lounge at lumapit dito. Ni hindi man lang siya nito nilingon habang naglalakad siya. Suplado talaga. Nang makalapit siya ay pinakita niya rito ang paperbag. Noon lang siya tiningnan ng binata. Bahagyang magkasalubong ang mga kilay nito na para bang iniistorbo niya ito. Eh wala naman itong importanteng ginagawa.

"Sweater mo, salamat."

"You don't seem grateful."

Pinigilan ni Erica ang sariling irapan ito. "I am grateful. Thank you." Pilit niyang pinalambing ang boses.

He smirked and reached for the paper bag. "Hindi bagay sa'yo."

"Eh ano! Basta ayan na sweater mo. Wala na kong utang sayo." Tinalikuran na niya si Alex. Pero bago pa siya makahakbang bigla na siya nitong hinawakan sa braso. Kumalat ang init at kilabot sa buong katawan niya. "Ano?" Tumaas tuloy ang boses niya dahil sa kakaiba niyang naramdaman.

"You still owe me a lot. My talent fee for playing as your boyfriend and the iced coffee I bought."

Nanlaki ang mga mata niya. "Sobra ka naman pati yung iced coffee? Ang yaman yaman mo pati yun sisingilin mo pa?"

Nagkibit balikat ito. "I'm just being practical. Akin na?" binitawan nito ang braso niya at inilahad ang palad. Wala talaga siyang masabi sa ganda ng ugali nito.

"Wala na kong pera. Ipinadala ko na sa pamilya ko sa probinsya." Dahilan niya. Nakatingin siya sa balikat nito. She's not a good liar.

He crossed his arms on his chest. "Tumutubo yan."

Tinitigan niya ang mukha nito. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya tuloy alam kung seryoso ito o niloloko lang siya.

"Daig mo pa ang bumbay." Naiinis na sinabi niya. As always he just shrugged.

Biglang sumungaw ang tita niya sa pinto. "Zander we have a problem." Bungad nito. Kumunot ang noo ng tita niya ng makita siya. Napahiya naman siya kaya nag-excuse na siya sa mga ito.

"What is it Tita?" pukaw ni Zander.

"Hindi makakapasok si Franco, your P.A. Paano ba yan? Hindi naman pwedeng mag-isa ka lang pumunta, walang mag-aasikaso sayo."

Lihim na napangiti si Erica. Buti nga. Maghirap ito sa sarili nitong gamit. Palabas na siya ng lounge ng mapahinto siya sa sinabi ng lalaki. "Bakit hindi na lang si Erica tita? She can accept an order from anyone right? Para tapos na ang problema." He suggested.

Nilingon niya ang mga ito. Nakatingin din ang mga ito sa kanya. Nagfocus siya sa tita niya. "Oo nga no. Erica ikaw na muna ang mag P.A dito kay Zander."

Marahan siyang tumango. May magagawa pa ba siya? She did her best not to look at him. Baka kung ano pa ang magawa niya sa harap ng tita niya. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano pero pakiramdam niya binubully siya nito.

ASAR na nakatingin siya kay Alex at sa isang babaeng modelo na kapareha nito sa photoshoot. Para iyon sa isang clothing line. Mukhang magkakaroon na naman ito ng billboard sa kung saang parte ng EDSA.

Her arms are crossed in front of her chest. Nasa kamay niya ang eyeglasses nito, nasa bulsa ang cellphone nito at nasa tabi niya ang maleta nito. Super alalay talaga ang drama niya. Naiinis siya kasi sinulit nito ang pagiging alalay niya. Katunayan hinayaan siya nitong magbitbit ng gamit nito, humanap ng upuan nito at kumuha ng inumin nito. Kung marunong lang siyang mag maneho ay malamang ginawa na rin siya nitong driver. Sigurado siya dahil itinanong nito kung marunong siyang mag drive.

MY DREAM STARWhere stories live. Discover now